Special Chapter!!!
"Congratulations!"
"Congrats!"
"Yey! Graduate!"
"Finally!"
Yes, finally. Finally, natapos din ang mala roller coaster ride na college years. Tagal naming naghirap maka survive lang sa college. At ang makapag suot ng itim na toga at e declare na graduates ang pinakamasarap na pagtatapos sa journey mo as college. Ang lahat ng napagdaanan namin ay walang katumbas, at tanging ang makapag tapos lang at maging proud ang pamilya namin ay sapat na.
Nakakatuwa na marinig ang kaliwa't kanang batian, ang masarap sa pandinig na 'congratulations', na kahit hindi naman ikaw ang binati ay napapangiti ka kasi isa ka sa nagtapos ngayong taon. Ang sarap pakinggan ng pagbati ng mga taong nandito ngayon sa graduation namin.
"Congratulations, miss Sheena." Napahinto ako nang batiin ako ng isang estudyante. Kilala ko siya at madalas ko siyang makasalubong sa school. Nakangisi siya habang nasa likod ang dalawang kamay, inaasar na naman ako.
"Again, Aenna, it's Sheena, but thank you," nakangiti kong sabi kay Aenna, ang panganay na anak nina Aling Telma at Mang Sonny. 3rd year college na siya ngayon at ang kinuha niyang kurso ay Elementary Education.
Lumawak naman ang ngiti niya sa akin. "Next year ako naman, Sheena. Kung hindi dahil sa 'yo hindi ako makakapag kolehiyo."
"Tsk. Ano ba, Aenna, walang drama ngayon. Graduate ako, o."
"Hindi ako nagda-drama. Pero totoo, salamat sa 'yo," sinsero niyang sinabi.
"Wala 'yun, ano ka ba."
Napatingin naman ako sa gitna ng napakaraming tao nang makita kong kinawayan ako ng pamilya ko.
"Sigi, Sheena. Mauna na ako, hinanap lang talaga kita para batiin. Tumakas lang ako sa canteen, baka hanapin ako ng tigre," ngisi pa niya.
"Baliw," natatawa kong sabi.
Kumaway pa siya sa akin bago tuluyang umalis. Hindi ako humingi ng bayad sa kaniya kapalit ng libreng pag-aaral niya sa school. Pero nag insist siya na magtatrabaho siya bilang utang na loob, kaya sa canteen siya naka assign.
Nakangiti ko namang pinuntahan ang pamilya ko.
"Congratulations, baby," nakangiting bati ni Daddy sa akin saka inabotan ako ng bouquet ng bulaklak at niyakap.
"Congratulations sa pinakamamahal naming prinsesa," bati naman sa akin ni Kuya Sam sabay kurot sa pisngi ko.
"Congrats, baby," binati rin ako ni Kuya Sic saka marahan na tinap ang ulo ko.
"Congratulations, She," binati rin ako ni ate Lenna. Hindi ko naman inaasahan ang sinabit ni ate Lenna sa aking leeg. Stethoscope. "To our future dentist."
Bahagya akong natawa. "Magte-take pa naman ako ng board, ate."
"But I don't think you could pass the exam," diritsong sabi ni ate dahilan para kumunot ang noo ko, magtataka na sana ngunit bigla siyang ngumiti at sinabi na, "I know so."
Ngiti na lang ang aking sinagot kay ate Lenna. Bumaba naman ang tingin ko sa kamay niya nang iniangkla niya ito sa braso ni Kuya Sic.
What a cute married couple.
Kuya Sic proposed to ate Lenna a year ago, and after a month of preparation, they got married. Pero hangang ngayon hindi pa rin sila nagde-decide na magkaroon ng anak. Napagkasunduan din kasi nila na bago sila magka-baby, gusto muna nilang masulo ang isa't isa, kasi syempre iba na kapag may baby na.
BINABASA MO ANG
Mommy at Eighteen (COMPLETED)
RandomSheena Montemayor got pregnant at the very young age. Perks of being a Montemayor, she received the hardest and the most painful punishment from a parents a daughter could ever receive. As a 15-year old girl who got pregnant, she face alone the res...