Chapter 57: A Friend

1.2K 27 0
                                    

|POPPY'S POV|

Kinaumagahan ay maaga akong gumising para mailigpit at makapaglinis narin sa kusina at sala dahil sigurado akong para nanamang nabagyo ang bahay tulad nalang noong nag overnight sila Neil dito. Wala na si Yael sa tabi ko pagkagising ko, dito kasi kami natulog sa kwarto ko. Samantalang ang boys naman ay doon silang lahat sa baba.

Bumukas ang pinto at lumabas si Yael na medyo basa pa ang mukha, mukhang kagigising lang din nya.

"Goodmorning!" Nakangiting bati nya

"Goodmorning" ngumiti rin ako at nag excuse sandali para makapag CR naman ako.

Napatitig ako sa salamin pagkapasok ko at inangat ang kamay ko. Hindi parin maalis ang ngiti sa labi ko simula kagabi, ang pinakamasayang birthday sa tanan ng buhay ko. Pinagmasdan ko ang bracelet na binigay ni Chunji, alam kung mahal ang pagkakabili nya dito pero worth it naman dahil gustong gusto ko. Countless Stars. Matapos nyang binigay ito ay sinayaw nya ako ng maraming beses para naman daw madama ko ang 18th birthday ko, kung bakit ba naman daw kasi hindi ako nagpaparty. E ang sabi ko naman kahit na hindi ako nagpaparty ay ayos lang dahil pinuno naman nya at kinumpleto ang birthday ko.

"Poppy matagal ka pa ba jan? Magpapaalam na sana ako"

"Sandali lang Yael" Sigaw ko at naghilamos na ng mukha. Kamusta na kaya ang mga boys sa baba? Gising na kaya sila?

Pagkatapos kung mag ayos ng sarili sa banyo ay lumabas na ako. Nakapaglapit na ng damit si Yael at mukhang aalis na sya.

"Aalis ka na? Breakfast muna tayo"

"Gusto ko sana kaso may pupuntahan daw kami ni mama. Pinapauwi na nya ako" ngumuso sya at humalukipkip sa kinatatayuan nya.

"Ganun ba, sayang naman. Tara na sa baba baka gising na sila" Bumaba na kami at katulad nga ng inaasahan ko ay para nanamang nadaanan ng bagyo ang buong sala. Napanganga si Yael at kumunot ang noo.

"Burara sila, parang nadaanan ng intense na ipo-ipo ang bahay" natatawang sabi ko at pinulot ang unan na nakarating na sa paanan ng hagdan.

Ang anim ay nasa sahig samantalang si Hyunwoo ay nasa sofa. Nagkalat ang bote ng alak sa lamesa at kung saan saan narin nakarating ang pinagbalatan nila ng sitsirya. Magkayakap si Changjo at Ricky samantalang si Ljoe naman ay nakaunan kay Neil. Parehong nasa gilid naman si Chunji at Cap na parehas ding walang pang itaas.

"Gigisingin ko lang si Hyunwoo ng maihatid nya ako"

"okay" nginitian ko si Yael na ngayon ay ginigising na si Hyunwoo, pinulot ko naman ang mga kalat nila at tinapon sa basurahan sa labas.

Nakakamiss din ang bahay na ito, halos dito ako tumira sa loob ng limang buwan. Nasa mid November na ngayon at ilang araw na lang ay magpapasko na. Nang maitapon ko na ang basurahan ay naglibot muna ako sa garden, nalanta na ang mga tinanim kung roses noon at tuyong tuto narin ang lupa. Ipapaayos ko na lang ito sa hardinero namin pagkauwi ko mamaya, sayang din naman kasi itong hindi kalawakang hardin.

"Poppy! Goodmorning" napatingin ako sa likuran.

"Hyunwoo, goodmorning! Buti naman at nagising ka ni Yael"

"Sinapak ako e' paanong hindi ako magigising" Hinampas sya ni Yael ngunit tumawa lang sya.

"Anong sinapak! Tss" inikutan nya ng mata si Hyunwoo at tumingin sa gawi ko.

"Gusto ko pa sanang mag stay kaso kailangan ko na talagang umuwi"

"'di ayos lang, sasabihin ko na lang sa mga boys na may importante kayong pinuntahan" Tumango naman sya bilang sagot at hinila na si Hyunwoo papuntang gate.

Under the Same RoofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon