Mommy at Eighteen
By: JlessbiiiiimPaalala: Hindi perpekto ang kwentong inyong mababasa. Nagtataglay ito ng sandamak-mak na typographical at grammatical error. Kung ang hanap n'yo ay perpektong akda, paumanhin ngunit hindi n'yo iyon mahahanap sa kwentong ito. Maraming kamsahamnida.
Ilang minuto ang lumipas bago kami nakarating sa isang hotel. Pinark niya ang sasakyan, sinabi niyang manatili muna ako sa loob. Hindi ko inaasahan na pagbubuksan niya pala ako ulit. Nilahad pa niya ang isang kamay sa akin. Tinanggap ko naman ito.
"Thanks," nahihiyang sambit ko nang makababa.
May lumapit naman sa aming isang lalaki, inabot ni Kenzie ang susi sa lalaki saka niya ako inaya papasok.
Ang sunod niyang ginawa ay hindi ko rin inaasahan. Malumanay niyang kinuha ang isang kamay ko at nilagay ito sa braso niya. Napatingin ako sa kamay ko na ngayon ay nasa balikat na niya, nang iangat ko ang aking paningin. Sumalubong sa akin ang mga titig ni Kenzie.
"Let's go?" malumanay niyang tanong
Wala sa sariling napatango ako. Nag lakad na kami papasok sa loob ng hotel. Dumiritso kami sa garden ng hotel. Habang naglalakad kami, hindi ko maiwasang hindi mapansin ang pag tingin ng mga crew ng hotel sa amin o mas tamang sabihin na sa 'kin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
"Are you okay?" biglang tanong ni Kenzie
Tumango lang ako.
Nang makarating kami sa garden kung saan dinadaos ang ball, marami na ang bisita. May kanya kanyang kumpulan sa isang table. Nag tatawanan, nag uusap usap tungkol sa business, sa mga anak nilang achievers. Pa bonggahan ng suot, payamanan, pabidahan ng kanya kanyang accessories sa katawan, in short plastikan.
"There they are," ani Kenzie.
Sinundan ko naman ang kanyang paningin. Nakita ko nga ang mommy niya kasama ang kanyang daddy sa isang table, may kausap sila, at alam kong iisa lang ang pinag uusapan nila, business.
Hindi na bago sa akin ang ganitong ball na puro mayayaman ang aattend. At masasabi kong bored ang ganito dahil puro negosyo at pagpapalawak ng negosyo ang pag uusapan nila.
"Hi, mom, hi dad," bati ni Kenzie sa kanyang magulang nang makalapit kami sa kanila.
"Oh? Hi, son, mabuti at narito ka na," anang mommy niya, hinalikan naman niya ito sa pisngi.
"Yeah, sinundo ko pa kasi si Sheena," aniya na lumingon sa akin. Napatingin naman ang kanyang mga magulang maging ang kausap nito kanina.
"Hello po," nakangiting sambit ko saka bahagyang yumuko bilang pag galang.
"Hi, hija. Mabuti at nakarating ka," nakangiti ring tugon ni Mrs. Chiu na nakipag beso sa akin.
"You look stunning, hija," komento ni Mr. Chiu.
Nahihiya naman akong napayuko "Salamat po,"
Pinakilala si Kenzie ng kanyang mommy sa kanilang kausap kanina. Nag usap usap lang sila tungkol sa business at sa partnership ng Chiu at Ferolejo. Habang ako naman inaabala ko ang aking sarili sa pag mamasid sa paligid. Nakakatuwa lang na muli kong nakita ang ganitong eksena sa isang ball.
Ngunit hindi ako mapakali, nais ko nang umuwi. Bigla ko kasing naalala si Zaiah. Ewan ko ba, may kaba akong nararamdaman sa akin dibdib na hindi ko maipaliwanag. Kahit anong gawin ko, hindi mawala wala si Zaiah sa aking isipan, maging ang kaba sa aking dibdib. Iniisip ko kung anong ginagawa niya kaya niya ngayon? Tulog pa rin ba siya? Kumain na kaya siya? Lutang ang isip ko kay Zaiah.
BINABASA MO ANG
Mommy at Eighteen (COMPLETED)
RandomSheena Montemayor got pregnant at the very young age. Perks of being a Montemayor, she received the hardest and the most painful punishment from a parents a daughter could ever receive. As a 15-year old girl who got pregnant, she face alone the res...