TWENTY EIGHT

1.2K 39 4
                                    

Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim



Bigla akong nakaramdam ng inis nang makita siya. Tsk! Kanina ay hindi niya ako kinibo, tapos ngayon ay tuwang-tuwa siya kasama ang mga pinsan ko.

"I'll just go upstairs," nawawalan nang ganang sambit ko, ang paningin ay na kay Kenzie na tumatawa pa rin.

"Okay. Isama mo si Zaiah. May pag-uusapan lang kami," sagot ni daddy.

Tumango ako "Baby, let's go," pagtawag ko kay Zaiah. Patakbo naman itong lumapit sa akin habang bitbit ang kanyang unicorn na stuff toy.

Diri-diritso kaming umakyat sa taas. Naiinis pa rin ako kay Kenzie. Ni hindi man lang niya ako nilapitan kanina sa sala gayong ang lapit lapit lang nila. Nakakabwisit ang biglaang hindi niya pamamansin tapos makikita ko na lang na tumatawa kasama ang mga pinsan ko.

Ano, galit na siya dahil hindi niya nakuha ang sagot na hinahanap niya kanina? Attitude, ha!

"Mimi, I want watermelon," ang laki ng ngiti ni Zaiah, ang ganitong ngiti niya ay naglalambing siya.

Napasimangot ako "Baby, bakit ngayon mo lang sinabi? Bababa na naman ulit tayo?"

"Please, Mimi," malambing niyang pakiusap.

Mahina kong kinurot ang pisngi niya "How can I say no to my baby?" sabi ko at kiniliti siya sa tagiliran dahilan para mapahagikgik siya. "Let's go down."

Bumalik kami sa baba at dumiritso sa kitchen. Nadaanan pa namin ang sala kung saan sila nag-uusap.

Hmm? Nandoon silang lahat maliban sa akin? Ano kayang pinag-uusapan nila?

Kinuha ko 'yong kalahati nang pakwan sa loob ng ref at nag-slice doon. Habang si Zaiah ay parang hindi na makapaghintay na nakaupo at nanunuod sa aking ginagawa. Paborito niya talaga ito. Triangle ang pagkahiwa ko niyon at tinanggal ang makapal nitong balat ngunit nag tira ako ng balat sa gitna upang may mahawakan si Zaiah kapag kakain siya. Matapos ay bumalik ulit kami sa kwarto at hindi pinansin ang pag-uusap nila sa sala. Mukhang hindi naman kasi ako kasali sa pag-uusap nila.

Nang makapasok sa kwarto ay ini-lock ko ang pinto, naiinis ako kay Kenzie at ayaw kong makita siya rito sa loob.

"Sa terrace na tayo kumain, baby," sabi ko at saka dinala siya sa terrace. May upuan sa gilid ng pinto ng terrace at doon kami kumain.

"Mmm," usal pa ng anak ko habang enjoy na enjoy sa pagkain ng pakwan.

"Don't let the water spill on your shirt, baby,"

Napalingon ako sa loob nang may kumatok sa pinto. I bet it's Kenzie, he can't come in because I lock the door.

"Who's knocking, Mimi?" tanong ni Zaiah kahit puno ang bibig.

"Your dada," buntong-hininga ko

"Why is he knocking?" inosenting dagdag ng anak ko

Tinignan ko ang anak ko, inosente ang kanyang mukhang nakatingin rin sa akin. Napatingin muli ako sa pinto nang kumatok na naman ulit si Kenzie.

"Just finish your watermelon, baby," nginitian ko siya saka iniwan sa terrace at pumasok sa loob para pagbuksan si Kenzie.

Nang mabuksan ang pinto ay bumungad sa akin ang nakakunot nang noo ni Kenzie.

"Why did you lock the door?" kaswal niyang tanong pero hindi ko siya sinagot, bagkus nagtungo ako sa terrace.

"Is it dada, Mimi?" tanong ng anak ko, tinangoan ko lang siya.

Mommy at Eighteen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon