FOUR

2.9K 62 2
                                    

Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim

Paalala: Hindi perpekto ang kwentong inyong mababasa. Nagtataglay ito ng sandamak-mak na typographical at grammatical error. Kung ang hanap n'yo ay perpektong akda, paumanhin ngunit hindi n'yo iyon mahahanap sa kwentong ito. Maraming kamsahamnida.

Dalawang araw na ang lumipas, ngunit wala pa rin kaming nahahanap na ka match ng anak ko. Sobrang nag aalala na talaga ako. Maging si aling Ester, Shelly at Jay ay nagpa test rin, ngunit hindi sila ka match ni Zaiah. Dalawang beses na akong nagpabalik balik sa blood bank para e check kung meron na ba silang stock ng type O ngunit wala pa rin. Hindi ko na alam kung sino ang lalapitan ko.

Dalawang araw na rin akong hindi pumapasok. Tinawagan ako ni Alice kanina kung bakit absent ako, sinabi kong may emergency ako kaya hindi ako makapasok. Hindi ako lumalayo sa tabi ng anak ko, halos hindi na nga ako makatulog sa gabi kakabantay sa kanya. Minsan ay pumupunta rito si aling Ester para siya muna ang mag alaga kay Zaiah at uuwi ako para ma ligo. Maging ang pagtututor ko kay Kai hindi ko rin nagawa. Tinawagan ko siya at sinabing nasa ospital pa rin ako, naintindihan naman raw niya kaya ayos lang. Isa pa, wala pa naman siyang mga kailangan gawin, binilin ko sa kanya na mag basa basa na lang muna.

Kagabi biglang kinombolsyon ang anak ko, sobrang takot ang naramdaman ko. Bumabalik balik kasi ang lagnat niya, may minsan ring dumudugo ang ilong niya. Ang sabi ng doctor sobrang bumagsak ang platelets niya. Wala akong ibang magawa kung hindi ang umiyak. Tuloy ay naisip ko, kung kasama ko kaya ang pamilya ko, mapapadali ang pagsalin ng dugo kay Zaiah, hindi siya mahihirapan, sa dami ba naman ng connection nila mommy at daddy. Saka isa pa, kung alam lang ng mga staff rito kung sino talaga kami. Sigurado ako na priority nila ang anak ko lalo pa't apo siya ng may ari ng ospital na ito.

Oo, itong ospital na pinagdalhan nila aling Ester sa anak ko ay pag aari ng mga Montemayor. Ngunit walang nakakaalam kung sino kami rito. Tuloy ay gusto ko nang sabihin sa doktor na ako ang unica hija ng mga Montemayor, pero hindi ko maaaring gawin 'yun, tiyak akong hindi sila maniniwala.

"Mimi, ah," ani Zaiah at ibinuka ng malaki ang bibig. Sinubuan ko naman siya ng pakwan. Kanina pa siya gising at medyo hirap akong pakainin siya kanina, mabuti na lang at naniwala siya sa sinabi kong magkakaroon siya ng super power kapag kumain siya.

"Mmmm, yummy, right?" nakangiti kong sambit. Tumango naman siya.

Napatigil ako sa pag subo sa anak ko ng may lumapit na doctor sa amin.

"Miss, I have a good news. May nagpatest kanina at lumabas na ka match niya ang anak niyo," nakangiting balita ng doktor

Napatayo naman ako, "Talaga po?" masaya kong sabi

"Yes, maaari na nating salinan ang anak niyo," aniya

May dumating naman na nurse, dala nito ang tatlong bag ng dugo. Agad naman itong kumilos para masalinan ng dugo ang anak ko. Nang makita 'yun ng anak ko, napahawak pa siya sa akin, natatakot. Pero sinabi kong magkakaroon na siya ng powers after masalin ang dugo kaya nag behave lang siya. Tinitignan pa nga niya ang bag na may lamang dugo.

Makakahinga na rin ako sa wakas, nasalinan na ng dugo ang anak ko.

"Doc, maaari ko ho bang malaman kung sino ang nag donate ng dugo sa anak ko?" nakangiti kong tanong sa doktor

Ngumiti rin siya "He'll be here mayamaya lang. Nawalan kasi siya ng malay nang kinuhanan siya ng dugo," napailing pa ang doktor habang natatawa "Matatakutin pala sa karayom ang lalaking iyon,"

Mommy at Eighteen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon