|POPPY’S POV|
Ang aga kong nagising ngayon, paano kasi kailangan kong sundin yung rules and regulations na ginawa ng kumag nayun. Ang epal nya e' sya lang naman gumawa 'non napaka unfair dapat kaming dalawa gumawa ng rules and regulations dahil kaming dalawa ang nakatira dito.
Bumaba na ako at nagluto ng hotdog at itlog buti nalang napadaan si manong joe kahapon dito nagpabili na lang ako ng frozen foods dahil yun lang naman ang alam kung lutuin.
Pagkatapos kung nagluto, naligo na ako kaagad dahil baka malate ako sa klase, papaalis nasana ako ng maalala ko ang kasama ko dito sa bahay, napatingin ako sa pintuan nya, ano kayang ginagawa nya, ba't di pa sya gising, bat ko ba siya iniisip paki ko sa kanya, bahala sya sa buhay nya, at bahala din sya sa pagkain nya. Paano kasi sunog yung luto ko. Bahala talaga sya1 Kung gusto nyang mabuhay kasama ako magtiis sya!
***
Naglalakad ako sa school grounds papuntang room ng may tumawag sa pangalan ko.
“Poppy! Poppy! Hintay!” Napatingin ako sa likod ko, nakita ko si Hyunwoo tumatakbo papalapit sa akin habang winawave ang kanyang kamay. Ngumiti ako at nagwave din sa kanya.
“Kanina pa kita tinatawag” hinihingal na sabi nya pagkalapit nya sa akin, halatang pagod ito sa pagtakbo dahil nakahawak ang kanyang dalawang kamay sa tuhod nya.
“awww sorry naman di kita narinig e'”
“okay lang basta ikaw” sabay ngiti ng sobrang lapad
“lika na sabay na tayo”
“lika na”
Sabay kaming naglakad papuntang room dahil magkaklase kami, sobrang close ko ito e' classmate ko sya since first year. At masasabi kong crush ko siya, crush lang naman paano kasi sobrang bait nya at sobrang saya kasama hindi sya boring kasama, sya yung tipo ng taong mapapagaan ang araw mo,
“Nga pala, kamusta naman yung bago mong tirahan?” tanong nya na nakataas ang isang kilay
“hmm okay naman maganda naman yung bahay”
“yung kasama mo?”
Napatingin ako sa kanya, teka sasabihin ko ba nakasama ko sa bahay si Chunji? Siguro huwag muna baka kung anong isipin nya
“okay naman siya , ang bait nga nya e'” kasinungalingan .
“talaga gusto ko siya makilala, pasyal ako sa bahay niyo huh?” at binilisan nya ang paglalakad, napahinto naman ako sa sinabi nya, What?! Papasayal sya sa bahay? No way! Hindi nya pwedeng malaman na kasama ko si Chunji sa bahay, e' bakit ba hindi nila pwedeng malaman! Urgh! basta hindi pwede.
Hinabol ko siya at hinawakan ang kanyang kamay “Hyunwoo e' ano di ka pa pwedeng pumunta sa bahay, next time na lang”
“e' bakit? Ayaw mo bang pumunta ako sa bago mong tirahan”
“hindi sa ganun kasi ano, gusto ni papa na huwag mo na daw ako tatanggap ng bisita sa bagong bahay—“
“okay” nakangiting sabi nya atsaka ako hinila. Sheez! Buti na lang at madali lang malusutan itong si Hyunwoo. Sasabihin ko naman sa kanya kung sino yung kasama ko e'. Huwag lang muna ngayon.
***
Ang boring ng klase, and I hate our subject this time Math. Mahina kasi ako pagdating sa Math kaya nga 2nd section ako, 2nd section na lang parati pero mas okay na'yon keysa naman sa mapunta ako sa last section.
“hoy natutulog ka nanaman” pabulong na sabi ni hyunwoo, katabi ko sya sa lahat ng subjects means seatmate ko sya .
“wahhhh shhh-- huwag kang maingay baka mahalata ako shhh-- I hate math alam mo yan” Tumawa lang siya sa sinabi ko at hindi na niya ulit ako kinulit.
BINABASA MO ANG
Under the Same Roof
RomanceDahil sa bwisit at pagkahaba habang traffic sa EDSA ay napilitan akong kumbinsihin si papa na hanapan ako ng bahay na malapit sa School. Less Hassle ika nga. Pero hindi ko naman aakalain na may makakasama akong ibang titira doon. And worst. Sya yung...
