|CHUNJI’S POV|
“Ayos ka lang ba? Kanina ka pa hindi mapakali jan sa kinauupuan mo” Pupunta ba ako oh hindi? Pupunta hindi? Urgh! Ginulo ko ang buhok ko at muling humiga sa sofa. Alas nwebe na at andito ako sa unit ni Ken. Inutusan kasi ako kanina ng boss namin na ibigay sa kanya itong mga pictures namin last Saturday, mag iisang oras nadin ako dito sa unit nya at hanggang ngayon ay pinagiisipan ko parin kung pupunta ako oh hindi sa debut ni Yael.
“May kitikiti ka ba sa pwet?” muli nyang tanong at tinignan ako ng confused look, hindi ko sya pinansin at kinuha ko ang cellphone mula sa bulsa ko. Itext ko kaya si Poppy? Baka hindi rin lang nya mabasa baka busy yun sa party eh kung tawagan ko na lang kaya aish! Malakas ang music dun baka hindi nya marinig na nagriring cellphone nya.
“Alam mo Chunji umuwi ka na nga, wala kang kwenta kausap”
“Ken, anong gagawin mo kapag yinaya kang pumunta sa debut party ng isang babae? Pupunta ka ba oh hindi?”
“Gunggung ka ba? Syempre pupunta ako, mahirap iplease ang mga babae pero mas mahirap kung lalaki ang pliniplease nila—teka? Huwag mong sabihing—“
“Aish! Huwag ka nga! Sige aalis na ako” hindi ko na hinintay ang sasabihin nya at umalis na ako. Final decision! Pupunta ako sa party, hindi ko matiis si Poppy sabi nya wala syang kasama ngayon paano kung kidnapin sya sa daan habang papunta sa party? Malamang may mga liquor dun, paano kung uminom sya at malasing tapos baka pagsamantalahan sya doon. Aish! Nag aalala ako sa kanya may pag ka clumsy pa naman yun.
Umuwi muna ako sa bahay at naligo, pagkatapos kung naligo ay sinuot ko ang isa sa mga suit kung hindi ko pa nagagamit. Ano na kayang ginagawa nila? May nagyaya kayang sumayaw sa kanya? Aish! Hindi pwede dapat ako lang ang isasayaw nya. Bakit ba kasi tinanggihan ko sya nung isang araw? Bakit ba parang na oobsess ako kay Poppy? Pagkatapos kung magayos ay mabilis akong pumunta sa sasakyan ko at inistart ang engine nito. 10:00 na, sana hindi pa ako late medyo malayo layo pa naman ang venue ng party.
Makalipas ang isang oras na byahe ay sa wakas nakarating narin ako dito. Mabilis akong pumasok sa building at sumakay sa elevator, may nakasabay pa akong tatlong babae at kung makatingin sila sa akin ay para nila akong hinuhubadan sa isip nila. Bakit ba hindi ko maisip na baka makilala nila ako? Aish! Bahala na! Para kay Poppy!
Nang makarating ako sa 3rd floor ay kaagad akong pumasok sa function hall, malakas na tugtug ang sumalubong sa akin, halos lahat ng teens ay nagsasayaw sa gitna at wala pa akong makita na kakilala ko. “Asan na ba si Poppy” Naglakad ako para hanapin si Poppy pero damn hindi ko sya makita! “Saan nanaman ba nag susuot ang tutang yun” inilabas ko ang cellphone ko para tawagan sya pero kapag minamalas ka nga naman oh, lowbat pa!
Muli akong naglakad at lalabas na sana ng may mahagilap ang mata ko. Finally! Nakita rin kita! Nakaupo sya sa sulok at nakayuko lang na parang batang nawawala. Kahit kailan talaga para syang bata, I feel relief ng makita kong wala syang kasama at the same time naaawa ako, kung sana sumama pa ako kanina hindi sana sya malungkot ngayon.
I clear my throat bago sya linapitan, hindi pa nya ako napansin na nasa tabi na nya ako sa lalim ng iniisip nya. “May I have this dance, again?” mabilis syang napatingin sa akin at napatayo, halatang nagulat sya sa bigla kong pagsulpot. Pfft- ang cute nya talaga.
“Chu—CHUNJI!”
“Shall we?” hindi parin sya sumagot at nakatingin lang sa akin. Para syang nakakita ng multo ngayong nasa harapan nya ako. “Poppy”
Nabalik naman sya sa katinuan ng hawakan ko ang kamay nya at hinila sya sa gitna, ang kaninang rock music ngayon ay napalitan ng isang soft music. Inilagay ko ang kamay ko sa bewang nya at naramdaman ko naman any kamay nya sa batok ko.
BINABASA MO ANG
Under the Same Roof
RomanceDahil sa bwisit at pagkahaba habang traffic sa EDSA ay napilitan akong kumbinsihin si papa na hanapan ako ng bahay na malapit sa School. Less Hassle ika nga. Pero hindi ko naman aakalain na may makakasama akong ibang titira doon. And worst. Sya yung...