Mommy at Eighteen
By: JlessbiiiiimPaalala: Hindi perpekto ang kwentong inyong mababasa. Nagtataglay ito ng sandamak-mak na typographical at grammatical error. Kung ang hanap n'yo ay perpektong akda, paumanhin ngunit hindi n'yo iyon mahahanap sa kwentong ito. Maraming kamsahamnida.
Bagsak ang aking mga balikat nang makabalik ako sa ospital. Iniisip ko ang mangyayari sa aking anak. Saan kami makakahanap ng kidney donor? Saan ako kukuha ng malaking halaga para sa operation niya?
Nagtataka kong inilibot ang aking tingin sa labas ng emergency room. Wala na ro'n ang mga kasama ko. Kinuha ko ang aking telepono para tawagan si Shelly.
"Hello, Shelly. Nasaan kayo?"
"Sheena. Nasa waiting area kami ng operating room. Ipinasok na nila si Zaiah sa loob ng operating room," ani Shelly
Bigla akong nanlumo. Inooperahan si Zaiah, pero wala akong pambayad. Gusto kong sapakin ang sarili ko ngayon kasi mas iniisip ko pa ang pambayad kesa kalagayan ng anak ko. Saka ko na lang iisipin ang bills kapag gumaling na ang anak ko.
"Sigi, pupunta na ako diyan," then I hung up.
Agad kong hinanap ang operating room. Nang makita ko ang sign ng OR, pumasok ako ro'n at nakita ko agad sila Shelly nakaupo. Samantalang si Kenzie, pabalik balik sa paglalakad.
"Sheena!" tumayo si Shelly nang makita ako lumapit sa akin "Saan ka galing?"
"May pinuntahan lang ako," sagot ko "'Yung anak ko?"
"She'll be fine. Kamusta ang lakad mo?" tanong ni Kenzie
Inabot ko sa kanya ang kanyang susi ng kotse.
Nagbuntong hininga ako saka naupo. Tinignan ko siya saka umiling "Wala, eh. Hindi pa rin ako napapatawad ng mommy at daddy," mapait kong sinabi
Naupo naman siya sa harap ko "Huwag kang mag alala, akong bahala sa gastusin ng anak ko," aniya, trying to lift me.
"Salamat, Kenzie, ha. Pero nakakahiya naman sa 'yo. Hindi mo naman kasi talaga anak si Zaiah, pero napakabuti mo sa kanya,"
"Anak ko sabi si Snow. At mahal ko siya kaya lahat rin gagawin ko para sa kanya," then he smile at me.
"Salamat," sinserong saad ko
-
Makalipas ang ilang oras, successful ang operation ng anak ko. Nilipat siya sa isang private room. Sinabi ko kay Kenzie na kahit sa public ward na lang, pero nag insist siya na mas makakabuti kung may sariling kwarto ang anak ko. Nilalayo niya lang raw sa infections ang anak ko.
Pinauwi rin muna ako ni Kenzie para raw makapag bihis. Alas sais na nang umaga, pareho kaming walang pahinga dahil sa kakaisip kay Zaiah. Sina aling Ester at Shelly naman, kagabi pa namin pinauwi. Sobra na kasi ang hassle na dinulot namin sa kanila. Si manang Elen hindi kami iniwan. Nag insist siya na manatili dahil kasalanan niya raw kung bakit naaksidente si Zaiah. Kako wala siyang kasalanan, pero sabi pa niya naging pabaya siya kaya lumabas si Zaiah. Wala na kaming nagawa kung hindi ang hayaan siya sa gusto niya.
"Manang, kayo na ho ang maunang umuwi. Isama niyo na rin po si Kenzie nang makapag pahinga po kayo," sabi ko kay manang
"Ikaw na ang maunang umuwi, hija. Mag bihis ka, tsaka nang matanggal na iyang kolorete sa iyong mukha. Kagabi pa iyan, eh," sagot ni manang
BINABASA MO ANG
Mommy at Eighteen (COMPLETED)
RandomSheena Montemayor got pregnant at the very young age. Perks of being a Montemayor, she received the hardest and the most painful punishment from a parents a daughter could ever receive. As a 15-year old girl who got pregnant, she face alone the res...