Mommy at Eighteen
By: JlessbiiiiimPaalala: Hindi perpekto ang kwentong inyong mababasa. Nagtataglay ito ng sandamak-mak na typographical at grammatical error. Kung ang hanap n'yo ay perpektong akda, paumanhin ngunit hindi n'yo iyon mahahanap sa kwentong ito. Maraming kamsahamnida.
"What happened to you? We we're so worried noong umalis ka. Saan ka nag punta?" sunod sunod na tanong ni kuya Sic.
Nasa isang suite kami rito sa hotel. Inaya kami nila kuya Sam na rito na lang mag usap. Pinag titinginan kasi kami ng mga bisita kanina. Nalaman ko rin na kay kuya Sam pala ang hotel na ito.
Napayoko naman ako "Patawad mga kuya. Natakot lang ako na baka madamay pa kayo. Alam naman nating pareho na madadamay kayo kapag nakialam kayo, 'di ba? Kaya mas pinili kong umalis na lang. After all, I am responsible for what I did,"
"Saan ka nag punta?" tanong ni kuya Sam
"Actually, I didn't know where to go that time," sagot ko, naramdaman kong nangingilid ang aking mga luha "Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ang sakit sakit ng puso ko, ang bigat bigat ng nararamdaman ko. Kung hindi lang ako buntis noon, wala na sana ako ngayon. I thought of killing myself, pero naisip ko ang bata sa sinapupunan ko. Anak ko siya, deserve niyang makita ang mundo. Kaya pinilit kong magpatuloy sa buhay. I withdraw all my money from my atm. Mabuti na lang at hindi frineeze ni mommy ang account ko. Nagsimula ako ulit sa tulong ni aling Ester. Naghanap ako ng trabaho, kahit anong trabaho pinasok ko as long as legal. Hindi ako sanay sa gano'ng buhay kaya sobrang hirap. Gabi gabi akong umiiyak. Pero naisip ko ang anak ko sa sinapupunan ko. Kung hindi ko gagawin 'yun, paano siya? Paano ko siya mabubuhay? Winaksi ko si Sheena na may buhay prinsesa. Naging si Sheena ako na kailangan maging responsable para sa magiging
anak niya," kwento ko habang umiiyak.Naramdaman ko namang hinagod ni kuya Sic ang likod ko.
"Sorry, princess. Kung kailangan mong pagdaanan ang lahat nang 'yun. God knows how badly we wanted to find you. Pero sinama kami nila mommy pauwi sa America. Sa Harvard namin pinag patuloy ang aming pag aaral. Doon rin kami kumuha ng internship. Pinag bawalan kami nila mommy na umuwi sa Pilipinas. Sa katunayan, kakauwi lang namin from America. Pero princess, kahit malayo kami, hindi ka namin pinabayaan. I hired a private investigator para hanapin ka. Noon namin nalaman ang paghihirap mo. Alam namin ang lahat, Sheena, pero ang kaya lang naming gawin ay ang subay bayan ka sa malayo. I even hired a secret agent para kahit papaano ay ma sigurado ko ang kaligtasan mo at nang baby mo," sabi ni kuya Sam
"Ginawa naming sekreto ang lahat ng pag subaybay namin sa 'yo dahil alam naming magagalit si mommy. Patawarin mo kami ni Sam kung hindi ka namin natulungan at kailangan mo pang pag daanan ang lahat nang hirap," sinserong saad ni kuya Sic, pinipigilan ang pagtulo ng mga luha.
Umiling ako "No, wala kayong kasalanan. Gaya nang sabi mo sa 'kin noon, kuya Sic, I am responsible for my wrong deeds. Pinanindigan ko lang ang bunga ng pagiging mapusok ko. Patawad sa inyo,"
Niyakap naman nila ako ulit. Masaya ako, masayang masaya dahil nakita ko sila ulit. And to think na hindi rin pala nila ako pinabayaan. Isa pa, hindi rin naman ako lugi sa ginawa kong pag alis, eh. Marami naman akong napatunayan at natutunan sa maling ginawa ko.
Ang mahalaga sa akin ngayon. Nakita ko sila pero hindi ko alam kung makakasama ko ba sila.
"Sheena," napabitaw ako sa mga kuya ko nang tawagin ako ni Kenzie. He looks worried.
BINABASA MO ANG
Mommy at Eighteen (COMPLETED)
RandomSheena Montemayor got pregnant at the very young age. Perks of being a Montemayor, she received the hardest and the most painful punishment from a parents a daughter could ever receive. As a 15-year old girl who got pregnant, she face alone the res...