Mommy at Eighteen
By: JlessbiiiiimPinagdikit ko ang aking mga labi upang pigilan ang sarili kong mapangiti dahil sa kaniyang ginagawa. Nasa ganoon pa rin siyang sitwasyon hanga't hindi ko siya sinasagot.
"Hmmm?" mahabang aniya, mas lalo pang pinahaba ang nguso.
Diyos ko, bakit may mga taong katulad ni Kenzie na kahit ang corny ng dating, sobrang cute niya.
Napalunok ako nang mapadapo ang aking paningin sa kaniyang labi. Sandali akong napatitig ro'n, at sa sandaling iyon ay bigla kong naalala ang gabing may nangyari sa amin, at ang mga pagkakataong nagdikit ang aming mga labi - Ano ba 'yan! Nagiging madumi ang utak ko dahil sa nilalang na ito!
Palihim akong umiling para alisin ang bagay na 'yon sa aking isipan. Tumingin ako kay Kenzie saka nilagay ang aking kamay sa kaniyang noo at bahagya siyang tinulak palayo sa akin.
"Ang corny mo. Papasikat pa lang ang araw naggaganyan ka na," sabi ko.
"Bati na ba tayo?" tanong niya sa umaasang boses.
Pinaningkitan ko siya ng mga mata at umaktong nag-iisip bago nagkibit-balikat. "Okay." Hindi naman kita matitiis. "Tara na. Late ka na sa flight mo," kaswal kong dagdag saka inayos ang seatbelt ko.
Ngisi lang ang narinig ko sa kaniya. "Hindi naghahabol ng flight ang taong may private chopper," mayabang niyang sinabi.
Kunot-noo naman akong napatingin sa kaniya. Alam ko may chopper sila, pero ang kinagugulat ko ay wala pala siyang flight ng 6 am?
"Wala kang flight ng 6 am?"
"Meron. Pero..." tumingin siya sa wrist watch niya, saka muling bumaling sa akin, "6:15 am pa. Still have 45 minutes bago mag 7 am."
"Oh? Late ka na nga?"
"Mm-mm," iling niya. "Chopper ko 'yon. Ako dapat ang hinihintay nila, ako dapat ang nasusunod kung anong oras kami aalis. I'm the time," kaswal niyang sagot saka minaniobra ang sasakyan sa daan. Samantalang ako ay hindi makapaniwala sa kaniyang sinabi.
Natatawa na lang ako't napapa-iling sa kahambogan niya ngayon. Lahat ba ng gwapo may tinatagong kahambogan?
"Let's have breakfast first," sambit niya.
"Huwag na. Dumiritso na tayo," tanggi ko.
"Mhie, if you're bothered na baka ma-late ako sa flight? I told you, I am the time. Saka ang tulad kong may sariling chopper ay hindi naghahabol ng oras," tumingin siya sa akin saka pilyong ngumiti, "dahil sa 'yo lang ako maghahabol," aniya sabay kindat at muling tinuon ang paningin sa daan.
Sandali akong natulala sa kaniyang sinabi bago ko naramdaman ang pamumula ng aking pisngi. Pinagdikit kong muli ang aking mga labi upang pigilan ang aking ngiti. Ano bang nangyayari sa lalaking 'to? Umagang-umaga, bumabanat na.
Nag-stop muna kami sa isang fast food para bumili ng breakfast, pero tinake out lang namin para sa kotse na lang kainin. Kahit habang kumakain ay panay pa rin ang banat ni Kenzie, corny man ngunit bentang-benta naman sa akin. Matapos din naming kumain ay dumiritso na kami sa building na pagmamay-ari ng pamilya nina Kenzie. May helipad sila sa building nila kung saan naghihintay ang chopper na sasakyan niya papuntang Cebu.
Dalawang lalaki na naka-formal suit ang sumalubong sa amin saka kinuha ang travel bag na dala ni Kenzie.
Napatingin ako sa araw na ngayon ay buong-buo nang nagbibigay liwanag. Sinuyod ko rin ng tingin ang buong syudad na kitang-kita mula rito.
"Mhie." Napatingin ako kay Kenzie nang tawagin niya ako. Lumapit siya sa akin at hinawakan Ang mga kamay ko. "Cebu is not that far, ilang minuto lang ang byahe."
BINABASA MO ANG
Mommy at Eighteen (COMPLETED)
Ngẫu nhiênSheena Montemayor got pregnant at the very young age. Perks of being a Montemayor, she received the hardest and the most painful punishment from a parents a daughter could ever receive. As a 15-year old girl who got pregnant, she face alone the res...