FIFTY-EIGHT

885 25 0
                                    

Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim

WARNING: JEJE CHAPTER AHEAD!

Saturday morning. Maganda ang sikat ng araw. And I feel so lively. Ang gaan ng pakiramdam ko mula paggising, hangang sa pagligo at hangang sa mga oras na ito habang nagluluto ako ng breakfast kasama si Manang Kristy.

Tuloy ay na-intriga si Manang Kristy sa mood ko ngayon. "Maganda yata ang gising mo, Miss Sheena, o maganda ang laman ng iyong panaginip?" Umaga pa lang ay inaasar na ako ni Manang Kristy.

"Ahmm. Siguro po, Manang, maganda lang 'yong tulog ko," ang lawak ng ngiti ko.

"Ay nako, Miss Sheena. Ang tawag diyan, in love. Hay nako," iiling-iling na ani Manang saka nilagyan ng pampalasa ang niluluto niyang fried rice. "Ang sarap talagang gumising ng  in love."

"Kayo po ba, Manang, naranasan n'yo na rin po bang gumising ng in love?" ako naman ngayon ang mang-aasar sa kaniya.

"Hay, nako, hija. Maraming beses na. No'ng kabataan ko? Ay sus! Ang dami kong manliligaw," tugon ni Manang sa nagmamalaking tono.

"Talaga po? May sarili na po ba kayong pamilya?" tanong ko habang ang paningin ay nasa tino-toast kong bread.

"Wala," mabilis niyang sagot.

"Wala po? Akala ko po ba marami kayong manliligaw dati?"

"Hija, hindi porque't marami ang nanliligaw sa 'yo, isa na sa kanila ang makakatuluyan mo at makakasamang bumuo ng sariling pamilya. Sa buhay natin, may tinatawag na turning point. Ngayon may nobyo ka at akala mo siya na ang para sa 'yo kasi mahal na mahal mo. Pero may mga bagay na hindi natin inaasahan, ngayon mahal mo siya o mahal ka niya, malay natin bukas hindi n'yo na pala mahal ang isa't isa kasi iba na ang nagpapasaya sa inyong dalawa. Meron namang akala natin, nahanap na natin ang taong para sa atin pero hindi pa pala."

Nakuha ni Manang Kristy ang interes ko sa sinabi niya. Sumandal ako sa sink, pinagkrus ang mga kamay at handa ng makinig sa sasabihin pa niya.

"Kayo po. Ano pong status n'yo?"

"Ako? Hmmm. Masaya," simpling sagot niya na dahilan para malito ako.

"Alam mo 'yong happy person even without love life?" Seryoso akong tumango, interesado sa susunod niyang sasabihin. "Masaya ako kahit single ako. Masaya ako sa buhay ko kasi kahit ganito lang ako, kahit papaano ay nakakatulong ako sa pamilya ko probinsya. Alam mo kasi, Miss Sheena, hindi mo naman kailangan ng lalaki para talagang maging masaya. Kung nagagawa mo ang mga bagay na gusto mo at nakakapagpasaya sa 'yo, kahit walang lalaki sa buhay mo, masaya pa rin. Kasi hindi naman sa lalaki lang na mahal natin umiikot ang ating kasiyahan. Minsan nahahanap natin ang saya sa mga bagay na hindi natin inaasahan na makakahanap tayo ng saya. Ako, oo, may mga nanligaw sa akin dati at may sinagot ako pero wala rin, eh. Ibig sabihin lang n'on, hindi ko pa nakikilala 'yong lalaking nakalaan sa akin." Nagkibit-balikat si Manang sabay bahagyang tumawa.

"O baka naman po nakilala n'yo na pero hindi n'yo pa napapansin," may halong pang-aalaska na sambit.

Tumawa si Manang. "Malay natin."

Humarap ako sa tino-toast ko nang tumunog ito. Kinamay ko toasted bread pero naihagis ko rin palagay sa plato dahil mainit pala.

"Alam mo, Miss Sheena, bagay kayo ni Sir Kenzie," kapagkuwa'y ani Manang.

"Po? Paano n'yo po nasabi?"

Bahagay akong tumawa pero sa loob ko ay ganoon na lamang ang paglundag ng aking puso. Hindi ito ang unang beses na may nagsabi na bagay kami ni Kenzie pero sa tuwing maririnig ko na bagay kaming dalawa, hindi ko mapigilang pamulahan ng pisngi at kiligin.

Mommy at Eighteen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon