TWENTY SIX

1.4K 32 0
                                    

Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim

Nakatayo lang ako sa ilalim ng shower at hinayaan na dumaloy ang tubig sa aking katawan. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong sa ilalim ng shower, nakatayo, nakapako ang paningin sa pader at naglalayag ang isip. Ang sarap sa pakiramdam na patuloy ang pagdaloy ng tubig sa aking katawan, nakaka-relax.

Ang totoo ay hindi mawala sa isip ko ang halikan namin ni Kenzie sa terrace kanina. Hindi ko makalma ang puso ko, kaya naisip kong magbabad sa shower. Baka sakaling ma-refresh ang utak ko.

Hindi na ako nagtagal pa sa shower room. Tinapos ko na ang pagligo ko at sa banyo na rin nag bihis ng pantulog. Paglabas ko ay naabutan ko si Kenzie, tulog na tulog na at katabi si Zaiah. Napangiti na lang ako habang tinitignan sila. What a lovely sight. Nakaunan si Zaiah sa balikat ni Kenzie habang magkayapak silang dalawa. Ang sarap nilang tignan.

Nilapitan ko ang kama nila, inayos ko ang kumot hangang sa balikat lang ni Zaiah dahil kung hanggang balikat ni Kenzie ay matatabunan si Zaiah. Marahan akong lumapit kay Zaiah para bigyan siya ng goodnight kiss.

"Ayabyo, baby," bulong ko sa may tenga niya.

Napatingin ako kay Kenzie. Ilang beses ko nang natitigan ang mukha niya. Pero ito ang unang beses na natitigan ko siya nang tulog. Ang tangos tangos ng ilong niya, ang ganda ganda ng mga mata niya. Kung may isang parte ng mukha ni Kenzie ang paborito ko at gustong titigan, ang mga mata niya iyon. Kasi gustong gusto ko 'yong pagiging sincere at malumanay ng tingin niya. Hindi lang sa boses niya malalaman na sincere, pwedeng dayain ang pagiging sincere ng boses pero hindi ang mga mata. Dahil ang mga mata ay hindi nagsisinungaling.

Dahan-dahan akong lumapit kay Kenzie at binigyan siya ng halik sa noo niya sabay bulong ng "Thank you, Kenzie."

Sa ngayon ay hindi ko pa kayang sabihin sa kanya ang tunay kong nararamdaman. Pero gusto kong malaman niya na thankful ako dahil dumating siya sa buhay ko, sa buhay namin ng anak ko. Na kahit hindi niya tunay na anak si Zaiah, he treat my daughter as his own. Na kahit wala akong lakas ng loob na umamin ay nananatili pa rin siya sa tabi ko.

Patagilid akong nahiga sa kama paharap sa gawi nila Kenzie. Saka ipinikit ang mga mata at nakatulog.

-

"Ahhhhh!"

Nagsisigawan kami ng mga pinsan ko nang makarating kami sa beach. Hindi na ako nagulat pa nang makitang ang ganda ganda ng lugar. Wala yatang lugar sa South Korea na hindi maganda. Lahat ay nakakamangha sa ganda.

"Hahahahaha!" pinagtawanan namin si Aegyo nang matumba siya buhat ng malaking alon na sinalubong namin.

Kararating lang namin at heto, nagtatampisaw na kaagad kami sa dagat. Ang pamilya namin ay busy sa paghahanda ng mga gamit sa pagluluto ng pagkain.

"Here comes the big one!" sigaw ni Yeupo, ang tinutukoy ay ang papalapit na alon.

"Ahhhh!" sabay kaming napasigaw nang hampasin kami ng alon at napapalubog sa ilalim. Nang umahon ay nagtatawanan kami.

Nagpatuloy kami sa paglalaro sa alon. Para kaming bata sa ginagawa namin. Pero ang saya gawin no'n. Nang mapagod ay saka lang kami bumalik sa cottage namin. Malaki ang cottage, may katamtamang haba ng mesa, mahaba rin ang upuan. May parang lalagyan pa ng bag sa taas.

"Sheena, anak. Ano ka ba naman? Huwag kang puro laro, nakalimutan mo na bang may anak ka? Kita mo't si Kenzie ang nag-aalaga sa anak mo. Hindi pa nga kayo kasal, e inaasa mo na sa kanya ang pag-aalaga kay Zaiah," sermon ni mommy sa akin.

Nahihiya naman akong nagkamot ng ulo "Mommy, naman," bakit dito pa niya ako sinermonan? Sa harap ng pamilya namin at ni Kenzie. Pinagtatawanan tuloy nila ako.

Mommy at Eighteen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon