Mommy at Eighteen
By: JlessbiiiiimPaalala: Hindi perpekto ang kwentong inyong mababasa. Nagtataglay ito ng sandamak-mak na typographical at grammatical error. Kung ang hanap n'yo ay perpektong akda, paumanhin ngunit hindi n'yo iyon mahahanap sa kwentong ito. Maraming kamsahamnida.
Nang makarating ako sa bahay ni aling Ester, sa labas pa lang naririnig ko na ang pag iyak ng anak ko.
"Ssshhhhh, tahan na, Zaiah. Pauwi na si mommy,"
Agad akong kumatok sa pinto ng bahay. Nang bumukas ito, tumambad sa akin si aling Ester karga ang anak ko na umiiyak.
"Baby," tanging nasambit ko, kinuha ko naman siya at niyakap. Iyak pa rin siya ng iyak.
Nilagay ko ang palad ko sa noo niya.
"Diyos ko, inaapoy ka ng lagnat, baby," nag aalala kong sabi
"Kanina pa siya umiiyak, Sheena. Hindi ko mapatahan, ayaw niya rin kumain kaya tinawagan na kita,"
"Maraming salamat ho, aling Ester," sinserong sabi ko. "Papasok na ho muna kami sa bahay," pag papaalam ko, tumango lang siya.
Lumabas ako ng bahay at dumiritso sa bahay namin. May kaliitan ang bahay na inuupahan namin. Iisa lang ang kwarto, may sala at kusina.
"Baby, sorry kung hindi nalaman agad ni mommy na your sick pala," malambing kong saad sa anak ko habang papasok kami sa kwarto. Tumahan na rin siya sa pag iyak niya.
"Mimi," sambit ng anak ko
Inihiga ko siya sa kama.
"Are you hurt?"
"Headache, Mimi," sagot niya.
Mimi ang tawag niya sa akin since ito ang nakasanayan niyang bigkasin sa salitang mommy.
Naaawa ako sa anak ko. Namumutla siya at namumungay ang mga mata. Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko kaya agad akong kumurap kurap para mawala 'yun.
"What do you want to eat?" ngumiti ako para hindi niya mahalatang naiiyak ako
"Fruits," sagot naman niya
Napangiti ako sa hiniling ng anak ko. Mahilig kasi talaga siya sa prutas lalo na ang watermelon.
"Okay, I'll get you some, wait for me here, okay?"
Masaya naman siyang tumango. Hinalikan ko muna siya bago ako lumabas ng kwarto at mag tungo sa kusina.
Kumuha ako ng oranges and apple instead of watermelon na favorite niya. May sakit ang anak ko at nasa refrigerator ang watermelon. Bawal sa kanya ang malamig na pagkain ngayon. Kumuha rin ako ng gamot niya. Nang matapos ay bumalik na ako sa kwarto.
Naabutan ko siyang nakahiga pa rin kung paano ko siya iniwan kanina. What a good girl I have.
"Get up, baby," malambing kong sinabi saka nilapag sa side table ang fruits at gamot.
Nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya. Tumingin siya sa dala kong orange at apple, saka nagtatakang bumaling sa akin.
"Weys telmelon, mimi?" bulol na tanong niya na ang ibig sabihin ay 'Where's watermelon"
"Ahm, we've run out of watermelon, baby. 'Yan muna ang kainin mo kasi yummy naman ang orange and apple, eh," ngumiti ako
Ibinalik niya ang tingin sa orange at apple. Tumayo siya at lumapit sa bedside table saka kinuha ang bowl at bumalik sa tabi ko at umupo. Napangiti ako habang tinitignan siyang kumain. Kahit may sakit bibo pa rin. Hindi mo kakakitaan ang anak ko ng kahinaan. Kabaliktaran kaming dalawa, kung ako naging mahina, siya naman malakas. Hindi siya nagpapaapekto kapag nagkakasakit siya.
BINABASA MO ANG
Mommy at Eighteen (COMPLETED)
RandomSheena Montemayor got pregnant at the very young age. Perks of being a Montemayor, she received the hardest and the most painful punishment from a parents a daughter could ever receive. As a 15-year old girl who got pregnant, she face alone the res...