Chapter 49: Sleepover

1.1K 22 0
                                    

|POPPY'S POV|

"Neil ano ba!" Sinubukan kang lapitan si Chunji ngunit pinigilan ako ni Neil at pinahawak kay Changjo na ngayon ay seryoso din ang mukha. Nagpumiglas ako at sinubukang makawala sa mahigpit nyang hawak ngunit bigo akong gawin yon.

"Ano 'to huh! Tangina Chunji dalawang linggo lang tayong hindi nagkita tapos ngayon sosorpresahin nyo kami!"

"Sasabihin naman namin sa inyo-"

"Gago anong akala mo papayag akong shotain mo ang pinsan ko!" Hindi nakasagot si Chunji at kinuyom nya lang ang kanyang kamao. Pansin ko rin ang pagnginig ng buong katawan nya dahil sa galit. Hindi ko inaakalang magiging ganito ang relasyon namin, pati mismong kaibigan at pinsan ko ay tutol sa amin. Is it wrong to love him?

"This is shit!" Tinignan ako ni Neil ng my galit sa mata at binaling ang tingin kay Chunji na ngayon ay nakatitig sa akin. Ngayon ko lang silang nakitang ganito. Puno ng lungkot at galit ang mata nila at hindi ko alam kung bakit sila ganito maka react. Ako ang nagmamahal dito at ako ang pipili sa taong gusto kong makarelasyon, bakit hindi na lang sila maging masaya para sa amin? Hindi ko inaasahang makikita ko ang ganitong side ng pagkatao nila, puro katuwaan at biruan lang noon a' bakit kailangang mangyari ito?

"Mas mabuti siguro kong pag usapan natin ito sa loob, let's go" Mariin na sabi ni Cap at kinaladkad ako ni Neil papasok sa loob. Pinigilan ko sya at tinignan si Chunji na ngayon ay nakatitig parin sa akin. Lalapitan ko na sana sya ngunit mabilis nya akong hinila bago pa man ako makalapit sa kanya. Napayuko ako at huminga ng malalim para kalamahin ang sarili ko.

Umupo sila sa mahabang sofa habang ako ay hinihintay na pumasok si Chunji, nang sa wakas ay pumasok na sya ay linapitan ko sya at hinawakan ang kamao nyang nanginginig para pakalmahin. Nginitian nya lang ako at hinaplos ang buhok ko bago umupo sa tabi ni Ljoe.

"Sit here Poppy" Kinakabahan man ay umupo ako sa tabi ni Neil na hanggang ngayo ay bakas parin ang galit sa mukha nya. Naiintidihan ko kung bakit ganito na lang ang pagkulat nila, naglihim kami sa kanila at bigla bigla nalang nila kaming nakitang magkayakap kanina.

"So ilang araw na ang relasyon nyo?" Nagulat ako sa diretsahang tanong ni Neil matapos ang ilang sandaling katahimikan. Kapwa sila naghihintay sa magiging sagot namin ni Chunji.

"Mag iisang linggo na" kalmadong sagot ni Chunji ngunit pansin parin ang pagkairita sa tono ng boses nya.

"Kailan- Shit! Is this really happening? Bakit kayo na agad!"

"Neil kalma" natatawang sabi ni Ricky at inayos ang nagulo nyang buhok. Sa kanilang lima, sya lang ang may ngiti sa labi samantalang ang iba ay nanatiling tahimik at seryoso.

"Paano ako kakalma? Tangina Ricky ang magaling nating kaibigan shinota ang pinsan ko. Ngayon sabihin mo nga paano ako kakalma!" Napapikit ako at hinawakan ang kamay nya ngunit nilisi lang nya iyon. He really is angry. Ngayon ko lang sya nakitang nagalit ng ganito.

"Chunji, totoo ba talaga? K-kayo na talaga?" Paos ang boses na tanong ni Changjo na halos ayaw na nyang ituloy ang sasabihin nya.

"Yeah. I'm really inlove with Poppy" Napakagat ako sa labi ko at yumuko, nasa kalagitnaan kami ng seryosong sitwasyon ngunit heto ako at kinikilig sa simpleng pagtatapat nya sa harapan ng pinsan ko at nila Ricky.

"I am not deaf, ngunit nabingi ata ako sa sinabi mo. Really Chunji? You're inlove with Poppy?" nakakunot ang noong tanong ni Cap.

"Sagad na sagad pre tinamaan ako" napaawang ang labi nila sa naging sagot nya at halos hindi iyon mag sink in sa utak nila base sa reaksyon ng mukha nila.

"Alam mo ba ang sinasabi mo? May usapan tayo alam mo yan!"

"I know I know at hindi ko yon nakakalimutan. Tangina Neil kinain ko na lahat ng sinabi ko noon sayo!" Kumunot ang noo ko sa binitawan nyang salita. Pinagusapan? Anong pinagusapan nila at ganun na lang ka big deal iyon? Tungkol ba yon sa akin?

"Sana naisip mo yan bago mo shinota itong pinsan ko! Alam mo ba kung anong magiging reaksyon nila tita-"

"Alam ko yon! Naisip ko na yan bago ako nag tapat kay Poppy. Shit! Mahal ko si Poppy and I am fucking serious here! Kahit anong sabihin nyo 'la akong pake!"

Napuno ng katahimikan ang buong bahay at halos mabibigat lang na paghinga namin ang naririnig sa sinabi nya. May kung anong kiliti akong naramdaman sa aking kaliwang dibdib sa binitawan nyang salita. Prinoproblema lang namin kanina kung paano namin sasabihin sa kanila ang relasyon namin tapos heto at biglaan ang pagtatapat namin.

"Nanaginip lang ba ako?" Nagulat na lang ako ng biglang sinapak ni Ricky si Neil. Nabigla man ay hindi na sya nakapagreact dahil mabilis nyang sinundan ng salita ang ginawa nya.

"O' ayan ramdam mo yong sapak ko? Hindi ka nanaginip. Hulog na hulog si pareng Chunji kay Poppy" Nagawa pa nyang sapakin si Neil sa ganitong sitwasyon. Natawa na lang ako sa kabaliwan ni Ricky, kahit kailan talaga hindi nya magawang magseryoso.

"Ikaw Poppy, 17 ka pa lang lumandi ka na!" Napakagat ako sa ibabang labi ko ng ibaling nya sa akin ang tingin nya. Ngayon naman sa akin na ang spotlight, hindi ako sanay na ganito ang trato nya sa akin. He used to be sweet on me.

"Mahal ko din sya Neil-"

"Infatuated ka lang" Huminga ako ng malalim at tinitigan silang lahat na ngayon ay naghihintay sa isasagot ko.

"I am not infatuated Neil. Mahal ko si Chunji bakit hindi yon matanggap ng kalooban mo! Bakit hindi na lang kayo maging masaya para sa amin! You guys are over reacting!" Hindi ko na napigilan pa at pasigaw kong sinabi sa kanila ang gusto kong sabihin. Kanina ko pa kinikimkim ang galit ko at heto na nga at para akong bulkang sumabog. Napailing iling ako at tumakbo papuntang kwarto ko, sinubukan pa akong pigilan ni Chunji ngunit hindi nya nagawa dahil pinigilan din sya ni Ljoe. I need to be alone! Hindi ko maintindihan kung bakit hindi nila tanggap ang relasyon namin.

Ibinaon ko ang ulo ko sa unan at pinunasan ang luhang tumulo sa pisngi ko. Nagpadalos dalos ba ako ng desisyon? Dapat ba na sinigurado ko muna ang nararamdaman ko para kay Chunji? Yinakap ko ang unan ko ng biglang bumukas ang pintuan, dapat pala nilock ko na lang yon. Gusto kong mapag isa, gusto kong magisip kung ano ba ang mali.

"Poppy"

"Leave me alone" mariin kong sabi ngunit hindi nya yon pinakinggan at umupo sa gilid ng kama ko.

"Poppy, kausapin mo naman ako, nabigla lang ako kanina"

"No Neil, ayaw mo sa amin ni Chunji. Mas mabuti siguro kung umuwi na lang kayo, hindi nyo din lang naman kami tanggap" Bumangon ako at hinarap sya na ngayon ay kalmado na ang mukha hindi katulad kanina na tensyonado.

"Na shock lang ako Poppy, hindi sa hindi ko kayo tanggap. Kaibigan ko si Chunji matagal na at madami akong alam sa kanya"

"Tulad ng ano Neil? Spill out! Nakakainis kayo alam nyo yon. Nag expect ako na matutuwa kayo sa amin ni Chunji pero ano yong naging reaksyon nyo? Halos ipamukha ninyo sa akin na mali ang mahalin sya" Hindi sya sumagot at pinikit ang kanyang mata, para bang nag iisip sya kung ano ang sasabihin nya yong eksaktong salita na makakapagsatisfy sa tanong ko ngunit ang mga binatawan nyang salita ang tuluyang dahilan kung bakit naibagsak ko ang mga balikat ko.

"Kakausapin ko sya Poppy, mag ssleep over kami ngayong gabi dito. Maguusap kami ng masinsinan" hinalikan nya ako sa noo at tuluyan ng umalis ng kwarto ko. Muli akong humiga sa kama ko at minasahe ang noo ko. Anong pag uusapan nila? Tungkol ba ito sa amin? Pagkatapos ba ng usapan nila tanggap na nila kami?

Under the Same RoofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon