Mommy at Eighteen
By: JlessbiiiiimSa condo niya kami dumiritso.
"Who's house is this, Dada?" inosenting tanong ni Zaiah.
"It's mine, baby."
"Hm? Don't you leave in the mansion with Mamila anymore?" inosente, kunot-noong tanong ni Zaiah, nakatabingi pa ang kaniyang ulo.
Naging matunog ang ngiti ni Kenzie dahil kay Zaiah.
"I still leave there, baby. But sometimes, dito umuuwi si Dada," malumanay na paliwanag ni Kenzie.
Tumango-tango naman si Zaiah na animo'y matanda na naintindihan ang isang paliwanag.
"By the way, I have something for my baby," nakangiting turan ni Kenzie.
Awtomatiko namang nagningning ang mga mata ng anak ko nang marinig ang salitang something for you.
"Ah! Yey!" napatili pa siya at sinabayan ng pagtalon at palakpak.
"Just way here. It's in my room." Naglakad si Kenzie papasok sa kwarto niya. Hindi naman nagtagal ay lumabas din siya agad at may yakap-yakap nang malaking teddy bear.
"Ah! Is that for me?" excited na tili ni Zaiah.
"Yeah," natatawang ani Kenzie dahil sa pagiging bibo ngayon ni Zaiah.
Halos hindi mayakap ng buo ni Zaiah ang teddy bear dahil halos kasing laki niya lang ito.
"Thank you, Dada."
"You're welcome, baby." Ginulo pa ni Kenzie ang buhok ni Zaiah na ikinahagikgik niya.
"Is that why you brought as here?" tanong ko.
Bumaling naman sa akin si Kenzie. "Hm? No. Dinala ko kayo rito kasi gusto kong bumawi. I missed you both so much and I wanted to spend time with you," aniya sabay kinuha ang dalawang kamay ko at marahang hinila palapit sa kaniya saka niyakap.
Pinalubo ko naman ang bibig ko upang pigilan ang ngiti. Ngunit ang sandaling iyon ay naistorbo nang tumunog ang doorbell ng condo.
"Da, are you expecting a visitor?" tanong ko.
Kunot-noo lang ang isinagot ni Kenzie.
"I'll open it," pagpepresinta ko saka naglakad para buksan ang pinto.
Pero nang mabuksan ko ang pinto at makita kung sino ang nasa labas, tila gusto kong isara ang pinto at e-lock. Bahala na kung magmukha mang walang manners.
"Oh, hi, Sheena. I did not expect you to be here."
Literal na kumulo ang dugo ko sa babaeng kaharap ko ngayon. Ang galing, 'no? 'Yun lang 'yung sinabi niya pero agad na kumulo ang dugo.
Bweeessssiiiiiiittttttt! Anong ginagawa nila rito?
Iris is here with Primo. Great! Akala ko ba ay babawi si Kenzie? Akala ko ba it's Mimi, Dada and Snow's time today? Bakit may mga epal? Kainis!
"Hi, po." Napatingin ako kay Primo nang batiin niya ako ng nakangiti.
In fairness, kabaliktaran sila ng anak niya. Nakakakulo ng dugo ang nanay niya pero siya ay nakakagaan ng loob ang ngiti.
"Hi, Primo," nginitian ko siya.
"Is Daddy here po?" may galang din 'yung anak niya.
"He's inside."
As much as possible, ayaw kong tumingin kay Iris dahil baka ihambalos ko sa kaniya ang pinto ngayon. Pero charot lang, hindi ako gano'n ka brutal. Kalbohin na lang siya, kontento na ako.
BINABASA MO ANG
Mommy at Eighteen (COMPLETED)
RandomSheena Montemayor got pregnant at the very young age. Perks of being a Montemayor, she received the hardest and the most painful punishment from a parents a daughter could ever receive. As a 15-year old girl who got pregnant, she face alone the res...