FIFTY-FIVE

1K 21 2
                                    

Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim

(Warning: Jejeness chapter ahead 😅)

Martes ng umaga, abala ako sa pag-aayos ng mga gamit sa aking opisina. Yes, inuukopa ko na ang office ko. Inuunti-unti ng tinu-turn ni Kuya Sic sa akin ang lahat mga documents na kailangan trabahoin. Pero hindi ibig sabihin na ako na 'yong talagang mamamahala sa buong school at magpapatakbo nito. Kumbaga, dahan-dahan akong tinuturoan ni Kuya Sic ng mga gagawin. Siya pa rin talaga ang magpapatakbo.

Napatigil ako sa pag-aayos ng files nang marinig ang katok mula sa pinto.

"Come in," pormal kong sinabi.

Bumukas ang pinto at pumasok si Dean.

"Good morning, Dean," magalang ngunit wala na iyong formality sa boses ko. Hindi ko naman kailangan masyadong maging pormal sa Dean kasi kung tutuosin, mas mataas pa rin ang antas niya keysa sa akin.

"Good morning, miss Montemayor."

Kung ako ay magalang sa kaniya at less formal, siya naman ay ang napakapormal makipag-usapan sa akin at mahihimigan din ang paggalang. Dahilan para mailang ako.

"Everyone has assembled in the gym," said the Dean.

Tumango ako. "Okay, Dean. Thank you po. Susunod na lang po ako sa inyo. Tataposin ko lang itong ginagawa ko."

Tinangoan lang ako ng daan saka siya lumabas ng office ko. Minadali ko naman ang pag-aayos ng mga files sa cabinet at lumabas na rin.

Habang naglalakad ay may mangilan-ngilan pa ring mga estudyante akong nakikita na nasa tabi-tabi lang. Ang iba, kapag nakikita ko ay biglang yuyuko at biglang bibilis ang lakad papunta sa gym. Ang iba ay babatiin ako ngunit may iba naman na wala lang.

I thought everyone has assembled?

Kinuha ko 'yong cellphone ko sa bulsa ng coat ko and dialed mom's number. Pupunta kasi sila ngayon dito. And I wonder kung nandito na sila, although, alam kong ayaw ni Mommy at Daddy na nale-late sa isang event na pupuntahan nila.

Ilang rings lang ay sinagot na agad ni Mommy.

"Hey, Mom. Nasa gym na kayo?"

"Yes, we're here already. Nasaan ka na? I thought magsisimula ang program by 9 a.m?" I can imagine Mom's face while saying those words over the phone, nakataas ang isang kilay niya at sobrang nakaka-intimidate. Ayaw niya kasing nade-delay ang isang event. She's very much particular sa time.

"Sorry, Mommy. Ayaw ko kasing may naiiwang gawain sa opisina ko. "

"Well, huwag mo nang paghintayin pa ng matagal ang mga students. May mga klase pa sila."

"Actually, Mommy, I cancelled all classes today."

" What? So anong matututunan ng mga estudyante sa paaralan mo kung isang event lang sa umaga ay suspended agad ang klase nila?"

Bahagya akong natawa sa reaksyon ni Mommy.

"Mom, it's okay. I asked the professors naman to give them activities para sa araw na ito."

" You know what? You're spoiling your students.

"Because I am also a student of my school. I also want to spoil myself," nakangisi kong sinabi.

Ito ang maganda sa pagiging may-ari ng eskwelahang pinapasokan mo. Kung trip mong e-cancel ang lahat ng klase, pwedeng-pwede. Pero syempre, dapat reasonable ka.

Mommy at Eighteen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon