|CHUNJI'S POV|
"good nice shot, both of you" sabi sa amin ni Manuel na ngayon ay sya ang naka assign na photographer.
"thank you" sagot naman ni Hyuna na kasama ko sa pictorial
Katatapos lang ng pictorial namin para sa bagong labas na product ng Bench, to tell na kasama ko sa photoshoot si Hyuna. She's pretty and sexy kaya sa lahat ng nakatrabaho ko sya ang pinakagusto ko maganda naman lahat ng nakasama ko pero wow she's different from them.
"good job" sabi nya sa akin habang nakangiti.
"Same here" i smile back too.
"Alam mo naman na siguro ang balita"
"anong balita?" Anong balita naman ang ibig nyang sabihin?
"well usa-usapan lang naman na may relation tayong dalawa dahil nakita ng media na nag dadate tayo last day"
Yes, we're dating ako nag iinvite sa kanya para kumain sa labas. Hindi ko siya liniligawan dahil alam kong kahit hindi ko siya ligawan magiging girlfriend ko siya. Well hindi naman sa pagmamayabang pero ramdam kong may gusto rin sya sa akin.
"Totoo namang nag dadate tayo diba?"
"Yes i know, pero baka makasira sya sa career natin" nakanguso nyang sabi. Lumapit ako sa kanya at bumulong sa tenga nya
"Sa tingin ko mas maganda kung totoong may relasyon tayo, alam mo naman ang media at mga tao, botong boto sa atin kaya huwag kang mag alala kahit makita nila tayong nag dadate ok lang yun" Minsan kasi may mababalitaan na lang ako na may namamagitan sa amin ni Hyuna na kahit wala naman. Ewan ko ba sa mga reporters kung ano ano na lang ang binabalita nila
"alam mo may point ka"
"i told you"
"lets not talk about that, hatid mo na ako. It's getting late umuulan pa naman" sabi nya bagao yinakap ang braso ko. I smirk at her at hindi sumagot. Hinila ko siya at umalis na, hindi na kami nagpaalam sa mga staff dahil busy pa sila sa pag aayos ng mga nagamit sa pictorial.
Pinagbuksan ko siya ng pinto nung makarating na kami sa kotse ko. Kaagad naman akong pumunta sa driver's seat at akmang ituturn on na ang engine ng may biglang tumawag.
Napantingin ako sa phone ko at nakitang tumatawag si Stephanie. Shit! Ano nanaman ba ang kailangan ng babaeng ito! Sinabi na ngang tapos na yung namamagitan sa amin. Halos ibigay na nya sa akin ang sarili nya nung huli kaming nagkita. Ayoko sa mga ganung babae langya!
"sinong tumawag"
"just a friend hindi naman siguro importante 'yon" tumango lang sya sa sinabi ko at nagsimula na akong mag drive.
Malapit lang naman ang bahay nya sa pinaangyarihan ng photoshoot kaya wala pang 30 minutes ay nakarating na kami sa bahay nya. Good thing at hindi traffic
"we're here" sabi ko pagkarating namin sa tapat ng bahay nya. Sandaling huminto ang ulan kaya mabilis ko siyang pinagbuksan ng pinto.
"aww so sweet, thanks Chunji"
"anything for you babe"
"so gotta go, see you tommorrow"
Aalis na sana ako ng pinigilan nya ako. Humarap ako sa kanya at hinalikan nya ako sa labi, I respond to her kisses and took her hand on my nape to deepen our kiss. Shit! Sana lang walang umaaligid na reporters dito or else.
"I don't know why are we doing this" sabi nya pagkatapos nya akong halikan. Ngumiti lang ako at akmang hahalikan ulit siya ng itinakip nya ang kanyang kamay sa bibig ko.
"That's enough, goodnight" with that she left me at pumasok na sya sa bahay nila.
Napailing iling ako habang papasok sa sasakyan ko. A dick tease. Mabilis ko 'yon na pinaharurut sakto namang umulan ng malakas. Umulan pa, kamusta na kaya 'yong kasama ko sa bahay. Bahala sya sa buhay nya! Matanda na sya alam naman na nya siguro ang dapat gawin sa bahay.
|POPPY'S POV|
Nagtalukbong ako ng kumot ko at yinakap ng mahigpit ang unan. Shit naman o! Bakit ngayon pa umulan ngayong wala akong kasama dito sa bahay. Napasinghap ako ng muling kumulog at kumidlat ng pagkalakas lakas.
Asan na ba kasi ang lalaking 'yon! 8:00 na a' bakit hindi pa sya ummuuwi! Muli nanamang kumulog kaya napahigpit ang pagkakahawak ko sa kumot ko. Mabilis akong bumangon at bumaba sa sala, umupo ako sa tabi ng sofa sa pinakasulok, yinakap ko ang mga tuhod ko at umiyak. Para bang bumalik sa alala ko yung panahong nag camping kami noon sa gubat.
Maya-maya lang ay nakarinig ako ng tunog ng sasakyan. Salamat naman at dumating na ang kumag na 'yon! Hindi ako umalis sa kinauupuan ko, umiyak lang ako ng umiyak sa sobrang takot. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan at dahan-dahan niya itong binuksan,
"Poppy" tawag nya sa pangalan ko pero hindi ako sumagot. Bahala sya sa buhay nya, kainis siya!
"asan na ba yung babaeng yun" narinig kong sabi nya, hindi parin ako umimik at umiiyak parin ako dahil hindi pa tumigil ang ulan. Napasigaw ako dahil mas lalong lumakas ang kulog at kidlat.
"Poppy anong ginagawa mo jan" napatingala ako at nakita kong papunta sya sa direksyon ko. Hindi parin ako umimik, yumuko ulit ako at umiyak, dumating ka pang kumag ka! Nakakainis ka talaga!
"Poppy anong ngyari" tanong nya sabay hawak sa braso ko. Inalis ko ang pagkakahawak nya sa braso ko ng hindi tumitingin sa kanya .
"hey bat ka umiiyak, hoy Poppy sumagot ka naman"
"Ayoko sa kulog at kidlat" Bigla na lang syang tumawa ng malakas na halos mapahiga na sya sa sofa. Nakahawak pa sya sa tyan nya at parang naiiyak narin sa sobrang tawa
"Anong nakakatawa" sumisinghot kong tanong
"e' kasi nakaka-" Hindi na nya naituloy ang sasabihin nya ng mas lalong lumakas ang kulog at kidlat dahilan para mapayakap ako sa kanya at sabay kaming napahiga sa sahig.
BINABASA MO ANG
Under the Same Roof
RomanceDahil sa bwisit at pagkahaba habang traffic sa EDSA ay napilitan akong kumbinsihin si papa na hanapan ako ng bahay na malapit sa School. Less Hassle ika nga. Pero hindi ko naman aakalain na may makakasama akong ibang titira doon. And worst. Sya yung...