EIGHTY-SIX

946 27 12
                                    

Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim

~All of my life
I thought I was right
Looking for something new
Stuck in my ways
Like old-fashioned days
But all the roads led me to you~

NAPAPIKIT ako nang maramdaman ko ang preskong hangin na sumalubong sa akin paglabas ko ng bahay. Sobrang payapaya ng buong paligid at wala kang ibang maririnig kung hindi ang mga alon sa dagat na tila musika sa pandinig. Sobrang ganda ng araw, mainit pero malamig ang hangin. 

Sa beach house ni Kuya Sic sa Bohol ako nags-stay. Ilang araw na rin ang lumipas magmula no'ng pinili kong lumayo. Payapa naman ako rito. Sa isang araw pumupunta ang care taker ng bahay kasama ang asawa niya. Si Aling Telma, siya 'yung inatasan ni Kuya Sic para asikasohin ako at lahat ng mga kailangan ko. Sa loob ng ilang araw na pananatili ko rito ay sila lang 'yung mga nakakasama ko. Kaya kahit papaano ay hindi ako mag-isa at may nakaka-usap ako. Kahit papa'no ay hindi ko paulit-ulit na naaalala ang masakit na pangyayaring tinakasan ko sa Laguna. 

~The house that you live in don't make it a home
But feeling lonely don't mean you're alone
People in life, they will come and they'll leave
But if I had a choice I know where I would be~

Hindi ko 'yun naaalala sa tuwing nandiyan sina Aling Telma, pero kapag ako na lang mag-isa sa gabi, doon ako hina-hunting ng sakit. Tila ba bumabalik ako sa oras nang marinig ko ang ginagawang kababoyan ni Kenzie kasama si Iris. At sa tuwing bumabalik sa akin 'yon ay parang sinasaksak ang puso ko. 

~Through the lows and the highs, I will stay by your side
There's no need for goodbyes, now I'm seeing the light
When the sky turns to grey and there's nothing to say
At the end of the day, I choose you~

Gumugulo na naman ang isip ko dahil sa dami ng tanong na hindi ko masagot-sagot. Hindi ba ako enough? May kulang ba sa akin? Mahal niya ba talaga ako? May pakialam ba siya sa akin? Sa nararamdaman ko? Bakit niya nagawa sa akin 'yon? 'Yung binigay mo na lahat sa kaniya pero bakit parang kulang pa rin? Gusto ko siyang tanongin salahat ng bagay na gumugulo sa isip ko, pero pakiramdam ko hindi ko kayang marinig ang mga sagot niya. Naduduwag ako. Sobrang minahal ko si Kenzie, at ngayon ko napagtanto na wala na pala akong itinira para sa sarili ko. I made him my everything, now I'm lost. Natakot akong mawala siya sa akin. Kasi naisip ko no'n na siya lang 'yung lalaking nagmahal at tumanggap sa akin ng buong-buo sa kabila ng pagiging batang ina ko. Sobra ko siyang pinahalagahan kaya kahit na ang sinasabi ni Mommy na para sa ikabubuti ko lang din ay sinuway ko, pinilit ko 'yung bagay na sa tingin ko ay makapagpapasaya sa akin. 

Siguro ang pagkakamali ko lang ay 'yung binigay ko lahat ng pagmamahal ko sa kaniya. 

Tinunghayan ko 'yung tiyan ko saka hinawakan. 

"Sorry, babies, ha, kung napakahina ni Mimi. Sorry kung kailangan kong tumakas. Mimi needs to protect you, eh," nakangiti kong sambit na tila ba nasa harap ko na ang mga anak ko. 

"Hindi ka mahina."

Napalingon ako sa likod nang marinig ko ang boses ni Aling Telma. Pinahid ko ang luha sa aking pisngi saka nakangiting humarap kay Aling Telma.

"Pa'no n'yo naman po nasabing hindi ako mahina, Aling Telma? Eh, ito nga ako, o. Tumatakas."

"Hindi ibig sabihin ng lahat ng tumatakas ay mahina. Minsan ang paglayo ang kailangan nating gawin upang magpagaling, hanapin ang sarili," malumanay na aniya. "Alam mo, Sheena, ang pagtakas ay hindi nagpapakita ng kahinaan. Nagpapakita iyon ng katatagan. Nadapa ka man pero buo ang loob mo na hanapin at buohin ulit ang iyong sarili. Kaya walang masama kung mas pinili mong magpalayo-layo. Alam mo bang bilib ako sa iyo, bata ka pa lang pero napagdadaanan mo na ang lahat ng ito sa iyong buhay at nakakayanan mo. Kaya nasisiguro kong mas patatatagin ka ng mga nangyayari ngayon sa buhay mo," nakangiti, sinserong ani Aling Telma.

Mommy at Eighteen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon