Chapter 30: Revelation

1.8K 40 7
                                    

|CHUNJI’S POV|

It’s been three days simula nung mag away kami ni Poppy ewan ko ba kung away nga kung matatawag yun dahil hindi ko naman sya inaaway sya lang naman ang umaaway sa akin! At three days narin syang hindi pumapasok! Ngayong hindi na ako busy sa sunod sunod na pictorial ko, ngayon naman sya ang hindi mahagilap! Pag gising ko sa umaga wala na sya sa bahay ginagabi narin sya ng uwi at sa tuwing tatanungin ko sya kung saan sya nagpupunta hindi naman sya sumasagot! She’s being cold to me this past few days! Wala naman akong nagawang kasalanan ahh! Kung ang problema ay yung tungkol sa pagkikita nila ni Kai pwes magsosorry ako kung gusto nya! Pero yung pakikitungo nya sa akin hindi ko matatanggap! Kami na nga lang dalawa ang nakatira sa bahay na toh hindi pa nya ako kakausapin! Tsk!

Sinubukan ko syang tanungin sa kaibigan nya pero isa din yun hindi pumapasok hindi ko tuloy alam kung si Kai ba o yung kaibigan nya ang kasama nya! Ang babaeng yun nakakasira ng isip! Hindi ba nya alam na may nagaalala sa kanya! Puro na lang si Kai si Kai! Nakakabwiset!

Katatapos lang ng klase namin kaya heto ako at pauwi na pupuntahan ko pa sana sila Neil dahil nagyaya sila pero ewan ko ba may nagsasabing dapat umuwi ako ng maaga ngayon.  Sinabi ko na lang sa kanila na hindi ako makakapunta dahil may gagawin ako.

Mabilis akong bumaba sa sasakyan ko ng makarating na ako sa bahay. Pumasok ako at laking gulat ko na lang ng makita ko si poppy pababa pa lang ng hagdan at mukhang may pupuntahan nanaman sya!

“mabuti naman at andito ko sa bahay” bungad ko sa kanya pero imbes na sagutin nya ako ay linagpasan nya lang ako na parang walang nakita

Pinigilan ko sya at hinawakan sa braso “kinakausap kita!”

“bitawan mo ako”

Hindi ko sya binitawan at hinarap ko lang sya sa akin at hinawakan sa magkabilang balikat.

“why are you avoiding me poppy!”

Tinignan nya ako at tinanggal ang mga kamay kong nakahawak sa balikat nya “bakit ba ehh sa wala naman akong sasabihin sayo” muli syang naglakad pero pinigilan ko ulit sya! This girl is so unbelievable! Pinapainit nya ang ulo ko!

“gusto mo bang isumbong kita kay tita! Tatlong araw ka ng hindi pumapasok for pete’s sake poppy! Saan ka ba pumupunta ha!”

“sige magsumbong ka kung gusto mo samahan pa kita! Saan ako pumupunta? Kanino pa nga ba edi sa kaibigan ko kailangan ako ni Kay Chunji kaya pwede ba umalis ka jan sa harapan ko”

Kai nanaman! Puro na lang si Kai! Wala na syang ibang bukambibig kung hindi si Kai si Kai! Sa inis ko isinandal ko sya sa pader  at hinarang ko ang kamay ko sa gilid ng mukha nya.

|POPPY’S POV|

Umiwas ako ng tingin at yumuko. Heto nanaman ang puso ko sobrang bilis ng tibok nito sa tuwing ang lapit lapit sa akin ni Chunji. Hindi ko alam kung ano ang problema nya pero the way na tignan nya ako parang anumang oras ehh sasabog na ang ulo nya at kulang na lang ehh umusok ang ilong nya sa sobrang galit! Sa katunayan ayaw ko pa sana syang makita dahil alam kung pipigilan nanaman nya ako kapag pupunta ako kay Kai. Kailangan ako ni Kai ngayon pa at tatlong araw na syang hindi gumigising.

Pinapauwi ako ni Tita Catherine, mama ni Kai pero sabi ko huwag na nagpaalam naman ako sa mga guro ko kaya okay lang kahit mag absent ako. Hindi na siguro natiis ni Tita ang kakulitan ko kaya naman pinapayagan nya akong bantayan si Kai.

At ngayon naman parang hindi pa ata ako makakalabas ng bahay  dahil kay Chunji! Kung alam ko lang sanang uuwi sya ng maaga ngayon I swear hindi ako uuwi.

I gasped ng mas lalo syang lumapit sa akin. Ano bang problema nya!

“alam mo bang nag aalala ako sayo” may halong lungkot sa boses nya at halos pabulong na lang ang pagkakasabi nya

Under the Same RoofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon