Mommy at Eighteen
By: JlessbiiiiimNagsisidatingan na ang mga bisita kinagabihan. Agad naman silang inasikaso ng mga server namin. Nakatayo ako sa isang tabi, tinitignan ang kaganapan. Hindi nalalayo ang party ni Zaiah sa party ko noon sa tuwing sasapit ang birthday ko o ng mga kuya ko. Sina mommy at daddy ay sobrang busy sa page-entertain ng mga bisita nila na kabilang sa kilalang tao sa business world. Kung titignan ay parang random chikahan lang dahil nagtatawanan. Ngunit sa estado ng buhay meron ang mga magulang ko, tiyak kong tungkol lang sa pagpapalago ng negosyo ang pinag-uusapan nila. Ano pa ba ang bago kapag nag-uusap ang mga mayayaman sa isang party?
Samantala, ang mga kuya ko naman ay naka-upo sa table na intended para sa pamilya namin. May mga mamahaling wine sa kanilang harapan at sinisimulan na itong inomin.
Mayamaya pa, naisipan kong lapitan ang iilang bisita na kakilala ko.
"Hi. Okay lang po ba kayo? Please, make yourself comfortable," sabi ko sa mga kasamahang doctor ni kuya Sic. Tsk na kuya 'yon, hindi man lang ine-entertain ang mga bisita niya.
"We're fine. By the way, I heard it's doctor Sic's one and only niece's birthday? So, it's your daughter?" tanong ng isang lalaking doctor.
Ngumiti ako. "Yes."
For a moment, everyone in the table looked surprised. "No offense, but you're too young to have a 3-year old kid," komento niya dahilan para matigilan ako.
"Tsk. How come people say no offense right before they offend you?" isang tinig ang nangibabaw mula sa aking likoran.
"Doctor Sic. I'm sorry, I didn't mean to offend your sister," nakangising depensa ng doctor.
Nakita ko sa aking gilid, nakapamulsang nakatayo si Kuya Sic.
Naging matunog ang sarkastikong ngiti niya. "Doctor Ed, you know what. My sister doesn't need any of your side comments. And may I remind you, that your daughter also got pregnant at the age of fourteen. Kaya wala kang karapatan na bastosin ang prinsesa ko." Seryoso, walang emosyon iyong sinabi ni kuya Sic.
Napatingin ako kay Doctor Ed. Nakita ko sa mukha niya ang pagkapahiya. Ang ibang mga doktor na nasa table nila ay napatingin sa kaniya, na tila ba sinasabing mabuti nga sa kaniya.
"Please, enjoy the party. Excuse us," pormal na iyong sinabi ni kuya saka inakbayan ako at iginiya paalis sa table ng mga doctor.
"Kuya Sic, nabuntis din 'yong anak niya ng maaga?" Ganoon na lamang ang curiosity ko.
Tumango siya nang hindi man lang tumingin sa akin. "Are you okay?" Kapagkuwa'y tanong niya, nag-aalala.
Tumango lang ako.
"Doctor Sicario Montemayor."
Sabay kaming napalingon ni kuya sa likoran nang may nagbanggit ng buo niyang pangalan. Isang babae ang nakatayo sa harap namin ngayon, nakangiti, at sobrang ganda niya. Pamilyar din sa akin ang mukha niya.
"Doctor Selenna Dy." Ganoon na lamang kalawak ang ngiti ni kuya Sic habang nakatingin sa babaeng tinawag niyang Doctor Selenna Dy.
Sandali. Selenna Dy? Tumingin ako sa babaeng kararating lang. Ilang minuto ko siyang tinitigan bago ko siya tuluyang nakilala.
"Ate Lenna?" Hindi ako makapaniwalang kaharap ko ngayon ang babaeng tinuring kong ate.
Nang tumingin siya sa akin ay ganoon na lamang kalawak ang ngiti niya.
"Sheena, you still remember me," aniya.
"Ate, syempre naman." Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya.
Si ate Lenna ang nag-iisang babaeng pinakilala ni kuya Sic sa amin. Pinakilala siya sa amin ni kuya Sic bilang kaibigan ngunit nakikita naman naming lahat na higit pa sa kaibigan ang tingin nila sa isa't isa. Sa ngitian pa nga lang nilang dalawa kanina, alam mo namang may deeper meaning, eh.
BINABASA MO ANG
Mommy at Eighteen (COMPLETED)
RandomSheena Montemayor got pregnant at the very young age. Perks of being a Montemayor, she received the hardest and the most painful punishment from a parents a daughter could ever receive. As a 15-year old girl who got pregnant, she face alone the res...