FIFTY-NINE

836 18 2
                                    

Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim

Hindi na rin kami nagtagal pa sa cite nila Kenzie dahil mayamaya lang ay nag-text si Tita Kathie, nasa shop na raw siya.

"Mimi, are we going to meet Mamita?" tanong ng anak ko sa cute na cute na boses habang nakasandal sa headboard ng upoan.

Sinulyapan ko siya saka tumango. "Yes, baby. So you better behave, okay?" malumanay kong sambit.

"But, Mimi, I'm always behave," giit pa niya.

Natawa na lang ako saka tumango nang tumango para ipakitang agree ako sa sinabi niya, kahit minsan makulit siya.

Ilang minuto rin ang lumipas, narating na rin namin ang shop na aming sadya. Matapos naming bumaba ng sasakyan ay dumiritso na kami sa loob ng shop kung saan naabotan namin si Tita Kathie na naka-upo sa parang waiting area habang tinitignan ang isang brochure.

"Tita Kathie," pagtawag ko sa kaniya upang kunin ang kaniyang atensyon. Nang napatingin siya sa gawi namin, agad niyang nilapag sa maliit na center table ang hawak na brochure saka nakangiti tumayo.

"Mamita!" umalingawngaw ang matinis na boses ng anak ko sa loob ng hindi kalakihang shop. Patakbo siyang lumapit sa Mamita niya saka yumakap dito. "I miss you, Mamita."

"Ahh. I miss you too, little Snow," animo'y touched na tugon ni Tita sa anak ko. Tumingin siya sa akin saka sinabing, "She's very sweet."

"She is," nakangiti kong pagsang-ayon kay Tita.

"Anyway, magaganda ang mga designs nila rito. Pero 'yong design na perfect para sa 25th birthday ng panganay ko ay wala sa mga brochures na iyan, kundi na sa 'yo, " humagikgik pa si Tita.

Mayamaya ay may lumapit sa aming isang babae, nakasuot siya ng white shirt na naka-tuck in sa denim skirt, nakalugay lang din 'yong mahaba niyang buhok. Anag lawak ng ngiti niya nang e-approach kami.

"Good morning po, Madam Chiu."

"Yes, good morning, Annie. By the way, this is Sheena, my Kenzie's girlfriend and this is Snow, my apo," pagpapakilala pa sa amin ni Tita sa babaeng nagngangalang Annie.

Tumingin naman sa amin si Annie saka in-extend ang kamay for shake hands. "Hi, Miss Sheena, nice to meet you. I am Annie, I'm the owner of this shop."

Nakangiti ko namang tinanggap ang kamay niya. "Pleasure to meet you, Miss Annie."

"Ahm. Doon po tayo mag-usap." Iginiya niya kami sa isang maliit na table na may tatlong upoan. "Please, sit down."

Sa puno ng table ako na-upo dahil kailangan kong kandungin si Zaiah. Si Tita naman ay katapat si Miss Annie.

"Most of our customers here ay kami ang nagle-lay out ng design. Madalang talaga kaming nagpapa-customize, but since it is Madam Chiu and Engr. Chiu's birthday. We are very much willing to do customization, " nakangiti niyang panimula, ang paningin ay nasa akin.

"Thank you."

"And especially, kami rin ang pinagkatiwalaan ni Madam Montemayor na gumawa ng invitation cards para sa birthday ng apo niya. Na sa tingin ko ay ang batang ito?" She's pertaining to Zaiah.

"Yes, but I didn't know na kayo pala ang gumawa ng invitations. I'm impressed. "

"Why, thank you, Miss Sheena. Okay, now, may I know your idea about the design?"

Tumango naman ako saka sinabi sa kaniya ang design na naiisip ko. I want it simple pero makikita ang personality ni Kenzie. 'Yong kulay na masarap sa mata kapag tititigan. 'Yong parang gusto mo itong titigan ng paulit-ulit kasi sobrang simple pero sobrang attractive. Kasi gano'n si Kenzie, eh. Kahit gaano kasimpli ang suot niyang damit, kahit damit siguro na hindi nalalayo sa basahan ay bagay pa rin sa kaniya at magmumukhang maganda pa rin. Si Kenzie na kahit titigan mo buong magdamag, hindi ka pa rin magsasawa. Gusto ko 'yong design ng invitation na ngayon lang makikita ng isang tao sa buong buhay niya. Na kahit saang lupalop wala na siyang mahahanap o makikita pang ganoon ang design. Dahil katulad ni Kenzie, kahit saang lupalop ng mundo kayo maghanap, wala na kayong makikitang katulad ni Kenzie dahil nag-iisa lang siya at na sa akin siya.

Mommy at Eighteen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon