SIXTY-FIVE

749 20 0
                                    

Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim

"MISS SHEENA, kami na lang ho rito. Nakakahiya naman po sa inyo, trabaho po namin 'to, eh," kakamot-kamot sa batok, nahihiyang sabi sa akin ni Mang Emil, ang hardenero ni Mommy.

Tila hindi na natiis ni Mang Emil na patigilin ako sa pagtulong sa kanila sa pagbubunot ng mga maliliit na damo sa garden. Napapansin kong kanina pa sila nagtutulakan ng mga kasama niya upang patigilin na ako, ngunit nahihiya lang sila. Ngayon ay talagang hindi na nakatiis si Mang Emil.

Inangat ko ang aking paningin upang tignan ang nakatayo sa aking harapan na si Mang Emil. "Okay lang naman po, Mang Emil. Saka naboboryo na ako, wala akong ibang magawa. Hindi ko naman pwedeng kulitin ang anak ko kasi may Music Lesson siya, magagalit ang teacher niya. Pagpasensyahan n'yo na ho ako, ha," nakangiti kong sinabi.

Muling napakamot si Mang Emil sa kaniyang batok sabay tingin sa kaniyang mga kasamahan na tila gustong-gusto na rin akong paalisin sa garden para makapagtrabaho sila ng maayos. Palihim naman akong napanguso, mukhang hindi sila komportable na nandito ako.

"Kung gano'n ay bibigyan kita ng gawain."

Nawala ang ngiti sa aking labi habang kausap ko si Mang Emil nang marinig ko ang boses ng isa sa aking mga Kuya. Hindi ko agad siya nakita sapagkat nasa harap ko si Mang Emil, ngunit nang lumingon si Mang Emil at agad na gumilid. Noon ko nakita si Kuya Sam na agaw atensyon dahil bagay na bagay sa kaniya ang standard business attire niya ngayon. 

"Kuya Sam." Tinanggal ko ang gloves sa mga kamay ko at inilagay ito sa tabi para salubongin siya. "Wala kang trabaho?" 

"Meron. Maraming kaso ang naghihintay sa akin, but this case..." huminto sa pagsasalita si Kuya Sam saka inabot sa akin ang kanina'y hawak niyang maliit na sobre, "cannot wait."

May pagtataka ko iyong kinuha saka binuksan ang sobre. "Ano 'to, Kuya?" tanong ko habang binubuksan ito. Ngunit nang mabuksan ko ito at nakita ang laman ng sobre, gano'n na lamang ang panlalaki ng aking mga mata na tumingin kay Kuya. 

"I know how much you've missed him. Saka pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit nami-miss mo siya ngayon," natawa si Kuya, "because I gave him a project sa malayong lugar. So, pack your things and don't worry about Zaiah, I got her. Just enjoy the weekend with him," nakangiti pang sabi ni Kuya.

Nakakatunaw ng puso ang ginagawa ngayon ni Kuya. I really appreciate it. Kaya naman napayakap ako sa kaniya sabay sinabing, "Thank you, Kuya. Love you."

"I love you, too, Baby. Now go, bago pa magbago ang isip ko," pabirong aniya na ikinatawa ko rin.

"Thank you ulit, Kuya," sambit ko ulit bago patakbong pumasok sa loob ng bahay. 

Pakiramdam ko bigla akong nabuhayan. Lahat yata ng cells ko ay naging active bigla. Na-eexcite ako hindi lang dahil magkikita na kami ni Kenzie, pati na rin makakapunta na ako ng Bohol. I've been in Bohol when I was 10, I guess. Pero naalala kong hindi man lang ako nagkaroon ng chance para ma-enjoy ang Carmen, Bohol kasi nagpunta lang kami ro'n dahil invited kami sa wedding ng kaibigan ni Daddy, little bride ako no'n actually. Pero kinabukasan bumalik din kami agad ng Laguna kasi may importanteng meeting si Mommy na hindi dapat ipagpaliban. 

Ngayon babalik ako ng Bohol nang 18 years old na ako, walang kasama kundi mag-isang babyahe at hindi business o kung ano mang event ang pupuntahan kundi 2 day trip! At sobrang excited na excited ako.

Ngunit habang nagpa-pack ng gamit, napahinto ako nang maalala na baka hindi pa alam nina Mommy na ini-sponsor ako ni Kuya Sam ng 2 day trip sa Bohol. But turns out, I don't need to ask permission or inform them because Mommy and Daddy sponsored all our expenses. Yes! Wala kaming babayaran ni Kenzie while nasa Bohol kami. Mas lalo tuloy akong nae-excite pero medyo kinakabahan din.

Mommy at Eighteen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon