Mommy at Eighteen
By: JlessbiiiiimUnti-unting sumilay ang ngisi sa labi ni Kenzie. Hinawakan niya mga kamay kong nakahawak sa pisngi niya at inilayo ang mga ito saka pinagsiklop. Ginawa niya iyon habang nakatitig sa aking mga mata. I can see pureness in his eyes with sincerity. Most of all, I can see the love.
"I'm sorry." Ganoon na lamang ka sincere ang pagkakasabi niya.
"Tsk. Ikaw kasi, kahit hindi totoong tao pinagse-selosan. Iba ka rin," natatawang tugon ko.
"You can't blame me. May narinig na ako na iniwan siya ng girlfriend niya dahil malayong-malayo raw siya sa leading man sa kwentong binasa nito. Ang gusto no'ng babae ay maging katulad siya ng lalaking character sa kwento which is way too impossible dahil ang pinagbabasehan ng babae ay ang character na hindi naman nag-eexist sa mundong ito, ang character na ginawa lang ng isang totoong tao."
Pinangunotan ko siya ng noo. "Saan mo naman narinig 'yan?"
"You don't need to know, Mimi."
"Tsk. I understand your point. Pero hindi naman lahat ng babae ay katulad ng babaeng tinutukoy mo. Oo, nagiging fond nga ang mga babaeng reader sa character na binabasa nila kahit na description lang ni author sa character ang pinagbabasehan ng anyo nito. Bakit nga ba? Siguro it is the story itself. Kung nagustohan ng mambabasa ang story mo, mula sa plot, setting, scenes, emotions, hangang sa mga characters, mamahalin nila 'yan."
"Are you one of those girls, too? 'Yong pina-fantasize ang mga male characters na hindi naman talaga nila nakikita ang physical appearance nito?"
Kinuha ko 'yong isang book sa harap ko.
"Nope. Hindi rin naman ako nahilig magbasa ng mga fictions eversince," sabi ko habang ang paningin ay nasa hawak kong libro.
"So what do you like to read, then?" interesado niyang tanong.
"Wala." Kibit-balikat ko saka nilagay sa cart ang librong nagustohan ko dahil sa cover.
"Then, why are you buying this books?" Hawak niya ngayon ang librong kakalagay ko lang sa cart.
"Para naman magkaroon ng saysay ang bookshelf sa kwarto ko," kaswal kong sagot. Tumingin ako sa cart. "I guess that's all I need. Let's pay for it."
Matapos naming mapa-counter ang pinamili ko, dumiritso kami sa isang fast food.
"By the way, napag-usapan namin nina mommy na ipapasok na namin si Zaiah sa pre-school." Pagbubukas ko ng usapan habang kumakain kami.
"What? Pero kaka-three lang ni Snow, don't you think it's too early for her to attend pre-school? Most of the kids at her age, naglalaro pa, ha."
"Sa Korea nga, kahit 1 year old uma-attend na ng pre-school. Saka, dada, kung ang iniisip mo ay baka hindi ma-enjoy ni Zaiah ang pagiging bata niya dahil ipinasok namin siya ng maaga sa pre-school. Huwag kang mag-alala, dahil ang gagawin lang naman nila ay makipag-interact with other kids, play recreational activities or discover things they are good at," pagpapaliwanag ko sa kaniya. "She can still enjoy her childhood."
Mukha namang na-convince siya sa sinabi dahil tumango-tango siya. "Okay. Siguro mas maganda na rin 'yong ipasok siya sa pre-school ng maaga. Para maaga siyang matutong makisama sa iba." He smiled.
Nagpatuloy kami sa pagkain namin.
Halos buong araw kaming nasa mall. Nadaanan kasi namin ang arcade kaya niyaya ko siyang mag-laro. Dahil sa nag-enjoy kami sa paglalaro, lalo na ako, hindi namin napansin ang oras at 4 pm na no'ng umalis kami sa arcade.
-
Kinabukasan, sinundo kami ni Kenzie sa bahay. Siya ang maghahatid sa amin ni Zaiah sa mga school namin.
BINABASA MO ANG
Mommy at Eighteen (COMPLETED)
RandomSheena Montemayor got pregnant at the very young age. Perks of being a Montemayor, she received the hardest and the most painful punishment from a parents a daughter could ever receive. As a 15-year old girl who got pregnant, she face alone the res...