|POPPY'S POV|
Kinaumagahan ay maaga akong gumising para magluto ng breakfast namin. Kabado parin ako hanggang ngayon kahit sinabi na ni Chunji na ayos na sila ni Neil. Paano kung sinabi nya lang yon para pagaanin ang loob ko? Paano kung isumbong kami ni Neil kila mommy? Hindi ko na rin sya nareplyn kagabi dahil nakatulog na ako, kanina ko na lang nabasa ang text nya at nisend nya yon ng pasado alas dose na. Anong oras nanaman kaya sila natulog?
Bumaba ako at nadatnan ko ang gulo gulong unan sa sala. May mga bote pa ng alak sa may lamesa at platito na sa tingin ko ay pinaglagyan nila ng pulutan, nilalanggam na rin yon. Umiling iling ako at huminga ng malalim.
Dapat pala sa guest room na lang sila natulog hindi dito sa sala, halos ipagkasya na nila ang sarili nila sa comforter. Si Ricky na nakaunan na sa braso ni Cap, si Ljoe na yakap yakap si Changjo at si Neil na nakahiga sa sofa. Ang gulo nilang matulog at parang na bagyo ang buong sala.
Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto ng banyo at iniluwa non si Chunji na nagpupunas ng mukha gamit ang tuwalya. Mabilis ko syang nilapitan at kinuha ang tuwalya sa kanya na syang kinagulat nya. Ako na ang nagpunas sa mukha nya pati narin ang medyo basa nyang buhok, nakatitig lang sya sa akin habang ginagawa yon. Medyo yumuko pa sya dahil hindi ko abot ang ulo nya.
"Goodmorning" Malambing nyang sabi ng matapos ko syang punasan. Kinuha nya ang tuwalya sa akin at sinukbit yon sa hubad nyang balikat.
"Goodmorning din, may HO ka pa? You want coffee? Water?" Ginulo nya ang buhok ko bago ako hinalikan sa noo at yinakap.
"I don't want any kind of liquid right now Poppy, just a morning kiss" ngumuso ako kahit hindi nya kita at hinampas ko ang dibdib nya.
"I'm serious here Chunji, anong oras kayong natulog at nakailang bote ka ng alak?"
"Nakadalawang bote lang ako ng beer, pasado ala una na nong nakatulog ako. Masikip kasi tabachoy si Ricky" Tumawa ako at humiwalay sa kanya.
"E' bakit ka kasi nakitabi sa kanila? May kwarto ka naman a" Hinawakan nya ang baywang ko at inilapit ang katawan nya sa akin bago hinalikan ang labi ko. Libo libong kuryente ang dumaloy sa katawan ko sa ginawa nya. I'm still not used to it. Ramdam ko pa ang pagngiti nya sa ibabaw ng labi ko bago humiwalay.
"Ayaw ni Neil, pagsabihan mo yon. Nakakabwisit na sya" Inikutan pa nya ako ng mata bago sinuot ang t shirt nya.
"Pero, akala ko ba ayos na sa kanya?" Inayos nya ang laylayan ng damit nya bago humarap sa akin at pinagsiklop ang daliri naming dalawa. Gustong gustoko talaga ang ganitong side nya, yong sweet. It felt treasured.
"Ayos na sa kanya Poppy, tanggap na nya tayo atsaka ayaw man nya ako para sayo hindi yon ang magiging rason para hiwalayan kita"
Hinila na nya ako papuntang sala at ginising sila Ricky na ngayon ay tulog mantika parin. Niyugyug nya si Changjo habang hawak hawak parin ang daliri ko. May kung anong kumiliti sa dibdib ko sa sinabi nya. He's really willing to fight our relation. Kung kahapon ay para akong pinagsakluban ng langit at lupa ngayon naman, it feels heaven. Nasa taong mahal muna mismo ang nagsabi na hindi ka nya basta basta igigive-up.
"Tangina! Gumising na kayo!"
"Oo na psh! Aga aga ang ingay mo! Hoy Poppy patahimikin mo nga yang si Chunji!" Sigaw ni Changjo at binato ng unan si Chunji. Tumawa ako at makikisali na sana sa batuhan nila ng unan ng mapansing gising na si Neil at nakatitig sa akin.
Nabitawan ko ang unan at muling nabalot ng kaba ang puso ko. Ano ang sasabihin ko sa kanya? Hihingi ng tawad dahil sa sinabi ko kagabi o' magpasalamat dahil tanggap na nya kami ni Chunji.
BINABASA MO ANG
Under the Same Roof
Любовные романыDahil sa bwisit at pagkahaba habang traffic sa EDSA ay napilitan akong kumbinsihin si papa na hanapan ako ng bahay na malapit sa School. Less Hassle ika nga. Pero hindi ko naman aakalain na may makakasama akong ibang titira doon. And worst. Sya yung...