SEVENTY-THREE

551 14 2
                                    

Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim

Saturday morning, I woke up early. I just woke up but I was already smiling widely. Maybe because today is the day that Tita and I have been preparing for two weeks? 

Yes! Today's Kenzie's birthday! I will finally gonna see him again and celebrate his birthday together. Ihhh! I'm so excited. I have a good feeling that this day will be great!

Because of too much excitement, kumuha lang ako ng sandwich bilang breakfast ko. Nagpaalam din ako kina Mommy na mauuna na ako sa mansyon ng mga Chiu dahil may aasikasohin pa kami ni Tita.

"Mimi, wanna come with you," bulol na sambit ng anak ko dahil sa kinakain na hotdog.

Tumingin muna ako kay Mommy, asking for her approval to bring Zaiah along with me. 

"Sigi, isama mo na si Zaiah. Susunod naman kami mamaya," pagsang-ayon ni Mommy na ikinangiti naming dalawa ng anak ko.

"Come, Baby," I extended my right hand for her to hold. Inabot niya ang kamay ko ng kaliwa niyang kamay samantalang ang isa ay hawak-hawak ang hotdog na kinakain. Natawa na lang ako sa itsura ng anak ko. Ang oily tuloy ng paligid ng labi niya at ng kamay niya. So I asked her Yaya to bring new clothes for her to change and the dress she will wear later at her Dada's party and just follow us to the Chiu's mansyon.

"Tita!" pagtawag ko kay Tita nang makita namin siya sa garden, busy sa finishing touches ng mga decorations.

I was really amazed when I saw the whole place. Ang lawak ng garden nila sa likod. The decorations were simply rustic style. Sa gilid ay may outdoor bar in rustic style. Ang building cake naman ay agaw pansin. Everything is perfect and set, except for the birthday celebrant.

"Hi, my dearest," Tita said, sweetly nang makalapit sa amin. "Hi, Baby," malambing niyang bati kay Zaiah ngunit may panggigigil niyang pinisil ang pisngi nito. "I missed you so much."

Humagikgik lang ang anak ko habang hinihimas ang magkabilang pisngi na pinisil ng Mamita niya.

"Anyways, hija. Everything is ready. Si Kenzie ay sinundo na ng yate papunta sa dock."

"That's great po, Tita."

"Yes." Napatingin ako sa kamay ko nang kunin ito ni Tita. "Thank you."

Bahagya akong natigilan sa sobrang sincere ng boses ni Tita, it's as if I did save her life.

"For what po?"

"For helping me prepare for his birthday. For doing this for him. Thank you for coming into his life."

It's awkward that Tita is being emotional on her son's birthday. Pero totoo, nakakatunaw ng puso ang sinasabi ni Tita. It's not like everyday you receive those kind of words from your boyfriend's mother.

"Mom."

Halos sabay kaming napatingin ni Tita sa gilid nang may tumawag sa kaniya.

"Son! You're here," nagagalak na sambit ni Tita saka nilapitan ito upang yakapin. "I missed you so much!" dagdag ni Tita nang humiwalay siya sa yakap at kinurot ang pisngi ng anak.

"Mom, ano ba," ilag niya. "I'm a grown-up now, can you please stop doing it?" maangas niyang sambit ngunit mahihimigan sa boses niya ang hiya.

"Why can't I? I'm your mom and I've missed you so much, " tila nagtatampong saad ni Tita.

He hissed. "Mom, ilang linggo lang naman akong hindi umuwi rito," katwiran niya.

Palihim na lang ako natawa dahil sa mag-ina sa harap ko ngayon. Napatingin ako kay Kai at pasimpling pinasadahan ng tingin ang kaniyang kabuoan. Ngayon ko na lang ulit siya nakita dahil gaya nga ng kaniyang sinabi ay ngayon lang ulit siya umuwi rito sa mansyon nila. May sarili na kasi siyang condo at doon na siya madalas umuuwi. Kaya nga minsan si Tita tinatawagan ako para may kasama siya, kasi nagiging lonely siya dahil 'yong mga anak niya ay nagkukusa na.

Mommy at Eighteen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon