Mommy at Eighteen
By: JlessbiiiiimNagbabasa ako ng notes na idinaan ni Alice sa ospital kanina bago pumunta ng school. Marami rin akong na-miss na topics sa school at nagpapasalamat ako kay Alice sa paggawa niya ng notes sa akin.
"You're supposed to be resting."
Naisara ko ang notes na binabasa at napatingin sa kapapasok lang na si Kuya Sic. Naka-white coat pa siya.
"Kuya," sambit ko.
"What are you reading?" tanong niya.
"Some school notes."
"I see. Kumusta na ang pakiramdam mo? Sorry ngayon lang kita nabisita ulit."
Bahagya akong umiling. "It's okay. I'm fine now, anyway."
Pinagkrus naman niya ang kaniyang mga braso at seryoso akong tinignan.
"You sure you're okay?" tila hindi naniniwalang aniya.
"Kuya, of course."
"I spoke to Selenna and she told me you are over fatigue." Bumuntong-hininga siya. "But I know that's not the only reason bakit ka nawalan ng malay that night."
Napalunok ako sa sinabi niya, kasabay niyon ay ang pagkabuhay ng kaba sa aking dibdib. He seems to know something.
"K-kuya. W-what do you mean?" nauutal kong tanong.
"Lenna has never been good at lying, so as you." Normal lang 'yung ekspresyon sa mukha niya pero ang boses niya ay tila may pasasabuging bomba. Napalunok ako ulit.
"Gano'n mo ba kakilala si Ate Lenna?"
What a dumb question. Syempre gamay na niya ang ugali ni Ate Lenna dahil halos buong buhay niya ay kasama niya si Ate Lenna.
"Baby, I know her too well, so as you because I am your brother. At alam na alam ko kung kailan kayong dalawa may tinatago."
Napakalagat-labi ako. At this point, I know I'm doomed. Maliban sa kilala niya kami kung kailan kami nagsisinungaling, he's a psychiatrist. Siguro alam na alam na rin niya kung kailan ngasisinungaling ang isang tao.
"I know you're pregnant."
Awtomatikong umangat ang paningin ko sa kaniya at unti-unting nanlalaki ang mga mata. Nararamdaman ko naman ang panginginig ng aking mga kamay.
"Lenna told me the truth. She told me everything you told her," kalmadong aniya.
"Are you going to tell everyone?"
"No. Alam ko rin ang plano ninyo ni Lenna na ilalabas ka nang walang nakakaalam."
"Are you going to stop us?" mahina kong tanong.
"No. I wanted to help you, in fact."
Kumunot ang noo ko. "Why? Hindi ka ba galit? Hindi ka ba galit kasi sa pangalawang pagkakataon ay na-disappoint ko na naman kayo? Hindi ka ba disappointed sa akin?" Nanginginig ang boses ko at kunti na lang ay mababasag na ito.
Sa halip na sagoting ako ay umupo siya sa bed ko at marahan akong niyakap sabay malumanay na hinaplos ang likod ko.
"You know you'll always have my back. At kahit kailan, hindi mo ako binigyan nga disappointment. In fact, I am proud of who you become," malumanay niyang sinabi habang banayad na hinahaplos ang likod ko.
Parang piniga ang puso ko sa mga sinabi niya. Dapat ay napapangiti ako sa sinabi niya pero nagu-guilty ako kasi kahit anong laki ng pagkakamali ko ay hindi niya ako iniiwan sa ere. Palagi lang siyang nandiyan sa tabi ko. Palagi niyang pinaparamdam na may karamay ako.
BINABASA MO ANG
Mommy at Eighteen (COMPLETED)
RandomSheena Montemayor got pregnant at the very young age. Perks of being a Montemayor, she received the hardest and the most painful punishment from a parents a daughter could ever receive. As a 15-year old girl who got pregnant, she face alone the res...