EIGHTY-THREE

636 15 0
                                    

Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim

PABALIK-BALIK ako sa paglalakad sa loob ng kwarto ko habang mahigpit na hinahawakan ang isang bagay na patago kong binili kanina nang pa-uwi ako. Hindi ako mapakali, kanina pa ako nakalabas ng banyo at alam kong lumabas na ang resulta ng pagte-test ko kanina, pero hindi ko kayang tignan. Hindi ko kayang tignan ang pregnancy test na mahigpit kong hinahawakan sa isang kamay ko. Natatakot akong makita ang resulta. 

Sari-saring emosyon ang nararamdaman ko ngayon at sari-saring bagay rin ang naglalaro sa isip ko kapag nag-positive ang result. Hindi sa nag-o-overthink ako pero dahil alam ko ang mga bagay na maaaring mangyari kapag nag-positive ang pregnancy test. 

Kapag buntis ako at malaman ni Mommy, hindi ko na alam kung ano pa ang pwedeng gawin ni Mommy. Nagawa na niya akong itakwil noon, anong malay ko sa maaari niyang gawin ngayon. Minsan ko nang binali ang tiwala nila sa akin at ngayong okay na ang lahat, saka naman ito nangyayari. Hindi. Hindi pwedeng masira ang lahat. Anong gagawin ko? 

Ilang beses akong huminga ng malalim, pinapakalma ang sarili bago muling pumasok sa banyo. Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang repleksyon ko sa salamin ng banyo. May aircon sa loob ng kwarto ko pero haggard ng mukha ko, namamawis ang mukha at kitang-kita ang kaba. 

Huminga ako ng malalim kasabay ng pagpikit ng mga mata. Nang magmulat ay dahan-dahan akong tumingin sa pregnancy test na hawak ko. At sa oras na nakita ko ang result ay tila ba tinakasan ako ng kaluluwa ko at mabilis na nanghina. Mabilis na nangining ang buong katawan ko at nanlamig nang makita ang dalawang pulang linya sa pregnancy test.

"N-no. No."

Napahawak ako sa tiyan ko. There's a new life inside my tummy?

I should be happy, right? Because I'm carrying Kenzie's offspring. Pero hindi buo 'yung saya ko dahil sa sari-saring emosyon na nararamdaman ko at ang mga hindi magagandang bagay na naglalaro sa isip ko. Nagugulohan ako.

Itinago ko 'yung pregnancy test bago lumabas ng banyo. Kinuha ko 'yung cellphone ko at 'dinial ang number ni Kenzie. Ngunit naka-ilang rings na hindi pa rin siya sumasagot. Ilang beses ko pa siyang tinawagan pero hindi talaga siya sumasagot. Nag-message pa ako na may importante akong sasabihin. 

"Come on, Da. Answer the phone," bulong ko habang paulit-ulit na dina-dial ang number niya pero wala pa ring sagot. 

I was about to call him again when I received a message from him saying he's busy with paper works. 

"It's urgent!" I replied and again dialed his number. Minutes passed, naka 24 missed calls na ako sa kaniya pero wala pa rin. Gano'n ba siya ka-busy para ma-miss ang 24 calls ko?

For the 25th time, I dialed his number again and this time, he answered.

"Da,  we need to-"

Literal akong napatigil sa pagsasalita nang may narinig akong kakaibang tunog sa linya niya. It was like someone is moaning? Nangunot ang kilay ko sa naririnig ko sa kabilang linya. Tinignan ko pa ang screen ng cellphone dahil baka ibang number ang na-dial ko, but I dialed the correct number. Then, what is Kenzie doing? 

I wish I can turn back the time. I should not have called him. Sana hindi ko na lang siya tinawagan sa oras na ito at pinagpabukas na lang ang pakikipag-usap sa kaniya, hindi ko sana maririnig ang kababoyan nila. How to unheard? How to escape? Pakiramdam ko paulit-ulit na pinapatay ang puso ko sa oras na 'to. Nawawalan ako ng lakas. Wala na rin akong naririnig mula sa kabilang linya dahil unti-unting dumausdos sa kamay ko ang cellphone at tuluyang nahulog sa sahig. 

Sandali akong napatitig sa kawalan ngunit nang umugong sa aking pandinig ang mga narinig ko sa linya ni Kenzie, walang tunog akong napa-iyak.

"Ahh! Ken, mmm!"

Mommy at Eighteen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon