Chapter 33: A not so Romantic Date

2K 49 3
                                    

<CHUNJI’S POV|

“hoy? Okay ka lang? Kanina ka pa tulala a”

 Napabalikwas ako sa pagkakahiga mula sa sofa at tinignan ng masama si Hyuna na ngayon ay nakaupo na sa tabi ko.

“papatayin mo ba ako sa gulat?” Tumawa lang sya at tinapik ako sa balikat

“tell me, bakit ka andito? Sa pagkakaalam ko wala kang trabaho ngayon”

Bakit nga ba ako andito sa Kompanya ng humahawak sa akin bilang isang Model? Tss! Bwisit na tuta yun ehh! Wala naman syang ginagawa sa akin pero bakit laman sya ng isip ko? Simula kagabi hanggang ngayon hindi na sya maalis sa isipan ko! Pati narin yung pagyayaya ko sa kanya ng date, hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko at sinabi ko yun. Nagkaroon tuloy ako ng problema, tch!

“Bakit ko naman sasabihin sayo?”

“Dahil Ex mo ako” Nginitian nya pa ako ng mapang asar at inilagay ang isang daliri nya sa Jawline ko.

Tinabig ko naman iyon at sinadal ang ulo ko sa sofa

Ano bang ginagawa kapag nag dadate? Yung mga naging kasintahan ko kasi noon wala namang date na nangyayari. Inuman sa Bar at Flirting lang. Alangan naman na dalhin ko sa Bar si Poppy, tss baka sapakin pa ako ni Neil kapag nalaman nya yun.

Hindi na nga ako pumasok para makapag isip isip kung anong gagawin pero Fuck! Hindi ko talaga alam kung anong gagawin mamaya. Baka iniisip ng babaeng yun na linoloko ko lang sya kahapon. Kung pwede ko nga lang bawiin yung sinabi ko babawiin ko pero iniisip ko pa lang na kapag ginawa ko yun baka magalit yun sa akin at baka hindi nya ako pansinin.

“Huwag mong sabihing pumunta ka dito para lang sa wala, kilala kita Chunji”

“Ehh sa  wala nga bakit ba ang kulit mo?”

Inikutan nya lang ako ng mata atsaka tumayo “Bahal ka na nga, I have to go tapos na akong mag sign ng contract ko stress na naman this week, Bye!” Humalik pa sya sa pisngi ko bago tuluyang umalis.

Muli akong humiga sa Sofa at ipinikit ang aking mata. Pigang piga na ang utak ko kakaisip pero wala parin! Humingi kaya ako ng tulong kay Ken? Tss huwag na pala baka kantyawan lang ako nun!

“Bro! Wassup?” And speaking of the devil! Bakit sa dinamirami ng lugar na pwede kong puntahan dito pa? Parang hindi naman nakakatulong sa akin ang pagpunta ko dito!

“oh kaw pala” Bumangon ako at hinarap si Ken na ngayon ay nakaupo sa one seater na upuan

“akala ko ba papasok ka ngayon kaya ka hindi sumama sa photoshoot sa tagaytay?”

“tinamad ako pare ehh”

“dati ka namang tamad ahh”

“tss mukha mo!”

Tumawa lang sya sa sinabi ko at hindi na muling nagsalita. Kasama ko sya minsan sa mga photoshoot or kung may Event kaming pupuntahan lalo na kapag Fashion show. Sya ang pinaka close kong lalaki sa lahat ng nakatrabaho ko. Yun nga lang minsan na lang kami nagkikita or magkasama sa trabaho ewan ko ba jan may balak na atang mag retire sa pagmomodelo gusto nya daw mag aral muna.

“ahh bro pwede magtanong?”

Naagaw naman ng atensyon nya ang sinabi ko, paano kasi may kung anong kinakalikot sya sa phone nya.

“may problema ka? Huhulaan ko babae nanaman noh?” Natatawang sabi nya

Sarap sapakin ng lalaking toh! Hindi pa lang kasi tapos magsalita ehh!

“gago hindi!” binato ko pa sya ng tissue paper na kinuha ko sa mesa. Taena naman oh! Bakit kinakabahan ako! Ngayon lang kasi ako namroblema sa babae ng ganito tapos sinabi ko pang hindi babae ang problema ko!

Under the Same RoofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon