Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim"ALING TELMA, thank you so much for all your help po. Hindi ko po kayo makakalimutan," nakangiti, sensirong pamamaalam ko kay Aling Telma.
After we decided na sumama na ako sa kanila pabalik ng Laguna, I packed all my things and bid goodbyes to the people who took care of me rito sa beach house ni Kuya Sic. Kung hindi siguro dahil sa kanila ni Mang Sonny, baka nagmumukmok pa rin ako dahil wala akong nakaka-usap. Mabuti na lang at may mga mabubuting tao na ibinigay ang Diyos sa akin.
Kinuha ni Aling Telma ang dalawang kamay ko saka ngumiti. "Basta mag-iingat ka palagi. At tandaan mo, may plano ang Diyos," sinserong aniya.
Ginantihan ko pa ng ngiti si Aling Telma saka siya niyakap. "Ingat din po kayo. Kayo po ni Mang Sonny."
"Dumalaw ka rito, Sheena, ha," pabirong ani Mang Sonny.
Nakangiti ko naman siyang tinanguan sabay sinabing, "Syempre naman po. Babalik po ako every summer. At bago ko makalimutan. Aling Telma, Mang Sonny, nabanggit n'yo po na nahihirapan na kayo sa gastos para sa pag-aaral ni Aenna. Naisip ko po na sayang naman kung matitigil si Aenna sa pag-aaral, eh, dalawang taon na lang at ga-graduate na siya ng college. Kaya naman po kung okay lang sa inyo na sa Laguna tapusin ni Aenna 'yung college niya. Gusto ko sana siyang mag-aral ng libri sa school na ibinigay ni Kuya sa akin," sambit ko.
Nakita ko naman ang sabay na pamimilog ng mga mata nina Aling Telma at Mang Sonny sa aking sinabi. Nagkatinginan pa sila sa hindi makapaniwala.
"N-nako, Sheena, maganda ang sinabi mo pero nakakahiya naman sa 'yo. Isa pa, walang kakilala ro'n ang aming anak, wala siyang matutuluyan do'n at hindi siya sanay na malayo sa amin," nagdadalawang isip si Mang Sonny.
Nginitian ko lang sila. "Wala po kayong dapat ipag-alala. Ako na po ang bahala sa tutuluyan niya. Actually, wala na nga po kayong dapat isipin sa pagpunta ni Aenna sa Laguna kasi ako na po ang bahala sa lahat."
"A-ay, nako! Eh, Sheena, hindi ba nakakahiya naman sa iyo 'yan? Bibigyan mo na nga ng libring pag-aaral ang anak ko tapos ikaw pa ang bahala sa lahat ng kailangan niya. Nakakahiya sa iyo," nahihiyang tanggi ni Mang Sonny.
"Mang Sonny, it's the least I can do sa pag-aalaga n'yo sa akin habang nandito ako. You know, I cannot imagine myself being left by my parents with my siblings on our own kasi 'yung parents namin ay may kailangang alagaan na ibang anak. Besides, nakikita ko rin po 'yung sarili ko kay Aenna. 18 lang siya pero nagagawa na niyang alagaan ang mga kapatid niya. Kaya sana po ay pumayag kayo."
Nagkatinginan pa silang mag-asawa saglit bago muling tumingin sa akin at sabay na tumango.
Lumawak naman ang ngiti ko. "Great."
Matapos kong kausapin sina Aling Telma ay sumunod na rin ako sa aking pamilya sa kotse.
Halos 2 hours ang naging byahe namin mula sa beach house papuntang Tagbilaran kung saan naghihintay ang chopper ng pamilya namin na siyang naghatid kina Mommy sa Bohol at magbabalik sa amin sa Laguna.
Hindi pa man umaangat ang chopper, parang nangangati na ang pwet ko na bumaba. Gustong-gusto ko nang makita ang anak ko, gustong-gusto ko na ring puntahan si Kenzie. Alam ko malaki ang kasalanan ko sa kaniya. Hindi ako nagtiwala sa kaniya, nawalan ako ng tiwala sa pagmamahal niya. Nag-conclude agad ako nang hindi man lang siya pinakikingan. Naduwag ako at tinakasan ang problemang dapat sana ay sabay naming hinarap ni Kenzie.
Pero tama na ang pagtakas. Ayaw ko ng maging duwag. Oras na para harapin ang anay na gustong sumira sa tahanan ko. Hindi ko hahayaang may sumira ng tahanan ko.
Kung kailan animo'y nagmamadali ka, saka naman tila pagong na tumatakbo ang oras. Pakiramdam ko limang oras na mula nang umalis kami ng Tagbilaran,pero heto't nasa himpapawid pa rin kami. Tanaw na tanaw ang ganda ng ibaba, ngunit kahit gusto kong e-enjoy ang ganda ng ibaba, mas gusto ko pa ring bumilis ang oras nang sa gano'n ay makarating na kami kaagad ng Laguna.
BINABASA MO ANG
Mommy at Eighteen (COMPLETED)
De TodoSheena Montemayor got pregnant at the very young age. Perks of being a Montemayor, she received the hardest and the most painful punishment from a parents a daughter could ever receive. As a 15-year old girl who got pregnant, she face alone the res...