TWENTY FIVE

1.4K 26 0
                                    

Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim

Matapos kong mag bihis ay lumabas agad ako.

"You're done. Let's go downstairs, they are waiting for us. Sa restaurant daw tayo kakain," sabi ni Kenzie, bihis na rin siya. Tumango lang ako, sandali ko munang nilagay sa iisang lugar ang aming gamit saka sabay na lumabas. Tamang-tama kasi gutom na rin ako.

Sumakay kami sa van. Habang nasa daan, may isang bagay akong napansin. May maraming fish tanks kang makikita sa daan.

"Why are there so many fish tanks lining nearly every road?" wala sa sariling naisatinig ko ang mga katagang iyon.

"Because the restaurants here in Jeju serves fresh seafoods. And the fish tanks is to keep the seafoods alive," sagot ni Yeupo.

Namangha na naman ako sa nalaman ko. May tank sila para mapanatiling buhay ang mga seafoods na iseserve nila? Wow! Akala ko ay aquarium lang iyon, design para maka attract ng costumers. Iyon pala ay iyon ang lulutoin nila?

Hindi nagtagal, huminto ang van na sinasakyan namin sa isang restaurant. Napansin kong may malaking tank rin sila. Noon ko lang nakita ng malapitan ang tank na kapareha sa nadaanan namin kanina. May iba't ibang klase ng isda ang nasa loob no'n. Hindi lang isa ang tank sa restaurant na 'to kung hindi marami. Iba iba ang tank na naglalaman ng iba't ibang uri ng seafoods.

"Woah!" nanlalaki ang mga mata ko ng makita ang may kalakihang tank. "K-king crab?" hindi ako makapaniwala na may ganito kalaking crabs pala? Ang mga paa nito ay mahahaba at matataba, habang ang kanyang likod naman ay mukhang kasing laki ng mukha ng isang tao. Grabe ang laki!

"Mimi, look," tumingin ako kay Kenzie nang kinalabit niya ako. Ngunit kasabay ng pag lingon ko sa kanya ay ang paglapit niya ng isang bagay sa mukha dahilan para mapatalon ako't mapatili.

"Oh my God!" napatago pa ako sa likod ni kuya Sam na siyang pinakamalapit sa akin.

Natawa naman silang lahat sa akin, maging si Zaiah ay tawang-tawa sa akin, may pa takip-takip pa siya ng bibig niya habang tumatawa. Sinamaan ko ng tingin si Kenzie na nakikitawa rin. Octopus lang naman ang nilapit niya sa mukha ko, and for Pete's sake that octopus is alive! Gumagalaw galaw pa 'yong mga galamay niya kung saan saan, tapos pumupulopot pa sa kamay ni Kenzie. Nanginginig ang kalamnan ko sa nakikita ko. Hindi ko kaya.

"Kadiri ka, Kenzie! Ibalik mo nga 'yan!" asik ko sa kanya.

"Are you afraid?" tanong niya

"Basta ibalik mo 'yan!" may pagbabanta na ang boses ko sabay turo sa tank na naglalaman ng puro malalaking octopus.

"Sorry," binalik na niya ang octopus sa tank.

Maganda naman silang tignan kapag nasa tubig sila. Hindi nakakapangilabot, pero kung hahawakan ay nakakanginig ng kalamnan dahil sa galamay nila.

"Baby girl, what do you want?" lumapit si Tita Dale sa akin.

Nag-isip naman ako, isa isang tinignan ang mga seafoods na nakahelira sa harap namin.

"Can we try the king crab? 'Yong kulay blue. And giant prawn, scallops, abalone, squid and webfoot octopus," ngumiti pa akong parang bata kay Tita

"Okay. How about this octopus?" tinuro niya ang octopus na hinawakan kanina ni Kenzie.

"No!" umiling ako "I don't wanna see it."

Bigla naman silang natawa.

"She already has a trauma," natatawang ani kuya Sic.

"It's Kenzie fault," pabirong sabi ni kuya Sam

Mommy at Eighteen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon