Mommy at Eighteen
By: JlessbiiiiimMagkahawak-kamay kaming naglalakad sa dalampasigan, pareho kaming nakapaa at hawak niya sa kabilang kamay ang mga tsinelas namin.
Napatingin ako sa magkahawak naming mga kamay, saka nakangiting tumingin sa dinadaanan namin. I have a strong feeling na itong weekend na ito ay uulanin ng mga puso.
Umupo kami ni Kenzie sa buhangin.
"How was your school?"
Napatingin ako nang pagka-upo namin ay nagtanong siya.
"Wala namang pinagbago," kibit-balikat ko.
Itinukod niya ang parehong kamay sa buhangin sa magkabilang gilid niya.
"And how about the party?" Tukoy niya sa welcome party ng school.
Tumango-tango ako. "It went well. I had fun actually, I mean everybody had."
Matapos kong sumagot ay pareho na kaming natahimik. Pareho naming pinagmamasdan ang napakagandang tanawin sa harap namin. At ilang sandali na lang ay lulubog na rin ang araw.
Mayamaya'y mahina akong napabuntong-hininga. Tumingin ako kay Kenzie na noon ay parang walang pinoproblema, walang pakialam sa mundo habang pinagmamasdan ang dagat. May bahagya pa siyang ngiti sa kaniyang labi. Napatingin naman ako sa 'di kalayoan kung saan nakita ko ang grupo ng mga kababaehan, anim sila at parehong nakasuot ng one piece suit. Panay ang tingin nila sa gawi namin at kung makangiti ay animo'y nakakita ng gwapo na next target nila para e-flirt. Napatingin ako kay Kenzie na wala pa ring pinagbago ang posisyon. Agad na kumunot ang noo ko na tumingin doon sa mga babae.
Mmm. Seems like you're fantasizing my man, huh? Let's see.
"Da," pagtawag ko sa kaniya.
Nilingon niya ako. "Hmm?"
Paglingon niya ay sinalubong ko siya ng halik. He didn't expect it kaya naramdaman ko na natigilan siya. Mabilis lang ang paghalik ko sa kaniya. I just wanted to show to those group of girls that he is no longer available para pagpanatasyahan nila.
Sumalubong sa akin ang mga mata ni Kenzie nang lumayo ako. Kakikitaan ng gulat ang kaniyang mukha. Paano namang hindi siya mabibigla? He usually do the first move. At dahil sa kaniyang naging reaksyon, pinamulahan ako ng mukha.
Tumingin ako sa grupo ng mga babae kanina. At kahit malayo ay nakita ko ang dismaya sa kanilang mga mukha, ang iba sa kanila ay nakangusong nakatingin sa amin ngunit lahat ay kakikitaan ng inggit. Hindi na ako magtataka kung kilala nila si Kenzie. Marahil ay iniisip nila na ang swerte ko kasi boyfriend ko si Kenzie Chiu.
Muli kong binalingan si Kenzie na noon ay nakatitig pa rin pala sa akin. Pero wala na 'yong gulat sa kaniyang mukha.
Napakurap ako dahil hindi ko alam ang ere-react ko. Now, this is awkward. Note to myself; huwag mong gagawin nang bigla-bigla ang mga bagay na hindi mo naman usual na ginagawa.
Peke akong tumawa sa harap niya at akmang tatayo pero bago ko pa man magawang makatayo ay naramdaman kong hinawakan ni Kenzie ang isang kamay ko at bigla akong hinatak. Tuloy ay napa-upo ulit ako sa buhangin, ang kaliwang kamay ko ay dumapo sa kaniyang matigas na dibdib, samantalang ang kanang kamay ko naman ay hindi ko alam kung paanong napayakap sa kaniyang batok. Nakasuporta ang isa niyang kamay sa likod ko at ang isa ay nakayakap sa bewang ko. Gano'n ang sitwasyon namin nang bumagsak ako.
Our eyes were locked at each other. 'Ayon na naman ang pakiramdam na tila hinihigop ako ng mga titig niya, ng mga mata niyang nakakahipnotismo, na aabot ka sa puntong makakalimutan mo nang kumurap. His eyes are just simply captivating.
BINABASA MO ANG
Mommy at Eighteen (COMPLETED)
RandomSheena Montemayor got pregnant at the very young age. Perks of being a Montemayor, she received the hardest and the most painful punishment from a parents a daughter could ever receive. As a 15-year old girl who got pregnant, she face alone the res...