Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim"Mimi, mimi, I want to play," masiglang turan ng anak ko.
Nakangiti ko siyang tinunghayan. Hawak ko siya sa kanyang kaliwang kamay habang hawak naman siya ni Kenzie sa kanyang kanang kamay.
"Sure, baby,"
Tuwang tuwa naman niyang hinila ang kamay ng daddy niya.
Napangiti na lang akong sinundan sila ng tingin. Napaka cute nilang tignan dalawa. Para talaga silang mag ama na close na close sa isa't isa. Tuloy ay nagseselos na nga ako dahil daddy's girl na siya ngayon.
Isang linggo ang lumipas nang makalabas kami ng ospital. Tuluyan nang gumaling ang anak ko at in return sa fast recovery niya at sa pagiging fighter ng anak ko. Pinasyal namin siya ni Kenzie sa park. Ilang beses niya kasing sinabi na kapag nakalabas na siya ng ospital, mamasyal raw kaming tatlo. Tuwang tuwa siya no'ng pumayag kami ni Kenzie.
Napangiti ako nang mapako ang paningin ko kay Kenzie na nakikipag habulan kay Zaiah. Nakakatuwa silang tignan. Si Kenzie, hindi siya umalis sa tabi ni Zaiah habang nagpapagaling ito. Hindi niya halos maiwan si Zaiah. Maging ang mommy at daddy niya ay dumadalaw rin minsan kay Zaiah. Tuwang tuwa sila sa anak ko na tinuring na rin nilang apo dahil sa pag cclaim ni Kenzie na siya ang ama ni Zaiah. Hindi na ako nakipag talo pa sa kanya na maging ama sa anak ko, kasi nakikita ko namang mahal na mahal niya ang anak ko na parang isang tunay niyang anak. Madalas nga niyang iniispoil si Zaiah. Hindi mahilig sa mga laruan ang anak ko, mas gusto niyang pagkain, pero binibigay ni Kenzie lahat lahat sa anak ko.
Kaya hindi ko maiwasang isipin na sana si Kenzie na lang ang daddy ng anak ko.
I am smiling form ear to ear while watching them playing. How I wish si Kenzie na lang ang daddy ni Zaiah.
"Sheena?"
Tumingin ako sa aking kanan upang makita kung kung sino ang tumawag sa akin. Unti unting naglaho ang malapad kong ngiti kanina.
"Sheena, ikaw nga!" nakangiting aniya
Ako naman ay hindi makasagot. Pakiramdam ko hindi pa nag sisink in sa utak ko kung sino ang lalaki na kaharap ko ngayon. Tulala lang ako, hindi makagalaw at hindi makapag salita.
He's back?
"Kumusta na?" kaswal niyang tanong.
"Joros," tanging lumabas sa bibig ko.
Oo. 'Yung hudyong ex ko na nakabuntis sa akin ay nasa harapan ko ngayon.
"Ako nga," masiglang aniya at pinasadahan ako ng tingin "Grabe, ang laki ng pinag bago mo!" namamanghang dagdag niya.
"Ah, talaga?" hindi ko alam kung anong dating ng sinabi ko.
"Oo. It's been 3 years,"
Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mukha niya. Bilib rin naman ako sa hudyong Joros na 'to. Kung maka asta sa harap ko para lang kaming mag barkada na ilang taong hindi nagkita. Baka nakalimutan na niya ang ginawa niya sa akin noon?
Pinasadahan ko siya ng tingin, mula ulo mukha alagang gluta. Oo, mukhang alagang gluta dahil sobrang puti niya. Mahihiya ang sino man kung ikokompara si Snow White sa kaputian niya. At ang gara ng dating, ah? Asensadong asensado! Hindi man lang nag hirap ang hudyo! Samantalang ako, sinarili ko ang kapalit na hirap sa pansamantalang sarap na pinag saluhan namin! Hudyo talaga!
"Sheena..." muling tawag niya sa akin, nakangiti pa rin.
"Oh?"
"Namiss kita," pasweet niyang sabi
BINABASA MO ANG
Mommy at Eighteen (COMPLETED)
CasualeSheena Montemayor got pregnant at the very young age. Perks of being a Montemayor, she received the hardest and the most painful punishment from a parents a daughter could ever receive. As a 15-year old girl who got pregnant, she face alone the res...