SIXTY-SIX

930 21 7
                                    

Mommy at Eighteen 
By: Jlessbiiiiim

CRINGEEEEE CHAPTER AHEAD HEHEHEHE!

"HOW are you?" kapagkuwa'y tanong ni Kenzie, ang mukha ay nakasiksik pa rin sa aking leeg.

Napaismid ako sa tanong niya. Ngayon lang niya talaga naisipang magtanong, ano? Gayonpman, sinagot ko pa rin ang kaniyang tanong. "Okay naman."

"Pero mas okay kapag kasama mo ako?" aniya sa tono ng nang-aasar.

"Tss. Feeler, ha," pang-aasar ko rin pabalik na alam kong hindi niya magugustohan.

Siya nga dahil unti-unting lumuwag ang pagkakayakap niya sa aking beywang, at nang humarap siya sa akin ay 'ayon na't nakanguso.

"Why are you denying your true feelings? Bakit mo dine-deny sa mismong harap ko ang totoo?" 

Natawa ako sa sinabi niya lalo na sa boses niya. Hindi ko maipaliwanag ang itsura niya. Sobrag trying hard niyang mag mukhang cute. But I can't stop myself from blushing kasi kahit parang ewan ang mukha niya ngayon, he looks cute. Tss. This guy has its own kind of cuteness.

"At tinatawanan mo lang ako?" hindi makapaniwala niyang dagdag.

Tinakpan ko ang bibig ko upang pigilan ang aking tawa. "Sorry. You're just cute-" My eyes grew wider the moment I realized what I have just said. 

Ang kanina'y nakanguso na si Kenzie, ngayon ay sobrang lawak na ng ngiti sa labi. 

"Feeler pala, ha?" may angas niyang sinabi sabay ngisi. "Nami-miss mo lang ako, eh."

"Ewan ko sa 'yo! Teka, gutom na ako. Wala bang pagkain dito?" pilit kong iniba ang usapan saka naglakad papasok sa loob ng yate. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Kenzie na nakasunod sa akin.

Kung namangha ako nang makita ang kabuoan ng yate sa panlabas nito, higit akong namangha nang makita ang loob nito. The main room is huge, may dalawang mahahabang couch na magkatapat, may large windows at TV pa. Bakit kaya hindi nila ako tinuor sa buong yate kanina?

Ilang beses na akong nakasakay sa magagandang yate noon, nagmamalaki rin ang mga iyon ngunit ang isang 'to ay masasabi kong pinakanagmamalaki sa lahat. This yacht has four bedrooms. The biggest room is the masters bedroom. Pinasok ko isa-isa ang mga kwarto para lamang pala mamangha pa lalo sa laki ng espasyo sa bawat kwarto. Bawat kwarto ay may malalaking kama, may couch, TV, may sari-sarili pang banyo at walk-in closet. It makes me wonder, how is it possible na lahat ng mga iyon ay nagkasya sa loob ng isang yate? Maybe its personalized. Knowing my brothers, halos lahat ng gamit nila ay personalized. All their possessions are their own personal choice. One thing they are common, is that they're both very particular with their things. Maaarte ang mga 'yon, eh.

Kakatwang nabigla pa ako nang pasokin ko ang huling silid, ang kusina. Kusina lang ito na nasa loob ng isang sasakyan pandagat pero sobrang lawak. Para lang akong nasa kusina ng mansyon namin although mas malaki ang kitchen ng mansyon namin. May hindi kalakihang lamesa at apat na upoan sa gitna pa. Baka nga rito kami mags-stay ni Kenzie sa mga susunod na araw? 

Nagmadali akong binuksan ang maliit na refrigerator sa pagbabakasakaling may pagkain doon ngunit gano'n na lamang ang pagkadismaya ko nang makitang wala itong laman. So, 'ayon hindi kami rito mags-stay. 

"Sorry. There's no food here. Mamaya na lang pagdating natin," sambit ni Kenzie sa aking likoran.

"Sa'n nga kasi tayo?" I'm starting to be impatient. 

Lumapit si Kenzie sa akin nang nakangisi. "Patience, Baby."

My mouth literally shut when he called me baby.

Mommy at Eighteen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon