FIFTY-TWO

937 21 3
                                    

Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim

Napabalikwas ako nang bangon sa kama at naiinis na napasabunot sa sariling buhok. Anong oras na, hindi pa rin ako makatulog. Ginawa ko na ang lahat ng posisyon para makatulog ako pero panay paglalayag pa rin ang utak ko.

Humiga ulit ako saka pumikit. Pero kahit nakapikit ay tila may nakikita pa rin ako. Pakiramdam ko lahat ng napag-usapan namin ni Alice ay naririnig ko sa aking isipan.

Tumagilid ako at nagtakip ng unan sa mukha. Pinilit ko ulit matulog pero 'yobg utak ko, 'yong diwa ko ay gising na gising at tila ayaw magpahinga.

Bakit ba? Dahil ba na-realize ko nang kasalanan ko talaga? Ano, hindi ka na makapaghintay na kausapin siya?

Nakaka-inis! Ni hindi ko nga alam kung ano ang aking sasabihin kapag nagkita kami. Dahil sa totoo lang, nakakahiya ang pagiging OA over good things. Ikaw na nga 'tong inaalala, ikaw pa nagiinarte. Siguro 'yon ang nasa isip ni Kenzie.

Nagulat ako nang makarinig ako ng katok sa pinto. Dahil nga tila hindi ko ka-isa ang aking diwa sa oras na ito, gano'n na lamang ang pagkagulat ko nang marinig ang katok. Agad akong napabangon sa kama. Kasunod niyon ay narinig ko ang boses ng aking anak.

"Mimi?" pabulong na pagtawag niya sa akin. Tila ayaw maka-istorbo ng mga natutulog na.

Bumaba ako ng kama at binuksan ang pinto. There, I saw my child on her cute BT21 pajamas that I bought last week at BTS Merch Hauz. She's hugging Kookie na halos hindi niya kayang yakapin ng buo dahil sa laki nito.

"Baby?" Umupo ako para pantayan siya. "Why are you still awake?"

Namumungay na ang kaniyang mga mata. Ang talukap ng mga mata ay bahagyang lumaki tanda na siya ay inaantok na.

"I want to sleep with you," nakangusong aniya.

"Let's go inside." Pinapasok ko siya saka sinara at ni-lock ang pinto. Binuhat ko siya pasampa sa kama.

Nahiga siya, yakap pa rin si Kookie. Kinumotan ko siya saka hinalikan ang kaniyang noo.

"Mimi?"

"Mm?"

"Why I have not seen Dada? I miss him," nakanguso, malungkot niyang tanong.

"Ahm. Because..." I don't know how to explain to my daughter bakit hindi niya nakikita ang Dada niya. She wouldn't understand still. Banayad kong hinimas ang baby hair sa may forehead niya. "Let's just say Dada is busy, baby. He has many works to do."

"Call him, Mimi. Please." She showed me her cute puppy eyes na parang nagg-glow every time humihingi siya ng favour.

I blinked.

She wanted me to call her Dada.

"I don't think it's a good idea." Geez! 'Yon ba talaga ang tamang sabihin sa favour ng anak ko o para 'yon sa sarili ko? "I mean, it's already late in the evening. Baka nag-sleep na si Dada mo."

"But I want to talk to him." Nagmamaktol na siya.

"Fine." Late na nang ma-realize ko kung ano ang sinabi ko.

Great! My self is betraying me.

Wala akong nagawa kung hindi ang kunin ang cellphone ko sa ibabaw ng side table. Biglang nagliwanag ang mukha ng anak ko. She's smiling from ear to ear while watching me calling her Dada.

Kasabay ng pag-ring ay siya ring dagundong ng aking puso. For Pete's sake! I don't even know kung ano ang una kong sasabihin kapag nasagot niya ang tawag. Awkward naman kung 'Hello' ang sasabihin ko with matching bibo voice gayong may hindi kami pagkakaunawaan.

Mommy at Eighteen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon