Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim"LET'S make what our daughter asked," pabulong niyang sambit, at hindi nakatakas sa akin ang nang-aakit niyang boses.
Tumingin ako sa kaniya. Ang lawak ng ngisi niya.
Absentmindedly, I gulped. And in no time, I can feel that my cheeks are burning red.
Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa ganoong posisyon. Nagising lang ako sa realidad nang may lamok na biglang dumapo sa ilang ko dahilan para makiliti ako at mabasag ang nakakalokong sandaling iyon.
Kinusot ko ang ilong ko saka lumayo sa kaniya upang tumayo. Nilibot ko pa ang paningin ko sa taas, tinitignan kung may lamok pa bang gumagala.
Paano nakapasok ang lamok dito sa loob? Gayonpaman, parang kailangan ko ring pasalamatan ang lamok na iyon dahil kung hindi siya dumapo sa ilong ko ay marahil nasa ganoon pa rin kaming sitwasyon.
"Bakit may lamok sa loob?" mahinang tanong ko.
Narinig kong matunog na ngumiti si Kenzie at bumalik sa pagkakasandal sa headboard.
"Mosquito, huh?"
"Ha? Meron naman talaga. Dumapo pa nga sa ilong ko."
"Really? Bakit hindi ko nakita?"
He's teasing me with his expression and voice.
"Ewan ko sa 'yo."
"O baka naman umiiwa-"
Before he could even finish his last word, I cut him off.
"I'm tired. Let's get some sleep," kaswal ko iyong sinabi ngunit sa kaloob-looban ko ay halos sumigaw na ako sa hiya. Humikab pa ako para kapanipaniwala ang sinabi ko na inaantok na ako.
Nilapitan ko siya at mabilis na hinalikan sa pisngi sabay sinabing, "Goodnight. Love ya," saka mabilis na lumabas ng kaniyang kwarto at dumiritso sa kwarto ko.
Mabilis kong isinara ang pinto ng kwarto ko nang makapasok ako, napasandal pa ako sa pinto habang pinapakiramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso ko at ang pangangatog ng mg tuhod ko. Umuwang ang mga labi ko upang mas malayang makahinga ng maayos. Pakiramdam ko galing pa akong baba sa bilis ng paghinga ko.
Diyos ko po. Ano ba ang lalaking 'yon.
Siniguro kong naka-lock ang pinto bago ako humiga sa kama.
Nakatingin ako sa ilaw sa gitna na ngayon ay patay na nang biglang pumasok sa isip ko ang nangyari kanina, pero ang totoo ay hindi nawala sa isip ko ang nangyari kanina. Naisip ko sa sandaling ito, paano nga kung mas lumalim 'yong titigan namin? Paano kung hindi dumapo ang lamok sa ilong ko? Siguro may nangyari na sa amin. We've done it before, pero hindi ibig sabihin gusto ko na may mangyari ulit sa amin.
I know I had Zaiah much early. I had regrets, of course. Kasi kung ginamit ko lang ang utak ko noon, hindi sana ako mabubuntis ng maaga, hindi ako mawawalay sa buhay na kinalakihan ko, hindi ako kakayod para sa sarili ko at sa bata sa sinapupunan ko noon, at hindi ako itatakwil ng mga magulang ko. But all of my regrets vanished instantly the moment I first heard my daughter cried out loud when she was born into this world. Lahat 'yon napalitan ng purong tuwa. Noon ko na-realize, everything happens for a reason. Kung ginamit ko lang ang isip ko noon at naging mabuting anak na inaasahan ng mga magulang ko, darating kaya si Zaiah sa buhay ko? Marahil ay wala akong Zaiah sa buhay ko ngayon.
Binago ako ng pagdating ni Zaiah. At ang buhayin siya at palakihin ay ang pinakamagandang nagawa ko sa buong buhay ko. You see, not everything bad happens in our lives are always a bad things. Sometimes, it happened to teach us lessons. Iniwan ako ni Joros at itinakwil ako ng pamilya ko nang malaman nilang nabuntis ako, pero naging daan iyon upang matuto akong magsikap, paghirapan ang mga bagay na gusto, naranasan ko ang hirap ng buhay, at higit sa lahat natuto akong kalimotan ang sarili kong needs upang tustosan ang needs ng anak ko.
BINABASA MO ANG
Mommy at Eighteen (COMPLETED)
RandomSheena Montemayor got pregnant at the very young age. Perks of being a Montemayor, she received the hardest and the most painful punishment from a parents a daughter could ever receive. As a 15-year old girl who got pregnant, she face alone the res...