FIFTEEN

2.2K 40 2
                                    

Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim



Hangang ngayon ay hindi pa rin ako makapg move on sa announcement ni kuya Sic. Hindi ako makapaniwalang ako na ang may ari ng school na pinapasukan ko.

Matapos ang announcement, binati at nakipag kamay ang dean at iba bang school staffs sa akin. Tapos na ang announcement at wala na ring pasok. Inaya ako ni kuya Sic na pumunta sa mall. Kako may kukunin muna ako sa locker ko. Pumayag naman siya, at habang nag lalakad ako. Hindi ko maiwasang ma conscious dahil sa mga titig ng mga estudyante. Kapag dadaan ako, titignan nila ako tapos ngingiti at icoconggratulate ako. Nahihiya akong iyuyuko ang ulo bilang sagot.

"Sheena"

Tumigil ako sa pag lalakad nang marinig ang matinis na boses ni Alice. Tumatakbo siya papunta sa akin. Tsk. Hindi ba siya napapagod kakatakbo?

"Sheena. Ang daya mo!" nag tatampo kunong aniya

"Bakit?"

"Hindi mo sinabi sa akin na ikaw pala ang bagong may ari ng school"

"Ngayon ko rin nalaman. Ni hindi ko nga alam na si kuya Sic pala ang bumili ng school" paliwanag ko pa

"Isa pa 'yan. Alam mo bang nakakatampo ka dahil hindi mo man lang sinabi sa akin na anak ka pala nila Mrs. and Mr. Sergio Montemayor. Sobrang yaman mo pala tapos nagpapanggap kang mahirap. Maypa scholar scholar ka pang nalalaman," litanya niya

"Hindi ako nagpapanggap, ha. Well, half," hindi siguradong sabi ko at nag kibit balikat.

Umirap siya "Hay, ewan ko sa 'yo. Nakakatampo ka, nag lihim ka sa akin. Tapos may pa grand revelation pa kayong nalalaman,"

"Sorry na kung hindi ko sinabi sa 'yo ang tungkol sa tunay kong pinag mulan. Eh, kasi naman, mahirap 'yung sitwasyon ko, okay? Mahabang salaysayin,"

"Chismosa ako"

"Tamad ako"

Napanguso siya. Wala ako sa trip na ikwento ang buhay ko. At wala siyang magagawa para pilitin ako.

"Pero ang gwapo ng kuya mo, ah!" aniya na animo'y kinikilig

"Tsk. Huwag mo ngang pag diskitahan ang kuya ko!" angil ko

Inirapan niya lang ako.

-

"Where are we going, kuya?" tanong ko kay Sic.

Nasa loob na kami ng sasakyan niya at nag dadrive sa hindi ko alam kung saan papunta.

"Sa mall nga, hindi ba?" pilosopong sagot niya.

Ay tanga, oo nga pala.

Nanahimik na lang ako. Excited ako kasi ngayon lang ulit kami lumabas ni kuya Sic. Dati tuwing weekend, lalabas kami ng mga kuya ko. Kung saan saan lang nila ako dinadala, masaya rin naman. 'Yun ang bonding naming magkakapatid. Namiss ko ang mga araw na 'yun. Kaya sobrang saya at excited ako ngayon, kaso wala so kuya Sam. Busy siya sa pag aasikaso ng mga kaso niya.

Medyo matagal ang byahe. Sa tingin ko ay sa didiritso kami ng maynila.

-

Nang maipark ni kuya ang sasakyan. Bumaba ako at pinagmamasdan ang labas ng mall. Pangalan pa lang, alam ko na kung sino ang may ari nito.

"Let's go inside," anyaya niya saka inakbayan ako papasok ng mall.

Grabe, ngayon ko lang narealize ng tuluyan. Maraming pwedeng mag bago sa loob ng tatlong taon. May sarili nang negosyong pinapatakbo si kuya Sic. Biruin niyo, businessman na nga psychologist pa. Samantalang si kuya Sam, patuloy na pinag sisikapan na tumaas ang rango sa propesyon na napili niya. Nakakaproud dahil pwedeng pwede naman siyang mag patakbo ng sariling negosyo pero mas pinili niyang pag lingkuran ang bayan. I must say, I missed half of my brother's life. Hindi ko nasaksihan ang journey nila sa patungo sa kung ano sila ngayon.

Mommy at Eighteen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon