Mommy at Eighteen
By: JlessbiiiiimPaalala: Hindi perpekto ang kwentong inyong mababasa. Nagtataglay ito ng sandamak-mak na typographical at grammatical error. Kung ang hanap n'yo ay perpektong akda, paumanhin ngunit hindi n'yo iyon mahahanap sa kwentong ito. Maraming kamsahamnida.
"Ate, I'm done. Can you check my work?" aniya at nilapit sa akin ang laptop niya.
Binasa ko naman ang ginawa niya. Ayos naman, sinunod niya lahat ng guidelines pati mga sinabi ko.
I smiled "Okay na 'to,"
"Talaga po?" masayang tanong niya
"Yes. So, let's proceed to your math?"
Tinanguan niya lang ako.
Ilang buwan ko na rin tinuturoan si Kai, at sa math talaga siya pinaka nahihirapan. Mabuti na lang at favorite subject ko ang math.
Nilabas niya ang libro sa math pati mga notes niya. Sinabi niya sa akin kung saan siya pinaka nahihirapan. Pinag aralan ko muna ang topic na hirap siya, at nang makuha ko na, saka ko naman tinuro sa kanya. Medyo hirap siyang intindihin ang paliwanag ko. Nagbigay pa ako ng mga sample problems para mas mapadali ang pag intindi niya. Hindi naman nagtagal nakuha niya rin sa wakas. Ang lawak pa ng ngiti niya ng maintindihan niya ang topic. May quiz raw kasi sila bukas sa math, at worried siya na baka bumagsak siya kasi mahina siya sa math. Sinabihan ko naman siya na kaya niya 'yun, wala namang questions sa quiz na hindi natin alam ang sagot, hindi lang talaga tayo sure kung tama ba ang naisip nating sagot.
Binigyan ko pa siya ng iba pang problems na esosolve niya ng sa gano'n mas maintindihan pa niya ang topic. Nagbabasa basa ako ng tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito at tinignan ang caller. Si Aling Ester.
"Hello po, aling Ester," bati ko ng itapat ang telepono sa tenga.
"Sheena, nasa ospital kami ngayon. Sinugod namin si Zaiah, dumudugo ang ilong niya kanina at inaapoy ng lagnat,"
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Napatayo pa ako ng marinig ang balita tungkol sa anak ko.
"Ho? Ano... k-kumusta na siya? Natignan na ba siya ng doktor?" nag aalalang tanong ko, kinakabahan.
"Oo, nasa emergency room pa siya ngayon," sagot ni aling Ester sa kabilang linya, tila humahangos pa.
"Sigi po, pupunta na ho ako agad diyan," tapos binaba ko na ang tawag.
"What's the matter, ate Sheena," tanong ni Kai
"It's an emergency. I have to go," sambit ko saka dali daling kinuha ang mga gamit ko at basta basta na lang pinasok sa bag ko.
Madali akong lumabas ng pinto ngunit bago ako tuluyang makalabas, napatigil ako ng may humawak sa kamay ko. Lumingon ako at nakitang si Kenzie pala iyon.
"Sorry, sir Kenzie, but I have to go, Zaiah needs me," nakikiusap kong sambit
Biglang naging malumanay ang mukha niya "I'll drive you,"
"Hindi na, kaya ko na," tangi ko pa
"I insist, isa pa, you don't look fine. Ihahatid na kita. Let's go," at hinila niya ako pababa hangang sa makapasok kami sa kotse niya at pinaharorot sa daan.
Walang pinag bago ang tibok ng puso ko, mabilis pa rin ito dahil sa nararamdaman kong kaba. Iniwan ko si Zaiah kanina na may sakit, natatakot akong baka lumala pala ang lagnat niya. Huwag naman sana, panginoon ko. Maawa ho kayo sa anak ko.
BINABASA MO ANG
Mommy at Eighteen (COMPLETED)
RandomSheena Montemayor got pregnant at the very young age. Perks of being a Montemayor, she received the hardest and the most painful punishment from a parents a daughter could ever receive. As a 15-year old girl who got pregnant, she face alone the res...