|POPPY'S POV|
Napaupo ako sa sahig at hinayaan ang pagragasa ng luha sa mata ko. Nakakapanghina ng buong sistema ang narinig ko. Pero paano kung niloloko lang ako ni Jasper? May tiwala ako kay Chunji, I got him on his neck. 'Yon ang sabi nya!
"Poppy, stand up. Shit! Dapat hindi ko na lang sinabi sa'yo e. I'm sorry" nag squat sya sa harapan ko at sinubukan akong patayuin pero nilisi ko lang ang kamay nya. Pinunasan ko ang luha ko at tumayo.
"Paano mo nalaman ang mga bagay na 'yan Jasper. Paano mo nalaman na pinsan ko si Neil?! Tell me! Bakit ang dami mong alam na hindi ko alam!" Sigaw ko sa kanya dahilan para tumingin ang mga taong dumaraan. I'm furious shit! Pinagloloko ba nila ako! Sheila and Chunji? And Kai? Really! Sa pagkakaalam ko ang parents lang nila ang ugnayan nila.
"Calm down Poppy my God! Ayokong makialam okay?"
"Sinimulan mo Jasper! Please tell me everything you know please" hinawakan ko ang kamay nya habanag umiiyak. I'm desperate now! Kaya ba hindi na ako tinatawagan ng lalaking 'yon dahil kay Sheila? My God! I can't even imagine him with her!
Tinitigan nya lang ako at napapikit. Mabibigat ang paghinga nya at nakakuyom ang kanyang kamao. Nagigting ang kanyang panga at hinila ako sa likuran ng sasakyan nya at tinulungan akong makaupo doon.
"Hindi ko alam ang lahat okay? Ang alam ko lang ay ex ni Sheila si Chunji at Kai" nanliit ang mata ko sa sinabi nya habang umuupo sa tabi ko. We're facing the street lights at kitang kita ang pagkulay kahel ng ulap dahil sa sunset.
"Pero ang sabi mo kanina ay alam mo ang lahat! Pinagloloko mo ba ako!"
"No. Oh shit! Okay okay sasabihin ko!" Ginulo nya ang buhok nya dahil sa frustration "Ano ang gusto mong malaman Poppy?"
Nagpakawala ako ng malalim na hininga at kinalma ang sarili ko. I need to know everything. Every single information about Sheila.
"Sino si Sheila? At paano nya naging ex si Kai at Chunji?" Umiwas sya ng tingin at itinuon ang mata sa kalsada bago nagsalita.
"Base sa kwento sa akin ni Sheila, nakilala nya si Chunji three years ago. Top student si Sheila noong nag aaral pa lang sya. The same school with Chunji and Kai. There was a thing called DBB. Dirty basketball. Laging sumasali noon sila Chunji sa larong 'yon, they always win. May pera kang makukuha doon once na nanalo ka, malaking pera dahil pustahan 'yon"
"Ano ang kinalaman nun kay Sheila? Straight to the point Jas!" Nasigawan ko nanaman sya dahil sa kwento nya! Ano'ng pakialam ko sa larong 'yon! An information about Sheila ang kailangan ko!
"Calm down! Hindi pa tapos ang kwento" Inirapan nya ako at pinagekis ang kamay. "Mahigpit na magkalaban si Chunji at Kai dahil kay Frederick. Tinakwil ni Frederick ang totoo nyang pamilya at pinili sila Kai. Mahirap lang sila Kai noon salat sa buhay kaya nya sinubok ang larong 'yon dahil pera ang kailangan nya. Laging nabubugbug si Kai noon sa ama nyang si Faustino"
Bigla kung naalala 'yong araw na magkasama kami ni Kai sa 7/11. 'Yong araw na dinala ko sya sa ospital dahil sa sakit nya. Shit! Tugmang tugma ang sinabi nya sa kwento ni Lay.
"Hindi 'yon tanggap ni Chunji kaya ginamit nya si Sheila para maghiganti. Magshota noon si Kai at Sheila at dakilang babaero si Chunji. Nakipagbreak si Sheila kay Kai at shinota nya si Chunji. Nung araw na nalaman ni Kai 'yon ay hindi na sya pumapasok bigla na lang syang nawala. At base rin sa kwento ni Sheila sa akin ay naging usap usapan din sa buong school nila na ginamit lang sya ni Chunji. Nawala rin si Sheila ngunit noong panahong 'yon ay bumalik naman si Kai"
Ibig sabihin gantihan ang lahat ng nangyari? Kaya pala ayaw nya akong palapitin kay Kai noon dahil galit sila sa isa't isa, pero bakit? Hindi 'yon sinabi sa akin ni Chunji! Ang alam ko lang ay galit sya noon kay Kai dahil kapatid nya ito sa labas.
BINABASA MO ANG
Under the Same Roof
Roman d'amourDahil sa bwisit at pagkahaba habang traffic sa EDSA ay napilitan akong kumbinsihin si papa na hanapan ako ng bahay na malapit sa School. Less Hassle ika nga. Pero hindi ko naman aakalain na may makakasama akong ibang titira doon. And worst. Sya yung...
