THIRTY

1.3K 23 0
                                    

Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim

Pagpasok ko sa kwarto ay hindi ko inaasahang sasalubongin ako ni Kenzie.

"Akala ko ay tulog ka na? Late na bakit gising ka pa?" medyo may pagka strikta kong tanong.

"I was waiting for you," kibit-balikat niya. Napako ako sa kinatatayuan nang lumapit siya sa akin upang halikan ako sa pisngi. Magtataka na sana ako at maninibago sa ginawa niya nang maalalang nobya na niya nga pala ako. Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil nakalimutan ko iyon. "So, how was the concert? Did you had fun?" nakangiti niyang tanong na naupo sa kama.

Ngumiti rin ako "Yes," impit kong sigaw, nandoon ang excitement na sabihin sa kanya kung gaano ako nag enjoy sa concert. "Sobrang saya. Dati kasi ay pangarap ko lang na maka punta sa concert nila. Kung hindi lang ako papasamahan ni mommy sa mga bodyguards ko papunta sa concert, eh. Pero grabe, ang saya talaga," tuwang tuwang sabi ko kay Kenzie.

Nakangiti lang siyang nakatingin at nakikinig sa kwento ko. "Mabuti naman at nag-enjoy ka," sinserong aniya.

"Thank you nga pala, ha. Binantayan mo si Zaiah para lang maka punta ako sa concert," sinserong sabi ko

Kinuha niya ang dalawang kamay ko at malumanay na nilapit sa kanya, "Mimi, that concert can make you happy. And I want you to be happy. Isa pa, dream concert mo 'yon. Masaya akong masaya ka," purong ngiti ang sumilay sa mukha niya.

Hinaplos naman ang puso ko sa sinabi niya at sa klase ng ngiti niya.

"Halata talagang nag-enjoy. Namamaos ka, eh," pabirong aniya.

Natawa ako "Pansin mo?" sabi ko "Anyway, bihis muna ako," binawi ko 'yong kamay ko ngunit hindi niya agad iyon binitiwan. Natawa na lang ulit ako saka sapilitang binawi ang mga kamay ko at nagtungo sa banyo.

-

"Take care kayo, ate ha," nalulungkot, naiiyak na bilin ni Tita Dale kinabukasan nang nasa airport na kami.

"Of course, kayo din mag-iingat kayo," naiiyak din na tugon ni mommy.

Maging ako ay naluluha din. Kung pwede lang sanang e-extend ang bakasyon namin dito, eh.

Si Tita Dale lang ang naghatid sa amin sa airport. May song writing class sila Aegyo at Yeupo. Nakapag paalam na kami kanina sa kanila. Kamuntikan pa nga kaming mag-iyakan.

Niyakap ni Tita ang mga kuya ko at kung ano-ano ang ibinilin na sinagotan lang ng tango ng mga kuya ko.

"Baby girl," wala pa man ay naiiyak na si Tita no'ng sa akin na siya humarap. Napaka emotional niya talaga kumpara kay mommy. "I'm gonna miss you, alagaan mo ang mga baby mo ah," emotional siya ngunit nakuha pang mang-asar.

"Yes, Tita," niyakap ko siya.

"Kenzie, ah. 'Yong mag-ina mo. Kahit sabihin nating hindi mo talaga anak si Zaiah, I know you love her like your own flesh," emosyonal pa ring ani Tita nang humiwalay siya sa yakap namin at humarap kay Kenzie.

Nginitian siya ni Kenzie saka tumango.

"Bye, baby. I'm gonna miss you," kinurot niya ng may panggigigil ang pisngi ng anak ko dahilan para mapangiwi ito.

"Let's go. Bye, Dale," paalam ni mommy bago kami tuluyang pumasok sa loob ng airport.

Sandali ko pang nilingon si Tita na panay pahid na sa luha niya. Nalulungkot ako, ngayon ko lang ulit nakita si Tita Dale. Nami-miss ko talaga ang bonding namin dati. Ngayon kasi ay may pamilya na siya at 'yong mga bonding namin dati ay pwede na niyang gawin sa mga anak niya. Samantalang ako ay may anak na rin.

Mommy at Eighteen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon