EIGHTEEN

2.1K 41 2
                                    

Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim


"Anak, kumusta na si Zaiah?" tanong ni daddy sa akin.

"She looks fine, dad. Pero nahirapan kaming patulugin siya kanina. Ayaw bumitaw kay Kenzie, iyang ng iyak,"

"Baka na trauma siya sa ginawang pananakit ni Joros sa kanya. Don't worry, I'll check on her tomorrow," sambit ni kuya Sic

Ngumiti ako sa kanya "Thank you, kuya,"

Mabuti na lang at may kuya akong psychiatrist.

Nag patuloy ako sa pagkain. Actually, naninibago ako. Nasanay ako na kami ni Zaiah lang ang sabay na kumain. Pero dahil okay na kami ng parents ko, hindi na lang kami ni Zaiah ang sabay na kakain kung hindi buong pamilya na. Palihim akong napangiti sa naisip ko.

"Anyway, baby. I have a question. Are in a relationship with Mr. and Mrs. Chiu's son?" naiintrigang tanong ni mommy

Napatigil ako sa pag kain dahil sa tanong ni mommy. Lahat sila ay nakatingin sa akin at nag hihintay ng sagot ko.

"Ahmm..." nag isip ako ng maiisagot. Pero parang ang hirap sagutin ng tanong na 'yun. "N-no," tanging naisagot ko pero parang hindi naman sila kombinsido.

"Eh, anong meron kayo? Mutual understanding? Char char lang? Fling fling? O daddy lang ni Zaiah?" ani kuya Sam, nang iintriga.

Napasimangot ako "Mutual understanding?" patanong kong sagot

"Mutual understanding lang? Bakit hindi na lang maging kayo? Nakikita ko namang mahal ka niya at pati si Zaiah,"

"Kuya Sic, hindi pa ako handa,"

"Dahil sa gago mong ex?" hindi ako sumagot "Princess, natural lang naman na masaktan tayo. Syempre nag mahal tayo, eh. Kakambal ni love ang pain. Kapag nag mahal binibigyan mo ng pagkakataon ang taong 'yun na saktan ka. Pero huwag mong hahayaan ang sarili mo na makulong sa takot dahil nasaktan ka. Open yourself for another chance to be happy again. That's maturity, alam mong pag nagmahal ka maaari kang masasaktan at tanggap mo na ang katotohanang iyon. Hindi lahat ng nagmamahal mauuwi sa happy ending agad agad. Minsan kailangan mo pang dumaan sa sakit sa maling tao bago mo mahanap ang true love," makahulugang sabi ni kuya Sic.

Aba! Lumalove guro si kuya Sic. Para namang may love life siya. Eh, bente otso anyos na single pa rin sila.

-

Ang sarap ng simoy ng hangin. Nakapikit ako at dinaramdam ang lamig ng hangin na dumadampi sa aking balat. Napadilat ako at tumingin sa may sliding door ng veranda nang bumukas ito at pumasok si mommy.

"Hi, kumatok ako pero bukas ang pinto kaya pumasok na ako. Why are you still awake? It's already late," saad ni mommy, ginaya niya ang pwesto ko ngayon na nakapatong ang mga siko sa railings ng veranda.

"Okay lang po. May kailangan po kayo?" magalang kong tanong

"I just want to check on you,"

Bahagya akong napangiti "Thank you, mommy"

"For?"

"For accepting me again. Ang totoo, nawawalan na ako ng pag asa na matatanggap niyo pa ako ulit. But thank God, you accept and forgive me," naramdaman ko ang pangingilid ng aking mga luha.

"I am your mother. Nag sisisi ako sa nagawa ko noon. Pero naisip ko, hindi ka matutoto sa nagawa mo kung sasalohin ka namin. And I must, you really did great. I am so proud of you, baby girl, dahil kinaya mo kahit wala kami," naiiyak na rin na sabi ni mommy

Mommy at Eighteen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon