SIXTY-FOUR

819 16 1
                                    

Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim

"AALIS ka, baby?"

Tumigil ako sa akmang pagbubukas ng main door nang marinig ko ang boses ni Daddy. Awtomatiko akong napatingin kay Daddy. Nagpupunas siya ng pawis habang naglalakad papunta sa gawi ko. Tila katatapos niya lang mag-exercise dahil basang-basa ng pawis ang kaniyang damit at nanggaling pa siya sa kwarto kung saan ang gym.

Tinangoan ko si Daddy. "May pupuntahan lang po kami ni Tita Kathie," magalang kong sagot kay Daddy.

"Is it about Kenzie's birthday?"

"Yes, Daddy."

"Okay. Are you gonna drive yourself?" tanong pa ni Daddy na sinagot ko lang ng tango. "Mag-ingat sa pagda-drive." Tango lang din ang aking sinagot sa bilin ni Daddy saka nagpaalam na aalis na.

Actually, I don't have any idea kung saan kami pupunta ni Tita. Sinabi niya lang na may pupuntahan kami, pero hindi niya sinabi kung tungkol ba ito sa birthday ni Kenzie. Apparently, I lied to Daddy earlier when he asked me if it is about Kenzie's birthday and I said yes.

I'm on my way when I receive a call from Tita Kathie.

"Hi, Tita," bati ko kay Tita nang sagotin ko ang tawag.

"Hi, Deary. Are you on your way?" tanong ni Tita.

"Yes po, but... saan ko po talaga kayo kikitain?" I forgot she never mentioned where I should meet her.

"Oh, I'm sorry, Dearest, I forgot to tell you. Nasa bahay lang ako, punta ka dito. Magba-bonding tayo!" I can hear excitement in her voice.

"Po? Sa bahay n'yo?"

"Yes. I'll wait for you. Bye!" The next thing I heard is the toot sound.

Napakamot na lang ako sa ulo ko saka mas binilisan pa ang pagmamaneho. Itong Mommy ni Kenzie parang katulad niya, nahihilig sa late information.

After few minutes, ipinark ko ang sasakyan sa labas ng gate ng bahay nina Tita Kathie. Napakunot-noo pa akong tumingin sa kanilang mansyon. Ano naman kaya ang gagawin naming bonding ni Tita sa bahay nila?

"Ay, Ma'am. Good morning po!" binati ako ng guard nang makita niya ako at kaagad na binuksan ang gate. "Pasok po kayo. Naghihintay na po sa loob si Madam Kathie."

"Salamat po."

Iginiya ako ng guard papunta sa main door ng mansyon. May isang maid naman ang lumapit sa akin at siya ang nagbukas ng main door para sa akin. Pagpasok ko naman ay may isa pang maid ang lumapit sa akin at binati ako.

"Ma'am, doon po tayo." Naunang maglakad ang maid samantalang nakasunod lang ako sa kaniya.

Hindi ko naman maiwasang mapatingin sa loob ng mansyon nina Kenzie at mapahanga. Ilang beses na akong nakapunta rito at hindi pa rin maubos-ubos ang aking paghanga sa ganda ng interior ng bahay. Makikita ang pagiging moderno ng mansyon ngunit may makikita kang gamit na maypagka-classic. Ang sahig naman ay gawa sa marbles, sa living area ay may napakalaking chandelier sa gitna. May apat na palapag ang kanilang bahay at sa pangalawang palapag pa lang ako umabot. May iba't ibang magagadang collection din ng painting ang nakadikit sa dingding. Kung ikukumpara ko ang mansyon na aking tinitirhan ay masasabi kong mas malaki iyon keysa rito. Ngunit kung ang interior ang pagbabasehan? Mas gusto ko ang interior ng bahay nila. Siguro dahil do'n ako lumaki, nasanay na ako sa lahat ng nakikita ko sa loob ng mansyon namin.

Sa kitchen ako dinala ng maid, at doon ko naabotan si Tita Kathie, nakasuot siya ng kulay pula na apron, nakatali ang kaniyang buhok at may suot na hairnet. Nang makita niya ako ay ganoon na lamang kalaki ang ngiting sumilay sa kaniyang labi. Ang ngiting iyon ni Tita sa tuwing magkikita kami ay nagpapagaan ng loob ko, pakiramdam ko kasi ay tanggap na tanggap nila ako bilang girlfriend ng kanilang anak, kahit pa may anak na ako.

Mommy at Eighteen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon