SIXTY-SEVEN

704 19 1
                                    

Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim

Nang marating namin ang isla na pagmamay-ari ni Kuya Sam, "Ang ganda!" ang unang salita na lumabas sa aking bibig.

This place is so beautiful. Pagbaba mo pa lang ng yate ay mararamdaman mo na agad ang kapayapaan ng isla. Maraming tao ngayon pero kakatwang parang ang tahimik ng paligid. Napatingin ako sa inaapakan kong buhangin kapagkuwa'y napangiti. Ang pino ng white sand.

"Let's go." Hinawakan ni Kenzie ang isang kamay ko para igiya papunta sa hotel.

Halos mabali na yata ang leeg ko sa katitingin sa paligid. Paano napaganda ni Kuya Sam ang lugar na 'to? Sabagay, OA ang isang 'yon, mitikuloso. Sobrang detailed bawat sulok ng lugar. Sobrang lawak ng pool, kulay asul 'yong tubig, nakadagdag sa ganda nito ay 'yong mga puno ng niyog na halata mong alagang-alaga at sinadyang ilagay ro'n. Ang pool ay nasa harap lang ng hotel. Ang hotel na animo'y isang 5 star hotel sa sobrang elegante tignan.

"Ang yaman pala ng Kuya ko?" wala sa sariling nasambit ko habang papasok kami sa loob ng hotel.

Narinig ko namang mahinang natawa si Kenzie. Sa elevator kami dumiritso at naghintay na magbukas ito. Kami lang dalawa ni Kenzie ang sakay ng elevator nang magbukas ito.

"Okay ka na ba?" tanong ni Kenzie habang nasa loob kami ng elevator.

Napatingin naman ako sa kaniya. "Mmm? Oo naman. Bakit?"

"You almost drowned kanina."

"Ah. Tss. Kanina ka pa tanong nang tanong, eh. Oo nga, okay na okay na ako. Pagod lang."

"I'm sorry."

Kunot-noo akong tumingin sa kaniya. "Ha? For what?"

"Kung hindi kita 'sinama nang tumalon ako, hindi ka sana muntik nang malunod," sambit niya, ang boses ay may pagsisisi.

"It's okay, it's not your fault. Saka it's me who forgot that I am still underwater dahil lang sa naramdaman ko sa ilalim ng tubig." Nagkibit-balikat ako. "But at least I'm still alive, 'di ba?" natatawa kong sinabi.

"Anong sinabi mo?" maagap niyang tanong, hindi makapaniwala. "Parang masaya ka pa na muntik ka nang malunod, ha?"

"Uyy hindi, ah. Sinasabi ko lang na huwag mo nang sisisihin ang sarili mo kasi okay lang naman ako."

Parang mauuwi pa yata kami sa bangayan kung hindi lang nagbukas ang elevator.

Automatiko namang kinuha ni Kenzie ang isang kamay ko at hinila palabas ng elevator. Sumunod na lang ako sa kaniya bilang siya naman ang nakakaalam kung saan ang suit namin.

"Are we staying in an executive room?" excited kong tanong.

"Why?"

"I just wanna know."

"You'll see."

Pagkasabi niya no'n, huminto kami sa harap ng isang pinto. Nakangisi naman iyong binuksan ni Kuya. At nang pumasok ako, gano'n na lamang ang aking paghanga sa kwartong aming kinaroroonan. Sobrang lawak ng loob. Pagpasok mo palang ay sasalubong na agad sa iyo ang living room na may isang mahaba at dalawang single couch, may center table pa na gawa sa glass. Sa harap naman ay may malapad na tv. May kusina rin ito at dalawang malalaking kwarto, at bawat kwarto ay kompleto ang mga gamit, lahat ng kailangan mo ay nandito na. Ang banyo ay may malaking bathtub at may shower room pa. Para ka lang bumili ng isang condo.

"May mas maganda pa ba sa kwartong 'to?" tanong ko kay Kenzie nang puntahan ko siya sa living room matapos kong ikotin ang buong kwarto.

"Hm?" tanong niya habang naka-upo sa mahabang couch. "No, I think may mas malaki pa rito. But I think it's occupied by a newlyweds."

Mommy at Eighteen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon