SIXTY-ONE

740 10 0
                                    

Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim

SORRY! SCAM 'YONG UPDATE NO'NG NAKARAAN 😅😅😅

"Oh? Bakit ganiyan ang itsura mo?" nagtatakang salubongin sa akin ni Kenzie nang makalabas ako ng gate at makalapit sa kaniya. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Ngunit mas lalo yatang nangunot ang noo niya nang hindi pa rin nagbabago ang reaksyon ko.

"Sheeeeee! Sandali!"

Bago pa man ako makasagot, nangibabaw na ang napakalakas na boses ni Alice. Nilingon ko siya na noon ay tumatakbo papunta sa amin, nakita kong bitbit niya 'yong bag ko.

"Shee, nakalimotan mo 'yong bag mo." 

"Ah. Oo."

Dahil sa inis ko kay Paula, nakalimotan ko tuloy ang bag ko.

Kinuha ko ito mula sa kaniya nang inabot niya sa akin.

"Oy, hi, Engr. Chiu!" masiglang bati ni Alice kay Kenzie. "Naiwan niya 'yong bag niya sa SocHall, buti na lang hindi pa kayo nakaka-alis. Alam mo, Shee, umalis na rin ako do'n, nabwesit ako sa mukha talaga ng babaeng 'yon, eh," animo'y chikadorang aniya.

"Why? Ano bang nangyari sa loob?" tanong ni Kenzie.

"Wala. Tara na, " maagap kong sagot bago pa man makasagot si Alice.

"Wait lang," pigil ni Kenzie sa akin. "Lumalabas lang ang ganiyang itsura mo kapag nabubwesit ka. Tell me? Sinong nang-away sa mahal ko?" tanong niya na parang reresbakan niya 'yong sino mang umaway sa akin.

"Wala nga kasi. Tara na. Ice cream na lang tayo. Bye, Alice." Nauna na akong maglakad sa kaniya papunta sa kotse. Pagbukas ko sa pinto ng passenger, napansin ko agad ang aking anak sa backseat, natutulog ng mahimbing.

"Mukhang napagod yata siya sa school niya," biglang sambit ni Kenzie sa aking likoran.

Napangiti ako saka sumampa sa upoan. Si Kenzie ang nagsara bago siya pumasok sa driver's seat. Nilingon ko muna si Zaiah saka humarap sa daan.

"She's really enjoying pre-school," sambit ko.

"Yeah. And according to her teacher, she's excelling. Mabilis daw siyang matuto at talagang nakikinig sa teacher."

"That's nice. I'm happy for her."

"Yeah. Me, too."

Mayamaya pa'y hininto ni Kenzie ang sasakyan sa tapat ng isang ice cream parlor. Nauna siyang bumaba samantalang hindi na ako naghintay na pagbuksan niya. Binuksan ko naman ang pinto sa likod at mahinang ginising si Zaiah.

"Baby? Baby, wake up." Hindi naman mahirap gisingin ang anak ko dahil agad siyang nagigising.

Kinusot-kusot pa niya ang mga mata saka humikab.

"Where are we going?" tanong niya nang mapansing nasa ibang lugar kami.

"We're gonna eat ice cream," sagot ko na naging dahilan upang unti-unting magliwanang ang kaniyang mukha. Nginitian ko siya. Inayos ko muna ang buhok at itsura niya bago kami pumasok sa ice cream parlor.

"What flavor do you want?" Kenzie asked Zaiah.

"Chocolate!" masigla naming sumagot ang anak ko.

"Chocolate it is," masiglang aniya rin kay Zaiah. "How about my Mhie?" sa akin naman bumaling si Kenzie.

Hindi agad ako nakasagot dahil ang pandinig ko ay sinakop ng huling linyang kaniyang sinambit.

My Mhie?

Mommy at Eighteen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon