NINETEEN

1.9K 37 0
                                    

Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim

Nang makarating kami sa mansyon. Dumiritso ako sa kwarto para buksan iyon para ipasok ang lahat ng hinakot namin.

"Paki lagay na lang po diyan lahat," sabi ko saka nag punta sa play room kung saan naroroon ang anak ko. Naabutan ko siya na aliw na aliw sa lag lalaro sa pool of balls.  Tumatalon pa siya at animo'y nag dadive sa tubig.

Pinasadya nila ang play room na ito para sa anak ko. Actually, kanina ko lang nalaman na may pinagawa pala silang play room para sa anak ko at last week pa raw ito natapos. Kumuha pa sila ng architect para sa renovation at interior design ng kwarto. Grabe lang, nakaka touch ang effort nila.

"Hi, baby," bati ko sa anak ko

Tumigil siya sa pag lalaro at nang makita ako, sobrang lawak ng ngiti niya.

"Hi, Mimi," inalalayan siya ng yaya niya sa pagbaba, patakbo siyang lumapit sa akin at yumakap.

"Are you enjoying yourself?"

Maka ilang beses naman siyang tumango "Yes, mimi. Ayab hey (I love here)"

Bahagya kong pinisil ang pisngi niya dahil nakakapinggigil ang ka cute-an niya.

"Good. By the way, I have good news. Starting today, we will live here together with grammy, pabi and tito Sam and tito Sic. Yey!" masiglang sabi ko sa anak ko na ikinatalon talon niya.

"Yey! Yey!"

"Are you happy?" tumango lang siya habang tumatalong talong pa rin. Bibong bata 'to, oo.

Iniwan ko na ulit siya sa play room kasama ang yaya niya.

Kinuha ko ang cellphone sa sling bag ko at tinawagan si Joros. Ilang ring lang ay sinagot na niya.

"Hello, Sheena. Anong oras tayo magkikita?" agad na bungad niya sa akin. Alam na alam, ah?

"1 p.m. at Starbucks. Don't be late," then I ended the call. Wala namang kailangan pang sabihin para pahabain pa ang tawag.

Tinignan ko ang oras sa cellphone ko. 11 a.m.

Walang ibang naiwan sa bahay kung hindi kami lang ni Zaiah. Busy silang lahat sa mga trabaho nila. Ngayon lang ako nabored sa bahay. Dati kasi walang oras na wala akong ginagawa sa buhay ko. Masasabi kong napaka busy kong tao. Kung hindi mag lilinis ng bahay, nasa shift ko sa restaurant, tapos mag tututor. Kaya ngayon bored ako dahil wala akong magawa sa mansyon na 'to.

Umakyat na lang ako sa kwarto para simulang ayosin ang mga gamit. Sa totoo lang, marami nang laman ang walk-in closet ko dahil pinamili na ako ng bago ni mommy. Pero sayang naman ang mga pinag lumaan ko. Hindi bali, idodonate ko na lang ito sa mga nangangailangan.

Nang matapos ako sa pag aayos ng mga gamit ko. Lumabas ako para ayusin naman ang kay Zaiah. Maging ang kwarto ni Zaiah ay pina renovate nila mommy. Napaka cute ng interior design ng kwarto niya. Katam taman lang ang laki ng kama na kulay pink at may maraming stuffed toys. Sa left side ng kwarto may spot doon na may camping tent at may maraming unan ang nakapaligid. May tv and dvd rin. Ang walk-in closet niya ay puno ng damit, iba't ibang klase ng damit, sapatos. Tss. Are they trying to spoil my baby?

Sakto pagkatapos kong linisin ang mga kalat, 12:40 p.m. na. Ayos, late ako. Hindi problema 'yun dahil siya ang may kailangan sa akin. Dapat siya ang maghintay at hindi ako.

Bumalik ako sa kwarto ko at nag handa para sa pag alis ko. Nagpahatid lang ako kay mang Jun at pinauwi ko na rin siya. Kako tatawagan ko na lang siya kapag uuwi na ako.

Mommy at Eighteen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon