THIRTEEN

2.2K 40 0
                                    

Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim

Madali kaming umuwi sa bahay. Nang maipark ni Kenzie ang sasakyan, agad akong bumaba. Nakita ko agad ang mga pulis sa labas ng bahay ko. Nakita ko naman si Joros na may kausap, mukhang abogado niya.

Hinyupak na hudyo! Kung makapag dala ng pulis at abogado, akala mo may malaki akong kasalanan.

"Anong ginagawa mo rito, Joros?" tanong ko nang makalapit ako sa kanya.

Napatingin sa akin si Joros at ang kausap niyang abogado.

Ngumisi siya "Sheena, hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Kukunin ko na ang anak ko," bigla siyang sumeryoso

Biglang uminit ang ulo ko.

"Wala kang anak rito, Joros. Ang kapal naman ng mukha mo!"

"Sheena, alam ko na ang lahat. Nag hire ako ng private investigator para malaman ang totoo. At napatunayan ko na anak ko ang batang sinasabi niyong anak niyo," may diin na sabi niya at pinukol ng masamang tingin si Kenzie.

Naikuyom ko ang mga kamay ko. Kumukulo ang dugo ko sa lalaking kaharap ko.

"Ano naman kung anak mo nga si Zaiah? Wala ka nang karapatan pa sa kanya. Tinakbuhan mo 'yung responsibilidad mo sa amin, hindi ba? Duwag ka, Joros, duwag ka! Tapos ngayon babalik balik ka at mag dadala ka ng pulis at abogado. Eh, gago ka pala, eh!" nanggangalaiti kong sinabi.

Naramdaman kong hinawakan ni Kenzie ang kamay ko.

Muling ngumisi si Joros na mas lalong nag painit ng ulo ko.

"May karapatan ako sa kanya dahil ama niya ako. At mas may karapatan ako kaysa sino pa mang nag papaka ama sa anak ko," may diin ang bawat salitang binibitawan niya at pasulyap sulyap kay Kenzie, halatang nag paparinig.

"Kung gano'n tinatanggalan na kita ng karapatan sa anak ko dahil wala kang kwentang ama! Umalis ka na dito, Joros kung ayaw mong tawagin ko ang buong baranggay para dumugin ka!" matigas kong sinabi

Muli lang siyang napangisi "Kaya nga nag dala ako ng mga pulis. Hindi ako aalis rito hanggat hindi ko kasama ang anak ko," giit niya

Masyado niyang pinag iinit ang ulo ko. Masyado nang makapal ang mukha niya.

"Walang sing kapal ang mukha mo, Joros. Alam ba nitong abogado mo na iniwan mo kami at ngayon ka lang nag pakita? Alam ba niyang mas may karapatan ako sa anak ko dahil ako ang ina niya at ako ang umako sa lahat ng responsibilidad mo sana bilang ama ng anak ko? Alam ba niyang abogado mo na kahit anong gawin mo, niyo, ay sa akin parin mapupunta ang custody ng bata dahil 2 years old lang siya? Alam ba niyang abogado mo na makukuha niyo lang ang custody ng bata unless otherwise minamaltreat ko ang anak ko?" galit kong tanong.

Natigilan siya at hindi makapag salita. Maging ang abogado niya ay tahimik lang at hindi makapag salita. Ngayon ay ako ang napangisi. Kilala ko si Joros, padalos dalos siya sa mga ginagawa niya. Hindi siya mag sasayang ng oras para mag isip. I bet gumawa lang siya ng kwento para samahan siya ng mga pulis at abogado. Ni wala ngang dalang papeles o kung ano man ang abogado niya, eh. Kung talagang may alam ang abogado niya, malamang kanina niya pa nilatag sa harap ko ang mga reklamo nitong hudyo na alaga sa gluta.

"Sir, wala naman po palang gulong nangyari rito," anang isang pulis na lumapit kay Joros, naging hilaw naman ang itsura niya.

See? Panakot niya lang kaya siya nagdala ng pulis. Akala niya siguro masisindak niya ako.

Mommy at Eighteen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon