TWENTY ONE

2.1K 30 7
                                    

Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim


Hangang sa makarating kami sa bahay, hindi ko pa rin kinikibo si Kenzie. Trip ko lang, eh!

"Oh, they're here! Great!" excited na sigaw ni mommy. Nakakunot ang noo kong sinundan namin siya papasok ng sala. Anong meron? Bakit lahat sila nasa sala?

"Mabuti at nandito na kayo. Kenzie, stay here muna," Ani daddy, mukhang excited rin. Ano bang meron bakit parang excited sila?

"Okay, what's happening? Bakit excited kayong lahat?" malapit na akong ma-inis.

"Maupo muna kayo," tinuro ni mommy ang couch, nang makaupo kami huminga pa siya nang malalim bago nag salita "Since vacation na, naisip namin na mag bakasyon tayo kasama ka, Kenzie, hijo, ha. Kasi itong vacation na ito ay special dahil kasama na ulit namin ang aming nalaway na prinsesa at ang isa pa naming prinsesa na si Zaiah. Magandang pagkakataon ito para mag pahinga naman. Super stress kami lately kaya naisip namin ng daddy ninyo na mag unwind muna. What do you think?" Mommy asked me with a wide smile on her face.

Vacation?

"Guys, that's a lovely idea!" tuloy ako ay excited na rin at kulang na lang mag tatalon sa tuwa. "Saan tayo pupunta?"

"South Korea," kaswal na saad ni mommy

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat. Korea? South Korea? Oh my God! Dati ko pa 'yang sinasabi kay mommy at daddy na mag bakasyon sa Korea pero dahil busy sila kaya hindi ako napag bibigyan.

"What?! Korea?!" napatayo ako "Kailan ang alis natin? Ngayon na ba? Wait, hindi ako ready! Anong isusuot ko? Hindi pa ako nakakapag impake! Snow ba ngayon sa Korea-ay hindi pa pala! Summer pa pala, pero kahit summer sa kanila malamig pa rin, eh. Wait, 'yung bucket list ko hindi ko pa nagagawa!" nagiging hysterical na ako.

Grabe, super duper mega ultra excited ako! Hindi ako makapaniwala, talagang pupunta kami ng Korea? 'Yung dream land ko?

"Sheena, Sheena, calm down," pigil sa akin ni kuya Sic na hinawakan pa ang dalawang balikat ko at bahagyang inalog. "Kumalma ka nga!" natatawang dagdag niya

Lumapit ako kay mommy "Kailan ang alis natin, mommy?" hindi makapaghintay na tanong ko

Mommy chuckled "Tommorow, anak. Now, go and pack your things and Zaiah's,"

Walang lingon lingon akong tumakbo paakyat sa kwarto ko. Grabe, grabe, grabe, dizzzz izzzz itttttt. KOREA! HERE I COME!

Wala akong sinayang na oras, nilabas ko agad ang travel bag ko, mga damit at lahat ng  kailangan dalhin na gamit.

Bumaba ako pagkatapos kong ayusin rin ang dadalhin ni Zaiah. Napansin kong wala na si Kenzie. Baka umuwi na.

While eating our dinner. Napag usapan namin kung anong mga magagandang lugar na pwedeng puntahan sa Korea. Nag research ako about do'n, heheh. Grabe lang, excited talaga ako. Ni hindi na nga ako halos makatulog kinagabihan dahil sa sobrang excitement. Iniisip ko kung saan kami pupunta at kung gaano kasaya ang trip na 'to.

-

"Okay, everything is set. Let's go," nakangising sabi ni mommy sa amin.

Papunta na kami sa airport. Mamayang 3 pm ang flight namin.

YEY! After 3 years, first trip with my family. Kinakabahan ako at the same time super excited.

Few Hours later....

"HELLO SEOUL, SOUTH KOREA!"

Kulang na lang halikan ko ang lupang inaapakan ko ngayon. Wow! I am breathing the air of Korea. I am standing on the ground of Korea. I am in Korea!!!! Shit, this is the coolest! Hindi ako makapaniwalang nasa dreamland ko na kami ngayon.

Mommy at Eighteen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon