|POPPY’S POV|
“GOODMORING PHILIPPINES!!!” ang saya lang ng gising ko ano? paano kasi pasyal daw kami ngayon hi hyunwoo, shemay! kinikilig ako anong oras na ba? baka malate ako sa lakad namin. tinignan ko yung clock sa tabi ng kama ko at wahhhhh!!! 7:00 na late na ako dapat 6:30 andun na ako sa may park.
Mabilis akong bumangon at kumuha ng damit sa closet ko, shonga ka talaga poppy, kung anu-anu kasi iniisip mo kagabi yan tuloy late kang natulog, at ano ako ngayon? late ding nagising, huhuhu, saan nga ba kami pupunta ni hyunwoo at paano kami nagkaayos? ganito kasi yun.
Wednesday, maaga akong pumasok dahil gusto ko na talagang makipag bati kay hyunwoo at gusto ko ring mag explain sa kanya, bestfriend ko kaya yun diko siya matitiis.
So yun nga naglalakad ako sa may hallway ng Makita ko si hyunwoo papunta sa room namin, hinabol ko siya at hinawakan sa may braso.
“hyunwoo” sabi ko ng nakayuko hindi naman siya nagsalita, pero nararamdaman kung nakatitig sya sa akin .
“hyunwoo, usap tayo” sabi ko ng nakayuko parin
“tara dun tayo sa terrace” bigla na lang nya akong hinila papunta sa terrace
yes!! you did it poppy!! hayyyy, sana lang magbati na kami, kasi naman nakakainis yung chunji nayun. POPPY!!! chunji nanaman!! si hyunwoo muna pwede!
umupo kami sa may upuan doon habang nakatingin sa may harapan namin magkatabi kami at hinihintay magsalita ang isa sa amin. naku paano ba toh? ako ba yung unang magsasalita o siya?sige na nga ako na nga ako na man ang nagyaya sa kanya na makipagusap sa akin.
“ahh kasi hyunwoo—“
“anu yun poppy?” sabi nya sabay tingin sa'kin. Tumingin na din ako sa kanya sabay yuko
“kasi ano– yung nakita mo totoo talaga yun, pero kasi si chunji –“
“sya yung humalik sayo?” pagtatapos nya sa sasabihin ko sana, nag nod lang ako ng nakayuko.
Hinawakan naman nya yung balikat ko at pinaharap nya ako sa kanya
“poppy hindi kaba nanunuod ng news?”
“haa?” napatingin ako sa kanya ng may halong pagtataka
“kasi sabi ni chunji nung ininterview sya, friendly kiss lang daw yun? at sabi pa nya childhood friend ka daw nya? kaya yun” may halong pagtatanong naman sa sinabi nya, para bang hindi sya naniniwala sa mga sinabi ni chunji.
“kasi ganito yun,” okay poppy sabihin muna! kaya mo yan “sya kasi yung kasama ko sa bahay kaya ayaw muna kitang papuntahin dun, at kaya nya ako nahalikan sa picture nayun kasi andun yung ex nya nasi Stephanie, para hindi daw gumawa ng eksena si Stephanie ehh yun hinalikan nya ako, para isipin ni stepahnie na hindi si chunji yun or para hindi nya mapansin si chunji, pero promise hindi ako yung humalik sa kanya” tinaas ko pa yung kamay ko, yung sign ng nagpropromise. tinitigan nya lang ako, yun bang titig na kung maniniwala ba sya or what.
“hay naku! ang dami mong explain, naniniwala naman ako sayo ehh, at yung halik nayun okay lang yun, naiintindihan ko naman si chunji, syempre kung ako yung nasa kalagayan nya gagawin ko din yun” ngumiti sya sabay yakap sa akin
yinakap ko din siya sabay ngiti ng sobrang lapad, atlast bati na kami, hindi talaga ako matitiis nitong bestfriend ko.
bati na tayo?”
![](https://img.wattpad.com/cover/5052238-288-k406555.jpg)
BINABASA MO ANG
Under the Same Roof
Любовные романыDahil sa bwisit at pagkahaba habang traffic sa EDSA ay napilitan akong kumbinsihin si papa na hanapan ako ng bahay na malapit sa School. Less Hassle ika nga. Pero hindi ko naman aakalain na may makakasama akong ibang titira doon. And worst. Sya yung...