THIRTY SIX

1.1K 24 0
                                    

Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim

Nagising ako dahil sa bigat ng nararamdaman ko sa ulo ko. Ngunit nang maalala ko ang huling nangyari sa akin ay napabalikwas ako ng bangon. Nilibot ko ng tingin ang aking kinaroroonan. Nasa loob ako ng isang kwarto. Puti ang kulay ng pintura, maging ang mga gamit ay kulay puti rin. Naalala kong tingnan ang damit ko. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang ganoon pa rin ang aking suot ko kahapon. Ngunit nasaan ako? Saan ako dinala ng mga kumidnap sa akin? Unti-unti akong nilukob ng kaba. Bumaba ako ng kama at hinanap ang bag ko. Nang makuha ko ang cellphone ko, imbes na tawagan sina mommy ay napatigil ako. This isn't right.

The room isn't isolated para sa kinidnap nila. Nakabukas nga ang pinto ng veranda. And what is that smell?  Bahagya akong suminghot, kinikilala ang naaamoy ko. And is that a wave I'm hearing? Naglakad ako papunta sa may pinto ng veranda. Mas lalo pang lumalakas Ang tunog ng parang hampas ng alon. Maybe the kidnappers brought near the sea. Binuksan ko ang pinto ng veranda. Halos manlaki ang mga mata ko nang sumalubong sa akin ang preskong hangin at ang nakakabighaning ganda ng paligid. Mula sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ang asul na karagatan.

"Woah..." mahina kong naiusal ang pagkamangha ko.

This place is amazing. Maraming puno ang nasa tabi ng dalampasigan, iba't-ibang klase. Ngunit wala akong ibang nakikitang bahay bukod sa kinaroroonan ko ngayon. Unti-unti na naman akong kinakain ng kaba. Napaatras ako, at sa pag atras ko, isang matigas na bagay ang aking nabangga. Halos manigas ako sa kinatatayuan ko ng napagtanto na hindi bagay kung hindi tao ang aking nabangga sa likod.

Napasigaw ako nang maramdaman ang kamay niya sa bewang ko. Pikit-mata akong nanlaban. Sinipa ko siya at pinaghahampas ng kamay ko. Ayaw ko siyang tignan, natatakot ako sa mukhang makikita ko.

"AHHHHHHH! TULONG! AHHHHH!" buong lakas akong sumigaw. Kung hindi ko pa narinig ang boses niya ay hindi ako unti-unti mapapatigil.

"Mimi! It's me! Calm down."

Dahan-dahan ko pang minulat ang isa kong mata bago ko minulat ang isa ko pang mata. Hindi ko alam kung makakahinga ba ako ng maluwag o matutumba dahil pakiramdam ko nanghina bigla ako ng makita siya. He's holding me in my arms.

"Kenzie?" kunot-noo, hindi makapaniwalang tanong ko. "Bakit ka nandito?"

He smirked. "Surprise!" nakangising aniya.

It took me few seconds before I realized what does his 'surprise' mean. Tinulak ko siya at sinamaan ng tingin. "Nakakainis ka!"

Pero nginisihan at tinawanan niya lang ako. Bahagya ko siyang sinipa at pinaghahampas. "Ouch, Mimi! Masakit!" Nahuli niya ang dalawang kamay ko. "Stop it, Mimi."

"Anong stop it? Ikaw ang may pakana ng pag kidnap sa akin, hindi ba?!"

"Well, yeah-"

Hindi niya natapos ang sasabihin niya nang hampasin ko ulit siya.

"Nakakainis ka! Hindi mo alam kung gaano ako natakot dahil sa pinaggagagawa mo! Tapos tatawanan mo lang ako? Akala mo ba magandang biro o prank 'yong ginawa mo?!" sigaw ko.

"It was a surprise, Mimi," giit pa niya.

"Surprise? Well, hindi ko nagustuhan ang paraan ng surprise mo, Kenzie! Hindi nakakatuwa!" matapos ay tinalikuran ko siya.

"Mimi, sandali." Pinigilan niya ako pero tuloy-tuloy ako sa paglalakad.

Lumabas ako ng bahay. Napatigil ako ng sumalubong sa akin ang white beach sand. Narinig kong nakasunod sa akin si Kenzie kaya agad akong tumuloy sa paglalakad. Akala niya siguro magandang surprise 'yong ginawa niya. Pina-kidnap niya ako para dito? Paano pala kung may sakit pala ako sa puso tapos ginawa niya 'to? Nakakainis! Tapos tatawanan lang ako? Tuwang-tuwa siya sa surprise niya kuno? Tsah! Hindi niya kasi alam kung anong klase ng takot ang naramdaman ko kahapon. Hindi ako natakot para sa sarili ko, natakot ako para kay Zaiah. Paano pala kung totoong masasamang tao ang dumukot sa akin at may nangyaring masama sa akin? Paano ang anak ko? Paano kung may nangyaring masama sa akin? Paano ang anak ko?

Mommy at Eighteen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon