Chapter 25:The Cool guy and the Medyo Childish

2.1K 49 6
                                    

|CHUNJI'S POV|

"tapos ngayon wala kang balak na kausapin ako! You're killing me poppy!"

Nagkaroon ng konting katahimikan sa pagitan namin halos kulog lang ang naririnig at bumabadya narin ang pag ulan. Nagtitigan lang kami at hindi kumikibo.

Una syang bumawi ng tingin at kinagat ang kanyang ibabang labi na parang batang napagalitan. Gusto ko tuloy tumawa sa inakto nya kahit kailan talaga may pagka isip bata sya. Hindi na ako magtataka kung bakit ganyan sya parehas sila ni neil mas isip bata nga lang si ricky. Pero bakit nasama si ricky?! Aish! 

"ano nga kase ang sasabihin mo?" walang gana nyang tanong. Napabuntong hininga ako at napapikit. Naman oh!

"tatanong ko lang naman kung bakit hindi mo ako kinakausap!"

"bakit ba? ehh wala naman akong sasabihin sayo!"

Aalis na sana sya pero pinigilan ko ulit sya. Kita mo hindi pa nga ako tapos magsalita ehh! Hard headed childish girl! Hindi ko pinangarap na may makasama akong ganito sa bahay! Pero andito na ehh may magagawa pa ba ako? At isa pa nasanay na ako sa presence nya.

"kung tungkol ito sa nangyari--"

"wala akong naririnig wala ahhhhhh"

Aba at! Bigla na lang syang umalis habang nakatakip ang kanyang kamay sa tenga at umiiling pa na parang ayaw nya talagang marinig ang sasabihin ko. Umaakto nanaman sya sa pagka childish nya!

"hoy poppy! kinakausap pa kita!"

"wala akong naririnig wala!" Tuloy tuloy lang sya papasok sa bahay at hindi man lang ako liningon! Aish! Kairita na talaga tong babaeng toh! Kinakausap ng maayos ehh!

"hoy hard headed childish! Hintayin mo ako!"

Pero mukhang mali ata ang nasabi ko dahil bigla na lang syang tumakbo papasok dahilan para habulin ko siya! Ano toh hide and seek! At dinamay pa talaga ako sa kabaliwan nya! Kairita!

Tumakbo sya papuntang kusina at sandaling huminto. Nung makita nyang palapit na ako sa kanya ay tumakbo nanaman sya. kaya heto kami nag hahabulan sa mesa. Para kaming bata tuloy na nag aagawan ng tsokolate. We're running around the table while defending each other's reason!

"isa poppy tumigil ka nga! Kinakausap ka ng maayos ehh!"

"ehh wala nga akong sasabihin sayo!"

"pwes ako meron!"

"wala akong balak makinig!"

"ahhhh!"

Nahawakan ko sya sa bewang nya dahilan para mapahiga kami sa sahig! Kasi naman ang kulit nya na out of balance tuloy kami! Nakapatong sya sa akin at nakahawak sa may dibdib ko.

Shit! I cuss! Bigla akong kinabahan at mabilis na tumibok ang puso ko ng marealize kong ilang pulgada lang ang layo ng mukha namin sa isa't isa! Hindi ko alam ang sasabihin ko at tila na hipnotize ako sa  mapang akit nyang mata! Ang mga labi nyang kay pula ang mga pisngi nyang mala rosas sa sobrang pula isama mo pa ang butt nya ng--!

"araayyyy!"

Anak ng! Bigla na lang nya akong kinagat sa pisngi! As in bumaon yung ngipin nya! Syet naman oh! Mukhang may balak pa ata syang sirain ang asset ko pano na lang ang mga fangirls ko! May lahi ata tong bampira ehh!

Marahas syang tumayo at pinagpapalo ako "wahhhh! manyak ka! *Hinawakan ko mo ang pwet ko! Wahhhhh!"

"aray! poppy naman ehh hindi ko naman sinasadya ehh ang kulit mo kasi  a-aray tama na!" Depensa ko naman habang hinaharang ang kamay ko.

Under the Same RoofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon