SIXTY-THREE

734 14 2
                                    

Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim

PAGDATING ng tanghali, hindi pa rin kami tapos sa pagbebenta ng ticket dahil mahaba-haba pa rin ang pila. We prepared 500 tickets, I guess, at kalahati na lang ang natitira, pero marami pa ring estudyante ang pumipila.

'Yong tungkol sa tunnel namin ay kumalat na sa buong school kaya naman ang iba ay bumibili ng ticket hindi dahil may eba-blind date sila, kung hindi gusto lang nilang makapasok sa tunnel kasama ng mga kaibigan nila. Actually, mas lumakas pa nga ang benta ng booth namin dahil sa tunnel, hindi sa dating booth. Parang olats yata ang mismong dating booth namin kasi mas malakas 'yong tunnel. Ang iba ngang pumipila ay mga magbabarkada na gustong pumasok ng tunnel. Napapakamot na lang kami sa mga ulo namin kasi parang nade-defeat 'yong purpose ng booth namin.

"We're so sorry. 'Yong booth namin ay hindi para sa mga gusto lang makapasok sa tunnel. We are actually trying to help those people na hindi mailabas-labas ang tunay nilang nararamdaman para sa taong gusto nila. We're so sorry, guys," pagpapaliwanag ni Reia sa isang magbabarkada na nakikiusap makapasok sa tunnel.

"Sayang naman, Miss. Mukhang masaya pa naman sa loob," anang isang babaeng blonde ang buhok na may side bangs.

"Oo nga, Miss. Sabi nung isang kaklase namin na binlide date, sobrang nakakatakot daw ng mga multo ninyo," segunda pa ng isang babae na hanggang balikat ang buhok.

"Oh my God. Girls, as much as I wanted to let you in, madadaanan n'yo kasi ang mga blind dates, baka maistorbo sila?" malumanay na pagpapaintindi ni Reia.

"Miss, we're willing to pay kahit magkano," pangungulit ng isa pa.

"Bakit hindi n'yo na lang e-blind 'yong isa't isa sa mga crushes ninyo?" suhestyon ni Reia.

"Ehy, Miss, masaya kami sa buhay namin. Hindi namin kailangan ng lalaki para mapasaya kami. Saka mas gusto namin ng thrill sa buhay. Kaya papasokin n'yo na ho kami. Sigi na."

Bahagya akong natawa habang naka-upo sa bandang dulo ng mesa. Mukhang hindi talaga sila titigil hanga't hindi sila makakapasok. At sa mga itsura pa lang nila, mukhang masaya na sila habang ine-enjoy ang bawat sandali ng kanilang buhay.

Kakamot-kamot naman ng ulo na lumingon si Reia sa akin. "Sheena," sambit niya sa nagpapatulong na boses.

Tinangoan ko siya bago tumayo at lumapit sa mga magbabarkada. "Ahm. How about this," panimula ko sa naisip kong paraan. Pinagkrus ko ang mga kamay ko sa ibaba ng dibdib ko. "Let us sale 50 more ticket for the dating booth, allow those blind dates na makapag-usap. And after that, maybe afternoon, we will re-open our booth to horror booth. How's that? Call?" Para lang akong nakikipag-deal sa isang kabarkada na samahan akong magpaalam sa Nanay para lang makagala.

Sabay-sabay namang nagliwanag ang mga mukha ng magbabarkada sa aking sinabi, tuwang-tuwa at halatang excited na makapasok sa tunnel.

"Sheena, are you sure we should re-open the booth later?" tanong ni Reia.

Tinangoan ko siya. "You know what? Today is the celebration for the new beginning of this institution. Everyone should enjoy and have fun. Kaya nga may booths para maraming pagkatuwaan ang mga estudyante. Sa booth natin, dapat hindi lang mga couples ang mag-enjoy. Dapat pati 'yong magbabarkada ay hayaan din nating mag-enjoy sa booth na hinanda natin."

Napatango-tango si Reia kasabay ng pagngiti, tila sumasang-ayon siya sa aking sinabi.

Bumalik na ulit kami sa aming ginagawa.

Inanunsyo naman ni Reia na 50 tickets na lang ang natitira para sa dating booth at ang natitirang ticket ay para sa re-opening ng booth namin, ang horror booth. Dahil sa anunsyo ni Reia, halos dumugin kami nga mga bumibili ng ticket para sa dating booth, halos e ngudngod na nila sa aming mga mukha ang pera para lang mauna sila.

Mommy at Eighteen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon